Chapter 43

48.8K 932 39
                                    

"Daddy! Daddy!" Nico shouted then giggle. I made one step when I notice he's about to trip mabuti nalang at nasalo siya ni Gio.

"Daddy!!" Binuhat ito ni Gio. I look at them, at Gio. He looks happy. Lalo na nang hawakan ni Nico ang mukha niya at halikan siya sa ilong. That's Nico's gesture kapag gusto nito ang isang tao.

Bigla akong napaiwas ng tingin nang tignan ako ni Gio ngunit hindi nakatakas sa paningin ko ang mga mata nyang gustong maluha.

"Hi young man. Do you know me?" I heard Gio asked my son. Buhat niya ito at papalapit sila sa amin.

"Opo! You..my daddy!!'" Sabay turo nito sa dibdib ni Gio at angat ng dalawang kamay na parang nasa rides. Natawa tuloy kami ni yaya. Ganoon din si Gio.

"Damn! I love you son." My heart melts when I heard him say. Dama kong sabik siya sa anak namin. I can't keep Nico away from him. Nang makita ko kung paano siya nagpigil kanina at kung paanong mas pinili na lang niyang umalis kaysa makagawa ng maling desisyon, doon ko naisip na itry.

I told Nico to say hi to his daddy. Akala ko ay hindi nagets ng anak ko ang gusto kong iparating kaya medyo nagulat pa ako nang magtatakbo ito kay Gio at tawagin itong daddy.

"Halika na Nico. Nagugutom ka diba baby?" I asked my son.

"Opo! Jollibee!!"

Dito kami sa jollibee kumain. Nanatili lang akong nakatingin sa mag-ama. Marami ang tumitingin sa kanilang dalawa. Magkamukhang magkamukha kasi. Hindi maiaakilala na anak nga ni Gio si Nico.

Katabi na ni Nico si yaya ngayon dahil maya't maya itong nagpapasubo. Si Gio naman ay nasa tabi ko. Hindi ko nga siya naitanong kung kumakain siya sa mga gaya nito. Basta nalang sumama.

"Favorite niya ba dito?"

"Oo. He's always craving for this kahit noong nasa Cali kami."

Ngumiti siya sa akin. Umiwas na naman ako ng tingin. I shouldn't feel this way. Yung feeling na parang may kakaibang saya sa puso ko pag nakikitang nakangiti siya. Yung feeling na naaapektuhan ako sa bawat emosyong lalabas sa mga mata niya.

"He's Gian Nicholas." Gian said which I am not sure if he's asking or stating a fact. He gave me a sarcastic smile.

"Ang sakit isipin na nagawa kong itanong sa anak ko kung anong pangalan niya matapos kong magpakilalang ama niya. " napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nararamdaman ko ang sakit sa bawat salitang binitawan nito. Kulang na nga lang sumbatan na niya ako ngayon.

Nanatili akong tahimik at nakamasid lang sa mag-ama habang naghaharutan sa mall. Nariyang bababa sa pagkakabuhat si Nico at tatakbo paikot kay Gio. Papasok sa mga stalls na pambabae at magtatago sa mahahabanh dress displays. Pasaway talaga ang anak ko.

Sa kabila nito wala akong makapang regrets sa pagbibigay ng chance kay Gio na maging ama para kay Nico. Hindi ko naman habambuhay maitatago si Nico.

Nasa loob na kami ng sasakyan at nakatulog na si Nico sa likod kasama ang yaya niya. Nakabibinging katahimikan lang ang pumailanlang sa amin ni Gio. Napansin kong malalim ang iniisip nito.Gusto ko siyang tanungin. Tanungin tungkol kay Nico. Kung ano ang binabalak niya. Hindi naman siguro niya planong ilayo at kunin ang anak ko diba? As if I would let him! I was about to confront him when I felt my phone vibrated.

Seige Calling....

Bigla namang nagising ang diwa ko nang malaman kung sino ang tumatawag. Parang unti-unting naalis ang pag-aalinlangan ko nitong nagdaan.

"Hey.." I don't want to look like excited pero lumabas parin na ganoon nga ang nararamdaman ko. It's been how many days passed, ngayon lang siya nagparamdam!

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now