Chapter 44

48.1K 912 35
                                    

At gaya nga ng inaasahan ko bigla nalang bumulagta sa sahig si Seige. Mabilis ang mga pangyayari at hindi ko namalayang nasuntok na ni Gio si Seige. Halos di pa ako makagalaw dahil sa nangyari.

"Gio! Ano ba!!" I managed to shout nang akmang lalapitan na naman nito si Seige.

"That is for intruding my territory Dela Vega!! When I say MY territory, I mean ALL of it." Sigaw nito kay Seige sabay tingin sa akin na para bang ipinararating niya na kabilang ako sa sinasabi niyang teritoryo.

Hindi ko pa nga namalayan na nakatayo ma si Seige. Naramdaman ko nalang na hawak ako nito sa balikat.

"Is that all you can do? A lame a punch eh? " lalo namang nagtagis ang bagang ni Gio dahil sa sinabi ni Seige. Kumuyom ang palad nito at bigla akong napatabi sa kabilang gilid nang paambunan na naman ng suntok nito si Seige na agad nailagan nito kaya nakaganti naman ng suntok si Seige.

"Stop it! Seige!! Gio!!! Tama na!!" Sigaw na ako ng sigaw pero walang nakikinig sa akin. Napahilamos ako ng mukha. Masyado na silang nakakaagaw ng atensyon. Batid kong nakatingin na ang marami. Inutusan ko ang secretary ko na tumawag na ng security.

Lalo akong nanggalaiti sa inis dahil ilan sa mga kagamitan sa loob ng opisina ko ay basag na. Nagkalat na ang mga dokumentong inaasikaso ko kanina.

"Bullshit!! Will you two just fucking stop!!" Doon naman sila parang nanigas sa kinatatayuam nila at napatingin sa akin.

"Did you just curse?" Sabay pa nilang tanong. Nang makita kong nariyan na ang mga security guards, I rolled my eyes towards them then walk out.

Pagbaba ko sa lobby ay nakaramdam pa ako ng pagkahilo. I forgot, hindi nga pala ako nakapaglunch. Pumara na ako ng taxi dahil wala akong sasakyan. Hanggang ngayon hindi binabalik ni Gio.

Gio.

Hindi ko alam kung ano bang gusto ng isang iyon. Pati tuloy si Seige nadawit sa inis ko. Kung nagseselos siya dapat marunong siyang lumugar. Hindi naman siya ang boyfriend ko. Maya-maya'y tumunog na ang phone ko. Si Gio ang tumatawag. Nireject ko ito at inoff ang phone ko. Bahala na kahit si Seige pa ang tumawag. Gusto ko munang mapag-isa.

****

Samantalang sa office ni Anica ay naroon parin ang dalawang lalaking nagkaabutan kanina.

"You endured a lot of guts Dela Vega. Hindi mo kilala kung sino ang binabangga mo." Gio said. Giving Seige a deadly glare.

"Oo. Alam ko kung sino ka. Ikaw ang pinagkakautangan namin. Well..I have a good news for myself and probably a bad one for you. Ibabalik ko na ang pera mo pero akin ang pinaghirapan kong maging akin." Sagot ni Seige.

He's not afraid anymore. Magmula nang makilala niya si Anica ay maraming nagbago sa kanya. He was a playboy once. He wrecked someone's heart. Mayroon siyang isang babaeng pinaasa at iniwan. He felt guilty but it vanished when Gio approached him and ask for a favor bilang kabayaran ng malaking pagkakautang ng ama niya sa mga Sanreal.

That deal turned out to be Anica. Gio wanted to make sure that she'll be fine and that to see to it that the woman will not fall to any guy. Ang instruction, bantayan at alagaan. Wala sa naging usapan na magkaroon kami ng relasyon.

Anica was too broken when Seige met her. Nakaramdam ng awa ang binata para sa babae lalo na noong nagbubuntis ito. Hindi naging madali para kay Seige na mapalapit kay Anica since the woman herself was closing her doors. At nang magkaroon ng pagkakatoon, ginawa niyang igrab ang chance na iyon. Hanggang sa mahulog ang loob niya sa dalaga.

He never mentioned this feeling to Gio. Hindi hangga't hindi pa siya nakakabayad pa ng utang. Kaya habang ginagawa niya ang napagkasunduan ay inayos niya ang negosyo nila at unti-unting nakapag-ipon. At ngayon..kaya na niyang banggain ang isang Sanreal.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now