CHAPTER 39- TRAINING

376 6 0
                                    


KNOX POV

"Are you ready?" tanong sa akin ni Uncle habang buhat buhat ko ang mga maleta ko pababa. Pagkatapos ko mag abot ng pagkain ni Trina ay nagimpake na ko 

"Ang dami mo naman yatang dala" tanong niya ulit pagkatapos makita ang 2 maleta na nasa harap niya 

"Good for 1 year"  sagot ko sakanya

Tinawanan lang ako ni Uncle "Loui, Training ang pupuntahan mo, Hindi ka magbabakasyon" 

"I know, Lahat ito puro damit ko and you know.. essentials" 

"Really?" niluhod niya ang isa niyang tuhod at binuksan ang isa kong maleta. Malas lang talaga ako dahil yung isang maleta ang nabuksan niya "Picture frame!? Aanhin mo to Loui!" 

Ang picture frame na tinutukoy niya ay ang picture ni Trina noong birthday niya. Inspirasyon ko yan Uncle kaya essential talaga yan dalhin. Ginulo niya ang maleta ko. Kumuha siya ng tig-iisang itim na tshirt, short at pantalon. "Ito, Ito lang ang kailangan mo. Loui" 

"What!? Panong yan lang? Pano ako tatagal ng isang taon kung yan lang ang damit ko?" 

Seryoso ba siya? Ayoko mamaho don. Ayokong mag ulit ng mga suot ko. Hindi niya ako pinakinggan at lumabas na ng bahay dala dala ang damit kong kinuha niya 

"Uncle!, Uncle" tawag ko sakanya at sinundan siya. Nagulat ako dahil nandito na pala agad ang helicopter na gagamitin. Tumigil muna ako at pinagmasadan iyon

Kaya ko ba?

Hindi yata, Hindi ko kayang iwan siya 

Hindi pa din okay si Daddy, Baka anong mangyari sakanya

Hindi ko talaga kaya. Narinig kong tinatawag na ko ni Uncle kaya tumakbo ako papasok ng bahay namin ngunit napakabilis niya nahuli niya agad ang kwelyo ko at hinigit papunta sa helicopter "Uncle, please I don't want to do this. Please Uncle, Please" pamimilit ko sakanya ngunit hindi niya ako pinakinggan at sinakay na ako sa helicopter

Sapilitan niyang kinuha ang phone ko dahil bawal daw doon iyon. Habang nasa byahe ay umiiyak ako na parang bata na inagawan ng laruan "Loui, Ano ba, Lalake ka ba talaga?" Ano naman kung umiyak ang lalake wala naman masama doon. Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang pagiyak ko

Daddy

Mommy

Trinaa

Lumapag ang helicopter sa Soldier Camp. Ang huling punta ko rito ay noong dumalaw ang presidente. Ganon pa rin ang nakita ko puro mga sundalo at mga nag t-training. Hindi ako handa sa ganito 

Pagkalabas namin sa helicopter ay sinalubong kame ng mga sundalo na iba iba ang kulay ng uniforme. Nagbigay sila ng saludo kay Uncle. Wala akong kadala dala tanging sarili  ko lang

Pumunta muna kame sa office ni Daddy at doon nagusap usap sa mangyayare. Ang una daw ay kailangan kong magpakalbo. Katulad ng iba na nag t-training. Mahal na mahal ko ang buhok ko. Unang step palang ay napapaiyak na ako. Kailangan ko magpakalbo ngayon at bukas magsisimula ang unang araw ng training ko

Nakapikit akong umiiyak habang nararamdaman ko ang mga buhok na nahuhulog sa balikat ko. Pagkatapos non ay dinala ako sa isang kwarto at doon daw muna ako matutulog. Isang single bed, maliit na table at cabinet lang ang laman non. Suot ko ang damit na binigay ni Uncle kanina. White tshirt iyon at itim na short. May binigay siyang malaking box at nandoon daw lahat ng kakailanganin ko. Nandoon ang 'boots', 5 piraso na white shirt at itim na short, pito, lubid, papel, ballpen at kung ano ano pa.

Bullets of Healing (COMPLETED)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora