Chapter 23

44K 898 15
                                    

"Siya ba?" It's obvious kung ano ang tinatanong ni Cid kaya agad akong umiling. Nagulat ako sa biglang pagsulpot nito kanina nung nag-uusap kami Aidan. Mukhang mali pa ata ang nasa isip ng lalaking ito , abutan ba naman kasi kaming magkayakap ni Ai.

"He's not the father of my baby. He's my ex boyfriend" parang nakita kong medyo nalungkot ito sa sinabi ko.

"I guess, you guys are.." I cut him off.

"It's not what you think..ahmm..close lang talaga kami. He's now pursuing my bestfriend, si Darri, pero nasa California siya ngayon e." Dagdag. Parang lalo atang naguluhan ang kasama ko kasi kumunot ang noo nito.

"Isn't it ackward? Yung ex mo, nililigawan ang bestfriend mo?" I know how weird my situation with Aidan was at maraming hindi ito kayang intindihin pero for my besty,I'm just here para icorrect ang mga panghuhusga sa kanya or sa amin.

"It's really complicated you know Cid." He nodded. Naiitindihan na siguro nito na medyo mahabang kwento ang mangyayari if we ever push the topic.

Dumaan kami ni Cid sa isang Chinese Restaurant. Hinahanap-hanap ko kasi yung siomai. Habang busy sa pagbabasa ng menu ang kasama ko ay agad naagaw ang atensyon ko ng dalawang taong kapapasok lang sa entrance nitong restaurant.

They look happy with each other. Nakaalalay pa sa baywang ng babae ang lalaki habang ang babae naman ay ngiting-ngiti habang nagkkwento. Kung titignan ay para silang perfect couple. You can see how the guy cares for the woman sa tuwing gagantihan nito ng ngiti ang babae. I have never seen him like that with me o baka nakita ko pero hindi naman para sa akin.

I unconciously touch my belly. Napatigil si Cid sa pagsasalita sana at sinundan ang tinitignan ko.

"Isn't he the CEO of S&C, Gio Sanreal? --Anica!" Narinig kong tawag nito sa akin pero hindi ko pinansin.

I am walking straight to where the couples are. Habang palapit ako ng palapit sa kinaroroonan nila ay mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Nagingilid na rin ang aking luha. Hindi ko alam kung bakit ganito ako martir! Pero..gusto ko siyang lapitan.

Iniisip ko lang...I just want to see him..I miss him..namiss din kaya nya ako? K-khit kaunti?

Nakahawak pa ako sa tyan habang naglalakad. Gosh! It's been weeks. Gusto ko siyang hawakan..pwede ko ba siyang hiramin kay Mira? Yes..si Mira nga ang kasama niya. Isa itong patunay na maayos na ulit sila. At mas lalo akong nasasaktan.

Nang marating ko ang pwesto nila ay dinig na dinig ko kung paano sila magkwentuhan.. magtawanan..masaya sila.. masaya na sila Anica! What are you doing? Huminga ako ng malalim. I just want to see him...I think our baby wants to see him too.

Himas-himas ko ang aking tiyan ay huminga ako ng malalim para maibsan ang kaba. "Gio.."

Napahinto ang dalawa at dahan-dahang lumingon si Mira. "Cous!" Agad ako nitong niyakap at tinignan ng may halong pagtataka."What are you doing here? Are you with tito?" Luminga linga pa ito sa likuran ko para hanapin si papa. Umiling ako.

"Do you know Gio?" Doon na lumingon si Gio sa akin nang magtanong si Mira.

Nahinto ang paghimas ko ng tiyan. He's looking at me with no expression. Hindi cold pero hindi rin naman yung tipong namimiss ako. Na para bang any moment ay idedeny nya ako.

"Yes..he's.." the father of my baby..iyon ang gusto kong isagot but looking how nice Mira to me, how Gio looks at me with no recognition at all, how happy they were kanina, and their child..Kazer na pinangalan pa kay Gio..I just can't say it anymore. I lost all the courage I have para sa sarili ko.

I smiled bitterly. Nakikita kong nag-aantay si Gio ng idudugtong ko. Don't worry..I won't let this take any longer..

