CHAPTER 29 - PICNIC DATE

462 4 0
                                    

AUTHORS NOTE

This story consist of 50 Chapters only

You can express your reaction through tweeting by using

#BulletsofHealingxWattpad
#BOHxWattpad

Just tag me @_akotosiulap

-------------------------------------------------------

Pagkagising ko ay ang sakit ng buong katawan ko. Napahawak pa ko sa ulo ko at umupo sa kama.

Hinintay ko na luminaw paningin ko. Nasa kwarto ko ako. Napatingin ako sa side table ko at may maliit na planggana doon at bimpo. Tumingin ako sa kanan ko at nagulat ako dahil may taong nakahiga sa sofa.

Tinitigan ko ito ng maigi para malaman kung sino ito. Si Knox pala. Sa sobrang tangkad niya ay hindi siya kasya sa sofa ng nasa kwarto ko. Nakahiga ang katawan niya sa sofa habang magka krus ang braso. Ang binti naman niya ay naka nakalaylay sa lapag.

Pinagkasya niya ang sarili niya sa sofa. Eh ang laki laki ng kama ko. Napaka gentleman talaga nito

Bumaba ako sa kama ko at napansin ko na hindi na ako nanghihina. Siguro sa sobrang pagod at stress kaya ako nawalan ng malay. Pumunta ako banyo upang maghilamos at mag toothbrush. Nang paglabas ko ay Nakita ko si Knox na nakatalikod sa akin at ang dalawang kamay niya ay nasa ulo niya halatang problemado.

Nilapitan ko siya at kinalabit. "Huy" Sabi ko. Pagkaharap niya sa akin ay Nakita ko kung panong ang mga nag aalalang mata niya ay napalitan ng kapayapaan

"Thanks, God" at bigla niya akong niyakap. Hinawakan niya ang noo ko. "Wala ka nang lagnat" Sabi niya sa akin

Hindi ko siya pinansin at dumiretsyo sa paglalakad patungo sa kama ko. Inalalayan niya naman ako na parang mauulit ang pagbagsak ko kahapon

"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya sa akin at humarap sa akin

"Okay na, Pahinga lang talaga ang kailangan"

"Pinag alala mo kame, Trina" mahinahong sabi niya sa akin "Hindi ko alam ang gagawin ko habang hawak hawak kitang walang malay, Bigla akong nablangko" pag aamin niya sa akin at tumungo.

"Pano ako nakarating rito?" tanong ko tungkol kung nasaan ako ngayon

"Binuhat kita, at sumigaw ako para marinig ng maid niyo. Dadalhin na sana kita sa ospital. Kaso kakagaling mo lang don" hinaluan niya pa ng joke at natawa naman ako

"Ayos ka rin talaga e no, Sorry. Ang dami lang nangyare kahapon"

"Alam na namin, Tinawagan ko agad sila Tita para sabihin ang nangyare sayo. Pumunta naman dito si Nurse Marco at Family Doctor niyo. Overfatigue ka daw. " pagkwekwento niya sa akin

"Absent tuloy ako ngayon hays" at bumuntong hinga ako

"Talaga, Hindi ka din papayagan nila tita na mag duty muna. Paano mo maalagaan ang iba kung ikaw mismo ay may sakit at di okay?"

"Yes, I get it okay" at inirapan siya "Grabe umagahan mo sakin ha sermon" Sabi ko sakanya dahil bigla ako nakaramdam ng gutom

"May nakahanda nang pagkain sa baba, Nakapagluto na ko" Grabe Nakapagluto agad siya "Kaya mo na ba? Gusto mo buhatin kita pababa?"

"Ano ko lumpo?" sagot ko sakanya at tinawanan lang ako

Kahit hindi na kailangan ay inalalayan niya pa rin ako pababa ng hagdan. Pinaupo niya ako sa upuan at hinain Ang mga paborito kong pagkain. Puro ito pang umagahan. May tocino, bacon, itlog at hotdog.

Bullets of Healing (COMPLETED)Where stories live. Discover now