Chapter 21

42.6K 843 20
                                    

Nagising ako dahil nakaramdam ako ng gutom. I'm looking for something sweet. Bumaba ako sa kusina to check kung mayroon akong makikita. I am disappointed nang makita kong wala doon ang eksaktong hinahanap ko. Something sweet..hmmn, I sighed. Ang hirap pala ng ganito ano baby..if only we have your dad..

Nahiya naman akong katukin si dad dahil alam kong masyado na syang pagod sa kompanya tapos dadagdag pa ako. Dahil wala naman akong mauutusan ay pinili ko na lamang na makuntento sa cupcake na nasa loob ng ref.

Habang nilalantakan ko yung cupcake ay di ko napansing umiiyak na pala ako. Sunud-sunod ang pagtulo ng luha ko. Maybe this is just part of pregnancy. Ang pagiging emotional. Naisip ko na naman kasi, ano kayang magiging reaksyon ni Gio pag nalaman nyang buntis ako. Yes, I am planning to tell him as soon as possible. Tingin ko naman ay di sila ganoon kadali maaayos ni Mira. Hindi nga ba?!

This morning dad told me na darating si Miracel. I thought it was Miracle, pero Miracel daw e. Pinsan ko daw sa side ni mom. She's tita Agnes's daughter. Older sister ni mommy si Tita Agnes.

Matagal daw hindi nakauwi ng bansa si Miracel dahil sa personal problem. Well, I think mas ok na magstay sya muna dito para naman may makasama ako dito sa mansyon. Namiss ko tuloy si Darri.

"ahh, Nica, yung pinsan mo, si Miracle ba yun, nandyan na.." ate beybi said.

Agad kong tinungo ang living room para salubungin ang new found cousin ko. Nakatalikod ito sa akin. Medyo maikli ang buhok nito. Hanggang shoulder siguro at medyo red. "Hi.." bati ko, dahilan para mapalingon siya.

She's beautiful. Mas matangkad ito sa akin. Maputi siya at...at.. "she kind the looks like you hindi ba anak?" Nagulat ako sa pagsulpot ni dad. He's right. Medyo may pagkakahawig nga kami ni Miracel.

"Hi tito.." she approach dad at nagmano.

"Good thing you've made it here iha.. sya nga pala ang unica iha namin ng tita Monica mo, si Anica..anak this is your cousin Miracel.." pag-iintroduce ni dad. Sabay kaming nag-extend ng kamay ni Miracel kaya natawa tuloy kami pareho. Pero agad nawaglit ang ngiti ko nang magsalita ito

"Hi cous..by the way, let's quit the formality, you can call me Mira." This can't be. Hindi naman siguro siya ang...nagulat kaming lahat nang biglang tumunog ang phone nito.

"Excuse me, I'll just take this call.."tumalikod ito sa amin para sagutin ang kung sino mang tumawag sa kanya, pero hindi nakatakas sa pandinig ko ang pangalang binaggit niya.

"Gio..."

__________________________________________

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon