Chapter 31

47.2K 957 12
                                    

Naramdaman kong may mahigpit na kamay na nakahawak sa kamay ko. May kamay rin na humahagod sa aking ulo. Napaawang ang aking labi pagdilat ko. I'm here in my room..but..

"Finally! How do you feel? May masakit ba sayo? I'm worried as hell Anica..Thank God nagising ka na!" Hindi ko parin makuhang magreact dahil sa nakikita ko.. parang kanina lang, Miguel said he left without a word..tapos ay nandito siya. Nagtagal ang halik nito sa aking noo na halos ikapikit ko. I can feel the love pero..alam ko..hindi ito para sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ko. "What happened?"

"You fainted. Someone called me kaya nalaman ko.." Someone? Imposible namang si Miguel dahil the last time I check gustong gumanti ng suntok ang lalaking yun. "I was about to go back to Manila dahil nagkaroon ng emergency sa isa naming operations when I received a call..I told you I have eyes everywhere." Parang gustong lumundag ng puso ko sa nalamang binabantayan parin niya ako. But I know better, this is just for my child.

"Hindi ka na dapat bumalik." I manage to say. Wala na akong natitirang luha para ialay pa sa kanya. Sana kasing bilis maubos ng luha ang pagmamahal ko sa lalaking ito..

"I can't do that." Napalingon ako dito at kita ko kung paano nagtagis ang bagang nito.

"If this is about my child..don't worry, hindi ko ipagdadamot sayo kahit ayaw ni ate Mira--"

"Will you fucking stop this Anica! Anak ko rin yan. Stop saying it's just yours! And stop mentioning Mira." Nagulat ako sa pagtaas ng boses nito.

"Dapat ay inaasikaso mo ang kasal ninyo.. hindi naman ako tatakas, at isa pa kaya kong maghanap ng magiging tatay ng anak--"

Naputol ang sasabihin ko nang hawakan ako nito ng medyo mahigpit sa braso.

"Don't you dare Anica..ako lang ang tatayong ama ng anak natin." Binitawan rin naman ako nito at huminga ng malalim.

"At anong gusto mong mangyari sa akin? Single forever habang ikaw..may sariling pamilya? Hindi ko pinangarap yun Gio..gusto ko ng malaking pamilya dahil buong buhay ko kami lang ni dad ang magkasama..gusto kong mabigyan ng kapatid ang anak ko." Hindi ako nagpapaawa pero iyon naman talaga ang saloobin ko.

Mula sa pagkairita ay mas relax na ang itsura nito. Malungkot itong napatingin sa akin. "I..I'm still confuse Anica...just give me time to think..please." he's pleading? This is funny! Ako nga halos mamalimos sa pagmamahal at atensyon niya! Pero anong napala ko? Pulos sama ng loob at ngayon hihilingin niyang bigyan ko siya ng oras? Ayoko na.

He look shock nang bigla nalang akong tumawa. I really don't know kung bat ako natawa pero I found him funny.. "Time? Hell no Gio!"

"W-what do you mean?" He started to stutter.

"Ubos na Gio..walang-wala ng matitira sa akin kapag naghintay pa ako. I'm done with all the waiting stuff. Get marry for all I care! Tapos na akong isipin ka..now it's time for me to think of myself. Ayoko ng manghingi ng pagmamahal mo..I'm done with it. Totally done..sawa na ako. Ayoko na. You hear me? Done." Halos maubusan ako ng hininga sa sunud-sunod na sinabi ko. I'm afraid na kapag dinaan ko pa sa padahan-dahan ay maiyak na naman ako.

Nakakagulat din na habang sinasabi ko ang mga iyon ay wala akong kahit anong nararamdaman. Maybe I'm really tired..

"No...Anica..please.." wala akong makapang awa sa itsura nito habang lumung-lumo.

"I quit Gio. You say please? Now..ako..ako naman ang makikiusap. Please..maawa ka naman sa akin. Spare me for all your confusion! Tignan mo ang mga nangyayari. You're making all these complicated. I'm not giving you time. I won't give you any. Tanggap ko anuman ang piliin mo right now. Ayoko rin namang magkapamilya ng walang pagmamahal.."

