Chapter 34

45.1K 936 18
                                    

Kanina ko pa napapansin ang maya't mayang pagdadabog ni Gio sa harap ko. Matapos ipakilala ni Miguel si Dennis ay wala pang minuto at nagpaalam na ito dahil may imemeet daw soyang investor.

Ngayon naman ay pabalik-balik itong naglalakad sa harapan ko na para bang ang laki ng pinapasan sa daigdig. I tried not to get affected with his presence.

"Ahmm..Gio." nahinto si paglalakad at nilingon ako.

"Can you please sit down? Nahihilo ako --"

Nagulat ako nang lumuhod ito sa harap ko at agad sinalat ang noo, mukha at kamay ko..he looks worried. "What?" I asked.

"Masama ba pakiramdam mo? " sunud-sunod ang naging pag-iling ko.

"Nope. I am perfectly fine." Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nito at naupo na sa tapat ko.

I am waiting for Dennis dahil saglit itong nagpaalam sa akin kanina dahil tumawag daw ang kanyang secretary. Ok lang naman dahil 2pm pa ang appointment ko sa OB. Today I am going to know my baby's gender kaya sobrang excited na ako.

Hindi ko mapagilang mapangiti habang iniimagine ko na karga ko na ang baby ko. Narinig kong tumikhim si Gio kaya napaangat ako ng tingin sa kaya at prenteng nakadekwatro ito sa katapat kong upuan.

"You're smiling. You're excited to see that dog?" Nangunot ang noo ko sa sinabi nito. Saka ko narealize na mukhang si Dennis ang tinatawag nitong dog. Napailing na lamang ako.

"Nope. I'm excited to know my baby's gender."

I heard him gasp. "Our baby Nica..hindi mo naman mabubuo yan kung wala ako. And wait...did I hear it right? Malalaman na ang gender ng baby natin?"

Tumango na lamang ako bilang sagot. Hindi kasi mapigilan ng puso kong magreact lalo na kapag pinagpipilitan nito na anak nya rin ang anak ko.

"Then I should be the one who's coming with you at hindi ang kung sinong pontio pilato na mukang aso." Napaangat ako ng kilay. Teka nga. Bakit ba nandito ang lalaking ito? Now that I've realize..nasaan ang mag-ina niya?

"You're family is with you. Ipasyal mo sila. Bring Kazer sa beach para di siya mabore dito. " I said without looking at him.

"Anong oras ang appointment mo sa OB?" Ibinalewala nito ang sinabi ko kanina. Ang tigas talaga ng ulo. Iniiwasan ko na nga magkagulo sa pagitan namin ni Mira pero ang isang ito lapit ng lapit.

"2pm."

"Let's go." Nagulat ako nang akayin ako nito para tumayo.

" Te-teka! I'm waiting for Dennis!" Agad nag-igting ang panga nito sa sinabi ko. Marahas itong huminga at tinitigan ako.

"He's not coming. "Mapaghamong sabi nito.

"He is. He just need to go to their hotel para--"

"In no less than a minute ay tatawag na iyon at sasabihin hindi ka nya masasamahan. " kumunot ang noo ko. Kailan pa sya naging manghuhula?

Nagulat na lamang ako nang biglang magring ang phone ko. It's Dennis. "Hi!" Sabi nito sa kabilang linya. "I'm so sorry Nic, I don't think na makakahabol ako sayo. Napakademanding ng isang bagong client na dumating. He's causing a lot of trouble dito kaya I am really needed here. " napataas ako ng kilay habang tinititigan si Gio na nakatayo sa harapan ko. He smirked. Why do I feel like he has something to do with Dennis's condition?

I told Dennis na ok lang at nagpasalamat narin. Tumayo na ako at lalagpasan na sana si Gio ngunit agad itong humarang.

"So?" Sa halip na magpumiglas pa ay pumayag na lang ako. I'm really just excited to know my baby's gender kaya hindi ko makuhang mainis kay Gio ngayon.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now