"He's..my dad's business partner, he's..almost a friend as well" sagot ko kay Mira. Nanatiling walang emosyon si Gio at tumango bilang pagsang-ayon. I guess..nakahinga sya ng maluwag. Paano naman ako? When will I ever learn to breath in the truth that from this day...Gio..will never be mine..I mean..ours, sa amin ni baby.

Nagulat ako nang may brasong nakapulupot na sa aking balikat. Nilingon ko ito at nakitang seryosong nakatingin si Cid kay Gio.

"Let's go?" Sabi ni Cid na mataman paring nakatingin kay Gio.

Pinakilala ko si Cid sa kanila bago umalis. I left Gio with a warmth smile. I did that para iparating sa kanya na maayos ako..if he ever thought of asking kung anong lagay ko. Gustuhin ko mang bigyan siya ng malawak na ngiti para iparating na masaya ako para sa kanila ni Mira...I just can't. Mahirap. Baka magmuka akong plastik at sinungaling.

I don't even know kung papaano ko napigilan magsilabasan ang mga luha ko. Knowing me, I've been emotional since my pregnancy.

Napansin ko ang pananahimik ni Cid magmula nang makalabas kami ng restau hanggang ngayon habang nagmamaneho. Tumikhim ako para mapansin niya..pero bigo akong makuha ang atensyon nya.

"Cid." Tawag ko rito.

"He's the one right?" Why does he sound frustrated? Minsan nalilito ako sa mga pinapakita ni Cid. Yung sobrang pagiging concern..have I mentioned na it's too much para sa taong kakakilala palang? It's not that I don't like it. I found it weird...

"It doesn't matter.."

Marahas itong huminga ng malalim bago ako tignan.

"And...yung Mira..she's your cousin, yun ang sabi mo kanina? She didn't know?"

Medyo naiirita na ako sa tono ng pagtatanong nito na para bang may mali akong ginawa.

"Look..Ate Mira has nothing to do with this, wala na sila years ago when...when Gio and I had a..mistakenly affair..it's a long story and ayoko ng pag-usapan." I want him to cut the crap! What's the big deal sa kanya? Parang ang laki-laki ng problema nya nung nalaman na si Gio ang ama ng dinadala ko.

"Everything about you is a long story Anica.." tinaasan ko ito ng kilay.

"Then stop bothering to know me at all!" Sigaw ko rito.

Nagulat ata ito sa outburst ko dahil mas malambot na ang ekspresyon ng mukha nito. Di ko napansing umiiyak na pala ako. Naman kasi! He's oozing my temper.

"The moment I stepped out of that restaurant..I already quit. I just want to move on and gather myself together para sa baby ko..He's now happy, and I have never intented to ruin others happiness...Besides..he never had feelings for me in the first place. It has always been Ate Mira.. " This is damn painful to admit. Pero alam kong kailangan kong ilabas ito. Kailangan ko ng masasandalan kundi hahantong nanaman ako sa magdamagang pag iyak sa kwarto.

Cid hugged me tight. "Sshh..I'm sorry.I'm sorry Anica..nabigla lang kasi ako.." sabi nito habang ginagawaran ako ng halik sa noo. I let myself cry because I am hoping that this will be the last time I will.

All my life akala ko selfless ako dahil for years nagawa kong pigilin ang nararamdaman ko para kay Aidan.yes..I did love him for real..pero dahil kay Darri, I limit myself. Inisip ko na ang existence ko sa pagitan nilang dalawa ay challenge para mas marealize nila what they really feel for each other.

Gio came..and that was the time when I realize how selfish I am. Inagaw ko ang identity ng ibang tao.. para lang matugunan ang nararamdaman ko. It wasn't all his fault, he had pushed me to do this pero mayroon akong choice kung bibigay ako o ' hindi. At mas pinili kong bumigay kaysa isipin ang mararamdaman ng ibang tao.

Now..I want to regain myself. Tama na ang pagiging selfish. Malinaw na walang Gio na sasalo sa akin. Maybe it's really time to let go...This is the only way for me to attain true happiness. Acceptance.


His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now