Chapter 40

51.9K 1K 44
                                    

I'm back and I couldn't do anything to trace off my past in this country. Halos apat na taon akong nawala at nagmove on sa ibang bansa pero mukhang hindi parin pala talaga sapat ang taong iyon para tuluyang makalimot. I just stepped on this land but I felt the familiar pain again.

Hawak ko lang sa kanang kamay si Nico. Ayaw kasing magpabuhat. Someone's assisting us, a staff of the airline. We are currently waiting for dad. Gusto kasi nitong personal na magsundo sa amin. I'm sure he's really eager to see Nico.

Nico is busy swaying my right hand. Nariyan na bigla siyang yayakap sa balakang ko at liliyad. Lulusot sa ilalim ko. Tatakbo paikot sa akin habang nakalahad ang mga kamay parang airplane daw  tapos tatawa. He's too energetic. Hindi nito alintana ang pagkakaiba ng panahon dito sa bansa. Minsan naisip ko kung kanino ba nagmana ang batang ito.

Nawala ang atensyon ko kay Nico nang biglang nagvibrate ang phone ko. Dari's calling and I answer it.

"Besty! Ano nasa Lupang Sinilangan ka na ba?" Tanong nito na iknatawa ko. Maya't maya kong tinitignan si Nico na nakakapit naman ngayon sa blouse ko at iniikot-ikot sa labi ang dila.

"Oo! Timing ang tawag mo besty."

"Kumusta? Si Nico? Di pa ba pinagpapawisan yan?" Naiimagine ko si Dari na naluluha na naman. Miss na miss na nito si Nico for sure. Masyado kasi siyang napalapit sa bata.

"You bet! Oo. Kanina pa naglilikot. "Narinig ko itong tumawa sa kanilang linya. Nabanggit kong inaantay namin si dad kaya hindi parin kami nakakalabas ng airport. Dad texted me na parating natin siya may dinaanan lang.

"Ahm..Dari, si Seige kumusta?" Napakagat ako ng labi sa pagtatanong. Bigla ko lang kasi naalala si Seige. I'm sure alam nitong nasa Pinas na kami by this time.

"Oh bakit sa akin mo tinatanong? Hindi ba ikaw ang girlfriend?" balik-tanong nito.

"Ah kasi..hindi ko pa siya tinatawagan."

"Diba dapat siya ang tumatawag? Dapat alam niya na ngayon ang lapag nyo diba?"

I sighed. Hindi ko na nasagot ang tanong ni Darri dahil biglang tumakbo si Nico. Sinundan ko ng tingin ito at napangiti ako nang makita kung sino ang sinalubong nito.

"Grandy! I miss you po!" Nico said.

"Dad! " lumapit ako kay dad na ngayon ay buhat na si Nico. Hinakikan ko ito at niyakap. "I miss you so much dad! "

"I miss you too anak. Tignan mo oh! Mukhang miss na miss ako ng apo ko."

"Kanina pa hindi mapakali yan dad." I said.

"Let's go. Sa labas na tayo mag-early dinner then we go home. May mga inasikaso kasi muna ako sa office kaya natagalan ako."

Sa Jollibee namin napagdesisyunan magdinner dahil kay Nico. Nagrequest kasi si liit at hindi naman matanggihan ni daddy.

"So anak, what made you decide na umuwi?" Binigyan ko si dad ng di makapaniwalang tingin. He was the one who asked me to go home kaya! Besides, he's been telling me and convincing me na kailangan nya ako dito.

"Dad naman. You asked for this right?" Natawa ito.

"Alright. Pero depende parin naman sayo iyon hindi ba? I mean you could have just ignored your old man's request gaya last year."

"Ayoko na kasing mapagod ka sa byahe dad. Besides, I have decided one thing."

"What is it?"

"I've decided to agree with your offer."

"You mean to say?"Kitang-kita ang pagliliwanag ng mukha nito na para bang alam na niya ang gusto kong iparating. Bigla itong tumayo at niyakap ako.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now