Chapter 29

49.5K 1K 24
                                    

"What are doing here?" Dinig kong sabi ni Miguel habang pababa ako ng hagdan.

"I'm bringing Anica her breakfast." Cool na sabi ng isa pang boses na tama ang hinala ko. It's Gio. May bitbit itong paper bag na mukhang pagkain nga ang laman.

"What do you think of me? Can't afford to feed her? Her breakfast is ready. No need for that." Miguel said.

"Miguel!" Saway ko rito. Natatakot kasi akong magkapikunan ang dalawang ito. Mamaya hindi na makapagpigil si Gio. Hindi man sabihin, pero alam kong nagtitimpi lamang ito.

"Good morning Nicnic!" Miguel gave me a kiss on my cheeks. Nakakalito ang mga kinikilos ng lalaking ito. Hindi naman ganito sa ibang babae ito maliban sa asawa na yumao na. Nakita kong humigpit ang hawak ni Gio sa dala. Halata iyon dahil halos lumabas ang ugat nito sa braso sa sobrang higpit. This guy is making me confuse as well! Hindi parin malinaw sa akin kung bakit siya naririto at kung bakit nga ba niya ginagawa ito.

"Miguel's right. Hindi ka na dapat nag-abala pa.." I told Gio. Kumunot ang noo nito at sa halip na sumagot ay dumere-deretso sa kitchen. Naiwan akong nakanganga dahil doon.

"Arse." Mahinang bulong ni Miguel na katabi ko habang tumatawa. "How did he know where our kitchen is?"

Ikinibit-balikat ko na lang ang sagot. I have no idea. 'I have eyes everywhere' Bigla ata akong kinilabutan nang maalala ko yung sinabi niya kagabi. Pagdating namin ni Miguel sa dining ay nakaupo na roon si Gio na agad tumayo para alalayan akong maupo. May laman ng pagkain ang pinggang nasa harapan ko. Iba sa mga nakahain sa mesa..mukhang ito yung dinala niya para sa akin.

"Seriously?" Pang-aasar ni Miguel. Pinaglapat ko ang aking mga labi habang pinaniningkitan siya para ipagdiinang manahimik siya dahil baka kaunti nalang ang pasensya ni Gio. "I'll just call Kline."

Binalot kami ni Gio ng katahimikan pagkaalis ni Miguel. Hindi ko parin siya tinitignan at deretso lamang nakatingin sa pagkain.

"Eat Anica.. you have to eat pumapayat ka na. "

"I'll wait for Miguel and Kline." Sagot ko.

I heard him sigh. "I'll leave later. Pupunta ako sa convention dahil guest speaker ako doon. I want to make sure na kakain ka at iinumin mo yung mga vitamins bago umalis..I bought you some--"

I immediately cut him. "You don't have to do all of these. Kaya ako nandito sa Villa para maging independent at hindi magbuhay reyna Gio. Hindi ba dapat nandun ka sa Manila kasama ang a..anak mo.." nag-iwas ako agad ng tingin dahil mukhang maiiyak nanaman ako. Until when Anica? Hanggang kailan ka ba iiyak sa tuwing nakikita mo si Gio?

"Good morning tita mamsy!!" Mabuti na lamang at dumating ma sila Miguel. Mas gumaan ang pakiramdam ko. Naging tahimik ang lahat sa hapag habang si Kline lang ang bibong-bibong nagkukwento ng mga alaga niya sa farm.

Nakuha agad ni Miguel ang atensyon ko nang tumikhim ito. "So...Kline wants to go to the beach later. You'll come with us?" Tanong nito sa akin. Agad akong napangiti. Nasabi ko na bang gustung-gusto namin ni Darri sa beach?

Sasagot pa lang ako ng biglang sumagot ang katabi ko. "She's not coming. She'll come with me sa convention..right after that, ihahatid ko na siya sa lola niya."

Tinignan ko si Kline na napasimangot agad ganun din si Miguel. Mag-ama talaga sila! "But tita mamsy...." pagmamaktol ni Kline.

"I'll join you." Nakangiting sagot ko kay Kline habang kinukurot ito sa pisngi. Nang tignan ko si Miguel ay ngiting-ngiti ito at biglang ininguso ang katabi kong nagtatagis na ang bagang sa inis. What? He can't control me!

"Ok. It's settled then!" Miguel said habang nakatingin kay Gio. Pang-asar talaga ang lalaking ito. Pag siya talaga nakakuha ng suntok ewan ko na lang.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now