Chapter 33

46K 1K 35
                                    

It's already 7pm at hindi ko alam kung anong sumapi sa akin para tumambay pa dito sa veranda. Mula dito ay makikita ko kung mayroon mang parating..and yes, I am waiting for Gio to come somehow umaasa ako na makagawa sya ng paraan para hindi dito tumuloy si Mira. Ngayon ko makikita kung gaano niya gustong bumawi. Kung ipagpilitan man ni Mira na dito manatili, Gio must do something to prevent it from happening dahil nandito ako at alam niyang sasama ang loob ko..iyon ay kung hindi pa siya ganoon ka manhid.

Miguel called me earlier and was able to confirm Mira's arrival. I can sense that Miguel is worrying..good for him though hindi kagaya ng lalaking nakikita ko mula rito. Halos pigilin ko ang paghinga nang makita kong lumabas si Mira carrying her son mula sa sasakyan..Mukhang napagod sa byahe ang anak nya..anak nila.. I smiled bitterly. Ngayon pa lang sinasabi ko na Gio...kinamunuhian kita, I am really mad at you..you didnt even consider what I will feel staying with your girl who requested me to stay away. I balled my fist and started walking my way downstairs.

I am not giving them the satisfaction. I'll make sure that Mira's stay in here won't affect me. Hindi pa ako nakakalahati ng hagdan ay ngumiti na sa akin si Mira. Why this girl is a work-in-process of plastics! Gumanti rin ako ng ngiti dito. Wala akong panahon makipagplastikan pero wala akong choice.

"Hey couz. Nandito ka rin pala kela lola? I thought you made your way somewhere farther from here?" She asked at matutunugan ito ng pagbabanta. When I saw Gio coming I answer her question, enough para marinig ni Gio kahit hindi pa ito lubos na nakakalapit.

"Ahm..oo, I'm actually taking my flight to Greece tomorrow." Nakita kong napahinto si Gio.

"You're what?" Tanong nito. Hindi na ako nakapagpigil kaya imbis na sagutin ito ay inirapan ko ito at dumiretso sa labas ng bahay. If they can't really stay away from me, then I'll be the one to do it! I won't risk my health for them lalo na't may dala ako.

Nakita ko agad ang sasakyan ni Miguel na nakapark sa labas. Ngumiti ito sa akin, pero alam kong malungkot ito para sa akin. Siguro nakakaawa na talaga ang sitwasyon ko. "Have you told lola about this?" Umiling ako. Nakapagdesisyon kasi akong bumalik na lamang kela Miguel..hindi ko na nagawang magpaalam kay lola dagil alam kong magtataka ito..ipipilit pa nun na magstay ako dahil nandito si Mira. She always wants us to be good with our fellow cousins kaya ganun pero hindi ko kasi kayang tiisin ang aura kapag magkasama kaming tatlo. I feel like a mistress na pinipilit ang sarili sa isang masayang pamilya. I felt pain in my throat. I am restraining myself from crying. Gusto ko namang maging matapang but I don't know how. How I wish Darri is with me. She's been my saviour.

Niyakap ako ni Miguel. "That jerk. I gave him my consent tapos.." he sighed "I'll just tell lola na sa amin ka na ulit. Wait in here. I'll go inside baka kasi kapag ipinagpabukas pa natin ang pagpapaalam ay magtampo iyon. " agad akong tumango because he's right. I made my way in the front seat at isinandal ang aking ulo sa bintana.

I touch my belly. Napapikit ako dahil kanina pa talaga ako inaantok waiting for a heartless and spineless jerk I've ever seen! Naramdaman kong may bahagyang kumatok sa binatana ng sasakyan kaya agad ko itong binuksan because I thought it was Miguel.

Agad kumunot ang aking noo dahil nasa harap ko ngayon ang lalaking pinagpala ng lahat ng kamanhidan! "What?" I said coldly.

"Where are you going? Hindi ka man lang nagpapaalam kay lola Lilac? " he asked. I balled my fist at alam kong halos mawalan na ng kulay ang kamao ko sa higpit nito. Sinundan ito ng tingin ni Gio. Akmang lalapit ito sa akin nang bigla ko siyang sampalin. Bakas din ang gulat sa mukha nito. That he deserves!

Hindi ko alam kung kailan ako nakapanakit ng ibang tao pero this time...this time I don't care as long as it will be Gio..kung tutuusin kulang pa..kulang na kulang pa.. "That is your fucking chance Gio Sanreal!" I said at itinago ko ang pinangsampal kong kamay dahil baka maulit ko ulit ang pagsampal dito. "The next time na lalayo ako...wag na wag mo na akong susundan.., magmamakaawa, hihingi ng chance at dadalhin mo ang Mira mo sa harap ko! "

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now