Chapter 25

48.7K 912 58
                                    

Halos di ako makagalaw sa kinauupuan ko. Napahinto rin ako sa pagnguya ng cupcake na punung-puno ng catsup na nilamon ko ng buo dahil aminin ko man o' hindi nadedepress ako dahil narito lang sa bahay ang magaling na ama ng anak ko na iba ang dinadalaw.

Para itong naamaze sa nakikita kaya kita kong nagpipigil itong ngumiti. Oh great! Naamaze sya sa katakawan ko. Dahil nahiya naman ako, agad ko ng tinanggal ang kalahati ng cupcake na nakalabas sa bibig ko at nginuya't nilunok ang nasa loob na ng bibig ko.

Nanlaki ang nga mata ko ng lumapit ito sa akin. Napaatras ako ng kaunti dahil parang nagdadagsaan na ang mga elepante sa dibdib ko. Shucks! Ngayon lang ulit kami magkakalapit ng ganito.

"Ah..eh..G-Gio--"

"Didn't know na ganyan ka pala katakaw. "Anito sabay punas ng kung ano sa gilid ng aking labi. Agad kong pinunasan ang aking labi baka kasi meron pang naiwan.

"Sorry.." sabi ko na lang. Sobrang nasspeechless ako. Ano naman kayang pumasok sa kokote ng lalaking ito at pinuntahan pa ako dito sa kusina? Wait Pinuntahan nga ba?

"Catsup? And....cupackes?" Kita ko ang pagngiwi nito na parang weirdong-weirdo siya sa kinakain ko. Gusto ko sanang matawa kung normal lang sana ang sitwasyon. Tumango lamang ako bilang sagot. I didn't bother offering him the three remaining cupcakes. Kulang pa nga sa akin iyon e!

Mukhang bigo ako. Kinuha nito ang isang cupcake at nilagyan ng catsup sabay isinubo. Wow! Food challenge ang peg. Alam ko namang hindi talaga maganda sa panlasa ang kinakain ko e. Kaya lang , iyon talaga ang hinahanap-hanap ni baby. I unconciously touch my belly. Nagiging hobby ko ng gawin ito magmula ng malaman kong buntis ako. This is to remind me na hindi na ako nag-iisa.

"It doesn't taste good. Bakit ka kumakain nito?" Plain question. Something that I can't answer immediately. Alangan sabihin kong trip trip ko lang? Hindi ko naman pwedeng sabihin na buntis ako! Lalo na't sinabi ko na sa sarili ko even to my dad na wala na akong balak sabihin pa ito kay Gio.

"Sinubukan ko lang! Nakita ko kasi sa tv" malawak na ngiti ang iginanti ko sa pagkakakunot ng noo nito.

"Which show?" Huh? Napamaang ako sa tanong nito.

"Ipapatanggal ko ang tv show na nagbigay sayo ng idea na kumain ng ganyan. The taste is horrible. Naisip talaga ng show na iyon na isawsaw ang cupcake sa catsup?" Nataranta ata ako sa sinabi niya. Hindi ko na alam ang isasagot ko. Iniisip kong balewalain na lamang ang sinasabi nito kaya lang mukhang seryoso ito dahil hindi na maipinta ang mukha nito.

"Gio!" Narinig naming tinatawag na ito ni Ate Mira. Napatayo na ako sa upuan at binitbit ko na ang cupcakes at catsup. Balak ko ng umakyat sa taas ng kwarto at magkulong na naman.

"Where are you going?" Nagulat ako dahil akala ko naagaw na ni ate Mira ang atensyon nito ngunit mataman lang itong nakatingin sa akin.

"Sa kwarto. Kaskype ko kasi si Darri." Paliwanag ko dito.

"Palagi ka na lang bang nasa kwarto? "

Hindi ko agad nasagot ang tanong nito. Nagtaka kasi ako. Alam ba niyang naglalagi ako sa kwarto? Nang dumating si ate Mira ay huminga muna ako ng malalim bago sumibad. Narinig kong tinanong ni ate si Gio kung bakit ito nasa kusina. Hindi ko na narinig ang sinagot nito dahil nakaakyat na ako sa hagdan.

Habang nasa kwarto ay nag-iisip isip ako ng pupwedeng gawin. Halos buong araw kain-tulog na ata ang ginawa ko. Alam ko ring medyo nagkakalaman na talaga ako. Well..di naman ako figure concious. Mas importanteng healthy kami ng anak ko.

I'm really excited to see my baby. Alam kong mahirap manganak at maging isang ina pero...Just imagining that I'm carrying my child makes me smile. Mamili kaya ako ng mga gamit? Pwede naman siguro. Unisex na lang ang bibilhin ko! Right!

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now