Chapter 27

47.5K 988 39
                                    

"I didn't know anak..I'm sorry.." tinitigan ko si dad. Bakit ganun, yung mga taong walang ginawa kundi manatili sa tabi mo para mahalin at intindihin ka iyon pa ang humihingi ng sorry. Sabagay, humingi na ng tawad sa akin si Gio pero ano? Mas lalo lang akong nasaktan.

"It's not your fault dad.. this is not anybody's fault. Sadyang napaglaruan lang kami ng tadhana. " I manage to smile.

Matapos ang mga nangyari sa hospital ay talagang nagalit si dad kay Gio at siya na mismo ang nagpalayas sa lalaki na agad namang dinaluhan ni ate Mira.. Mabuti na nga lang at inawat ko si dad dahil mukhang nagulat si Kazer.

Tumatak sa isip ko ang mga salitang binitawan ni Gio sa akin..na may karapatan siya sa anak ko. I sighed. Hindi ko naman sana talaga ipagkakait ang anak ko.. dumating pa nga sa punto na umasa ako ng umasa kaya lang kung patuloy kong gagawin iyon ay baka mapahamak pa si baby..

Kaya naman nakapagdecide na akong lumayo. Aalis ako. Hindi naman ako sa ibang bansa pupunta dahil alam kong magagawan ng paraan ni Gio na mahanap ako lalo na't may shares sila sa ilan sa mga international airlines. Aidan told me na kung gusto ko daw ay sa California na lang daw ako para madalas kong makasama si Darri. Ayoko naman maging pabigat sa kaibigan kong nagfofocus sa pag-aaral.

Cid often visits me pero magpahanggang ngayon ay hindi ko parin ito kinakausap. Ang dami kong gustong itanong sa kanya lalo na ang pagiging magkapatid nila ni Gio samantalang magkaiba sila ng apelyido. Isa pa medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa kanya dahil..hindi nito na banggit na kilala nito si Gio.

Gio is trying to call me day and night. Bumibisita rin siya dito sa bahay but just like Cid, iniiwasan ko. Well of course! Siya ang puno't dulo ng lahat ng ito. Ate Mira didn't show up as well. Nagpaalam ito kay dad na sa Makati na magsstay habang nandito sa bansa ang anak.

"Sigurado ka na ba sa pag-alis anak?" dad asked me.

"Oo naman po. Wala naman na akong choice e." Napasimangot si daddy sa sinabi ko.

"Dad! I'll be ok. Hindi naman po ako sa malayo pupunta. You can visit me anytime at the Villa.." sa Villa Cariejo ko balak manatili. This is somewhere in Palawan. Napakalapit kung tutuusin. Hindi naman kasi ako pupwedeng bumyahe ng malayo dahil sa maselan na pagbubuntis.

"I'll support you anak. Dadalaw ako doon everywekends " I hug dad. I'm gonna miss daddy. Ang oa lang namin para namang napakalayo ng pupuntahan ko.

"Your ate Mira wants to talk to you by the way.." dad said after we ended the hug. Napatingin tuloy ako sa kawalan. Sa totoo lang hindi rin ako handang harapin si ate.. hindi ko alam kung anong sadabihin ko. Kung hihingi ba ako ng patawad? Pero bakit naman? Oo nagawa kong kuhanin sa sandaling panahon ang identity niya pero...I am now facing the consequences. Hindi pa ba sapat na walang tatayong ama sa anak ko?

"It's ok anak.. kung hindi ka pa handa. I'll tell her na--"

"Siguro dad.. it's the perfect time for us to talk.... alam ko kasing marami siyang tanong kaya baka siguro pati sa kanya kailangan ko rin ng closure para makapagsimula na talaga po ako.. I'll talk to her." Dad holds my hand.

"Ok. I'll tell her to come and visit." Tumango ako kay dad.

****

I heard someone knocking kaya bigla akong napahinto sa pag-aayos ng bagahe.

"Hi." agad akong napalingon sa nagsalita. It's ate Mira!

Ginanintihan ko ito ng ngiti at inaya sa bumaba sa living room pero tumanggi ito.
"How are you?" Tanong nito.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now