Chapter 28

48.3K 995 26
                                    

"A-anong ginagawa mo dito?" I ask him. He's the reason why I prefer to leave tapos ay nandito siya kasama ko?

"I told you..hindi kita hahayaang makalayo. Minamaliit mo ata ako Anica." Hindi ito nakatingin sa akin pero kitang-kita ko ang pagkunot ng noo nito habang nagsasalita. Nakasimpleng navy blue shirt lang ito at pants..

"Why?"

Bumuntong hininga muna ito bago magsalita. "Look..hindi kita pwedeng pabaya--"

"I am not your responsibility Mr. Sanreal." Napahinto ito sa sinabi ko. Hindi naman na ito muling sumagot pa kaya pinili ko nalang din manahimik.

Habang nasa byahe ay hindi ko mapigilang mapasulyap ng kaunti sa kanya. Hindi ko talaga maitatangging magandang lalaki ang katabi ko. Siya iyong tipong lilingunin mo dahil bukod sa maputi ito ay napakaganda pa ng katawan. Aish! What am I saying?

Nang iannounce na ang paglapag ng eroplano ay nilapitan ako agad ng assistant ni daddy. Inunahan ko na sa pagtayo si Gio pero laking gulat ko nang hawakan ako nito sa siko para alalayang tumayo. Para ako nakaramdam ng kuryenteng dumaloy sa balat ko nang madikit ang kamay nito.

"Emil ako ng bahala sa kanya." Sabi nito kay Kuya Emil na assistant ni dad. Aalma sana ako nang ganun na lamang tumalima sa utos si Kuya Emil. Pambihira! Hindi ko tuloy maiwasang maisip kung paano siya nakasama sa plane namin. May convention din ba siya?

"Getting curious? " bulong nito sa akin habang inaalalayan parin ako. Inisnab ko na lamang ito.

"Your dad should have made a public announcement restraining me from you or the company's premises. Iyon nga lang, he didn't. Now do you understand kung paanong makakasama ako sa convention even though hindi iyon ang talagang pakay ko? Kaya naman pala. Now I know but I snob him.

Naglalakad na kami palabas ng runway nang may nakita akong pamilyar na tao. I didn't expect na siya ang magsusundo sa akin! Mas binilisan ko ang lakad ko dahil sobrang naexcite ako sa nakikita ko.

"Anica! Don't run." Hindi ko pinansin ang pagsaway sa akin ni Gio dahil nagmamadali na akong makarating sa pwesto ng isang lalaking busy sa pagkalikot sa cellphone.

"Miguelito!!!" Tawag ko rito sabay yakap. Mabuti na lamang at nasalo ako nito.

"Shit!" Reklamo nito. Nagulat ko ata siya. I'm so happy seeing this guy! I miss him so much. Miguel Zeke Cariejo. "Who the fuck are you--Nicnic! "

"I miss you Miguelito! Akala ko si Mang Chito magsusundo sa akin?" Ngiting ngiti ko itong tinanong. Grabe! Ang gwapo na rin ng lalaking ito.Dati payatot sya although gwapo rin naman. Tanda ko pa noon nang dumalaw siya sa Manila, crush nya si Darri noon.

"oh..wag kang masyadong matuwa, napag-utusan lang ako. Hindi ako willing. Involuntary servitude ito." Grabe! Nakakapit parin ako sa kanya at nakangiti parin. Hindi ko alintana ang kung sino man ang tumikhim sa likod ko.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Miguel at bulungan. "Who's the guy?"

Saka ko lang napansin na nakatayo lang pala sa tapat namin si Gio at mukhang naiinis na. Kitang-kita kung saan ito nakatingin. Sa braso ni Miguel na nakaakbay. "He's daddy's business part--"

"I'm her boyfriend." Napanganga ako sa sinabi nito. Anong boyfriend!?

"Ahh.. "sabi ni Miguel. Knowing him, hindi ito agad maniniwala hangga't hindi sa akin nanggaling. Inakbayan muli ako nito at inaya ako papunta sa sasakyan nito.

"Let's go? " anito.

"I'll be the one to drive her to Villa Cariejo."sabi ni Gio. He knows where am I staying? Pero paano?

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now