"You're not letting me go..not again Anica..just enough time and--"

"Kapag ba binigyan kita ng oras, gaano kalaki ang chance na ako ang piliin mo? Ang hirap sagutin diba..You don't deserve another time Gio. Tama na." Nanatili akong nakahiga. Tuluyan na akong tumalikod. Mali pala ako...I still can't see him this way..na para bang nasasaktan sya ng sobra. Ako ba hindi?

Narinig ko ang yabag ng paa nito sunod ay ang pagsara ng pinto. I count 1 to 10..I can call this an achievement, finally..hindi ako umiyak.

****

I am killing my time walking by the beach.. ito ang maganda sa lugar na to. Marami akong nakikitang magandang tanawin. After talking to Gio this afternoon ay dito ako dumiretso.. The beach reminds me of so many memories..

Hawak ko ang anklet na ibinigay ko noon kay Gio na isinauli rin nito. Napakasakit na paraan ng pagpapaalam..He should have returned this personally. He made me feel worthless.. I even made myself worthless.

This time..being worthless is not my forte anymore. I'll throw this anklet kasama ng lahat ng alaala kasama si Gio.

****

"You look good." Miguel said.

"Really? " I smiled at him. Nararamdaman ko ngang medyo gumaan ang pakiramdam ko nitong nagdaang isang linggo. Dad visited me the other day at sinabi nito na mas blooming daw ako. Siguro dahil sa pag-iwan ko sa nakaraan..sa mga masasamang bagahe na dinala ko pa dito sa Palawan. Isang linggo na rin ang lumipas magmula nang nag-usap kami ni Gio. Sa loob ng isang linggo ay wala akong naging balita sa kanya. Malamang busy ito sa kasal nila ni ate Mira.

"Here we go. Dadalawin ka namin ni Kline dito this weekend. Alam mo naman ang isang yun pagdating sayo." Natawa ako sa sinabi nito.

"You better visit Miguelito! Salamat sa paghatid. Alam kong marami kang inaasikaso sa villa..even your lovelife" tuluyan na akong natawa sa reaksyon nito. Akala siguro niya hindi ko nahahalata ang pagpapansin niya kay Rebecca. Grabe! Kung kelan pa nabiyudo saka pa humina ang diskarte sa babae.

"I am not pursuing Rebecca."

"What? Did I mention any name?" Tatawa-tawa parin ako hanggang sa makapagpaalam na ito. Ang sarap kasi asarin ni Miguel. Geez..kelan ba ako huling tumawa ng ganito?

"Apo! "

"Lola Lilac! " agad kong sinalubong ng yakap si lola.

"Tignan mo nga oh..ang ganda-ganda mo parin. Kamukhang kamukha mo ang mommy mo..hala kwentuhan mo ako, kumusta ang pagbubuntis?"

"Ok naman po. Medyo nahihirapan dahil sa morning sickness pero kaya naman lola.." tumangu-tango si lola.

"Naku! Mabuti nga e nandyan ang asawa mo para alalayan ka..ako noon naku hirap na hirap ang lolo mo kasi ay overseas noon " nagtaka ako sa sinabi ni lola tungkol sa asawa.

"Lola..wala ho akong asawa." Pagtatama ko rito.

"Oh e anong wala, kayo talagang mga bata kung magkatampuhan. Hala..ayan na pala ang asawa mo oh." Bigla akong nakaramdam ng kaba sa sinabi ni lola. Alam kong nasa likuran ko lang ang tinutukoy nito.

Nagulat ako nang bigla akong hawakan ni lola sa balikat at iharap sa taong nasa likuran ko. "Ang lahat ng pagtatalo..nadadaan sa usapan ha..maiwan ko muna kayo at alam kong miss na miss nyo na ang isa't isa"

Nakanganga akong nakatingin sa lalaking naka white polo shirt at maong shorts na may dalang bulaklak mukhang at home na at home ito rito.. Mataman lamang nakatingin ito sa akin.Tinitignan ko ang kabuuan nito. Mula ulo hanggang paa. Nahinto ang tingin ko sa ibaba.. halos lumuwa ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito..

It's the anklet..pero..paano?

----------------------------------

A/N

Pasensya na po natagalan ang ud.Happy Reading! :)

Vote and comment!! :)

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now