Chapter 24

43.2K 908 5
  • Gewidmet lorianne0
                                    

Dedicated to lorianne017

Thank you! :)

------------------------------------------------------------------------------------------------

"Besty! Ano ba yang pinagkakakain mo dyan?" tanong ni Darri. I am currently talking to her via Skype habang kumakain ng mansanas na sinasawsaw ko sa suka na may asin. I know it's weird..blame it to my pregnancy.

"Why? you know what..you should try this ang sarap kaya!" nakita ko ang pagngiwi ng kaibigan ko. Kanina pa kami magkausap, wala naman daw kasing klase,

"No thanks! And I know right! You're obviously pigging out there!" sabay tawa nito. What? Bigla akong napatigil sa pagnguya. Am I really pigging? Kaya ba hindi na ako mapansin ni Gio? Dahil.. mas higit na maganda si ate Mira than me? Nangilid ang aking luha. ugh! Iiyak na naman ako!

"Oh? I was just kidding! Come on Nix! You look gorgeous kaya parang di ka nga buntis!" Geez...she's really my bestfriend. Naramdaman agad niya na naoffend ako sa sinabi nito. Well..this is one reason why I never regretted letting Aidan go for her..Speaking of Aidan?

"Ah..Besty..Nagkausap na ba kayo ni Ai?" Ngumiti ito ngunit hindi umabot sa mga mata. Halatang nalungkot ito. Nagtaka naman ako..Why not? Aidan told me na susundan nya si Darri sa Cali right? Then how come na hindi pa rin sila nag-uusap?

"Bakit naman namin kailangan mag-usap? We already gave each other the closure we need bago ka pa nakabalik."sagot nito.

I sighed. Itong dalawang to..ang sarap pag-umpugin! But I trust Aidan. Alam kong naghahanap lang ng tiyempo ang lalaking iyon.

"Maybe he's just busy.." sagot ko na lamang.

"H-How are the both of you?" tanong nito na halata namang labas sa ilong. Pero may bigla akong narealize. Oh My Gosh! Crap! Hindi nga pala alam ni Darri na hiwalay na kami ni Aidan. Shucks! Mukhang iniisip ni besty na si Ai ang ama ng baby ko. Noong isang araw ko lang nakwento sa kanya ang pagbubuntis ko. Sa katunayan nakita ko pa kung paano maluha si besty dahil sa sinabi ko. Gosh! How can I be so insensitive?

Pero anong sasabihin ko pag tinanong nya kung sino ang ama? Hindi ko ppwedeng sabihin na si Gio. Knowing Darri..mapapauwi iyon ng wala sa oras, Besides..hindi pa ako handang magkwento ulit ng tungkol sa nangyari sa amin ni Gio. Masyado pang masakit,

Sa halip na sumagot ay nagdahilan na lang ako na may pupuntahan at kailangan ko ng maligo. Matapos magpaalam. Pagkasara ko ng laptop ay agad akong nahiga. I'm so sorry besty,, ayoko lang talagang mastress muna. This is for my baby. Thinking of my past with Gio creates a big hole in my heart at hindi ko alam kung paano ito matatabunan.

These past few days ay madalang akong maglalabas ng bahay. This is my way of forgetting. Closing myself to the outside world. Bitter na kung bitter but I just can't help it. Cid often visits me. Hindi naman ako bulag o' manhid para hindi masabing mayroong ibig sabihin ang mga kinikilos ni Cid sa akin. But..right now..I am not yet ready to open my heart and I don't even know kung kailan pa ako magiging handa.

I decided to go downstairs dahil maghapon na rin naman akong nasa kwarto. I was about to head straight in the kitchen nang makarinig ako ng nag-uusap mula sa living room. Agad sumikdo ang puso ko nang makita ko ang lalaking prenteng nakaupo sa sofa. It's Gio! He's wearing a plain blue shirt na hakab na saktong sakto sa katawan nito, gray coat and jeans. Very casual. Hindi ko mapigilang mapangiti habang hinihimas ang aking tiyan, You're daddy is really hot baby.. I giggled with the tought.

Agad napawi ang aking ngiti nang lumapit na si ate Mira kay Gio. Yeah..nakalimutan kong dito nga pala siya nakatira kaya malamang dito siya bibisitahin.

"Thank you for dropping by Gio.." dinig ko pang sabi ni ate bago ako tumalikod at dumiretso sa kitchen. I felt the lump in my throat. I stopped myself from cyring. Dapat good vibes. This is for my baby.

Agad kong nilantakan ang cupcake na nakita ko sa loob ng refrigerator na sinasawsaw ko pa sa catsup. Busy ako sa paglamon nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Hindi ko na lamang pinansin dahil baka si ate Beybi lang kukuha ng inumin para sa bisita.

Gayon na lamang ang pagkagulat ko at halos mapatalon ako sa inuupuan nang magsalita ang nasa likod ko. "What are you eating?"

Si Gio!

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt