Chapter 30

46.9K 914 29
                                    

He's really mad..and I can't help myself but to get confuse with his actions. Bakit Gio? Bakit ka ganyan sa akin ngayon?

Mahigpit parin ang hawak nito sa akin at alam kong magmamarka ang hawak nito sa aking pulso. But..I am not thinking of any physical pain..dahil ngayon..isa lang ang iniisip ko, bakit nga ba ganito si Gio. Pinapaasa na naman ba niya ako?

"Bitawan mo ko Gio!" Pilit kong tinatanggal ang pagkakahawak nito.

Halos mawalan ako ng balanse nang bitawan nga ako nito. Agad lumambot ang ekspresyon nito nang marealize na kamuntikan na akong matumba dahil sa ginawang pagbitaw sa akin.

Huminga ako ng malalim. "What is your problem Gio?!!" Sigaw ko rito.

"What's my problem? My problem?! Seriously!! Anica! Makikipaghalikan ka sa ibang lalaki!! Fuck! Then you'll ask me that stupid question?!" Nagimbal ata ako sa sinabi nito. Makikipaghalikan? To whom?

"Oh no..don't give me that look..magdedeny ka pa? Kung hindi pa ako dumating...tangna! Magpapahalik ka sa gagong iyon!" Nanatiling tiim ang aking labi. Pinakikinggan ko lamang at pinanonood ang mga sinasabi nito. Ewan ko ba pero..there is something wrong with this guy. Anuman iyon ay ayoko ng malaman. Like what?...He seems jealous?

"Are you that desperate to get my attention Anica? " doon ako napatingin ng deretso sa mga mata nito. "Dahil hindi mo matanggap na pagkatapos ng mga nangyari sa atin, hindi ikaw ang pinili ko? Huh? Well now yeah! You got my attention! Masaya ka na?" Para akong paulit-ulit na sinasampal dahil sa mga sinasabi nito.

Hindi ba ito ang hinihintay ko? Ang manggaling mismo sa lalaking ito ang lahat ng masasakit na salita para tuluyan na akong magising..para hindi na ako malunod at mahibang sa kaiiisip na magkakaroon pa ako ng pag-asa. This is what I'm waiting for..sasagarin ko na.

Even this would break my heart..I sighed.
"Bakit ka ganyan Gio? Bakit ka nandito? Bakit sinundan mo ko? Bakit ganyan ka makapagreact sa mga ginagawa ko?" Sunud-sunod na tanong ko. I am holding myself from crying.. masakit na ang lalamunan ko kakapigil ng pag-iyak..

"I'm here because..I care for you Anica! Pero ito..ito lang ang aabutan ko--" pinutol ko ng isa pang tanong ang sana'y sasabihin nito.

"Nagseselos ka ba?" Kumunot ang noo nito. That's it...Gio..saktan mo ko. This time ay huli na ito. Hindi ito sumagot at nanatili lamang nakatayo sa harap ko..

I touch my belly as if asking my baby to hold on. This is going to hurt the both of us baby..

"Mahal mo na ba ako Gio? Ako na ba ang pinili mo?" Tanging alon lang ng karagatan ang naririnig naming dalawa. Nanatili itong nakatayo at mukhang hindi makapaniwala sa tanong ko. Lumambot na ang ekspresyon ng mukha nito.

"Anica.."

"It's the same answer right?" Halos pumiyok ako dahil sa pagpilit na patatagin ang aking pananalita. Hindi pa rin ito makasagot. Akmang lalapit ito..

"I don't know what came to Miguel's mind para gawin iyon. Honestly..he's been weird nitong nagdaang araw.. siguro naisip niyang baka...baka magselos ka.." patuya akong tumawa para pagaanin ang bigat na nararamdaman ko.

"But he's wrong..And you're wrong as well." Parang gusto ko ng tuluyang matawa dahil bumalik na naman ang inis nito sa mukha pagkabanggit ko palang sa pangalan ni Miguel. "Hindi ko siya hahalikan..never in our life na gagawin namin iyon Gio because that's incest."

"What?"

"He's my cousin." Huling sinabi ko bago tuluyang maglakad palayo kasabay nun ay ang sunud-sunod na pagpatak ng aking mga luha. Kinagat ko ang aking mga labi para pigilin ang paghikbi.

Naramdaman kong may humawak ng aking balikat. Paglingon ko ay si Miguel na punung-puno ng pag-aalala ang nabungaran ko. Nagdurugo parin ang sugat nito dahil sa pagkakasuntok ni Gio.

"Ha-halika na nga..gamutin na-tin yan." Pag-aya ko rito habang humihikbi.

"Punasan mo muna yung sipon mo darling." Napangiti ako dahil sa sinabi nito.

****

"Aw! Dahan-dahan naman!" Reklamo nitong damulag na ginagamot ko. Nandito kami ngayon sa balcony at ginagamot ko ang sugat nito sa labi habang nakahiga sa duyan.

"Mahina naman ah!" Sagot ko rito.

"That's enough ." Akala ko ay ang paggamot ko ang pinapatigil nito ngunit laking gulat ko nang dumapo ang mga palad nito sa aking mukha para punasan ang aking mga luha. Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.

"He's not worth your tears alright?"

"Hindi ko mapigilan kuya...ang sakit parin..sobra.." I do call him kuya kapag seryoso ang pinag-uusapan. He's older than me naman talaga but he insisted to call him kuya dati dahil hindi daw siya sanay.

"Ssshhh.. come on! Nicnic, baka mapano ang baby mo niyan. Tahan na. You want me to punch that guy? Makaganti man lang ako! Aba..hinayaan kong sapakin niya ako para makita natin yung sagot sa tanong ko kanina..but..it turned out na..mali tayo ng akala." Sabi nito habang yakap ako

"Miguelito.." May bigla kasi aking naalala. I know this isn't the right time to ask this lalo na't I have finally decided to give up on Gio bu I just felt the urge to know....

"Do you have any idea...kung bakit umalis noon si ate Mira?" Napansin kong napatigil ito sa tanong ko. Nag-angat ako ng tingin para salubungin ang mga mata nito.

"I honestly don't know darling..although I have an idea..but..I am not on the right position to tell you.."

"Nagkasakit ba siya?"

"What made you think of that?" Hindi ko alam pero parang may iba akong nararamdaman sa takbo ng usapang ito.

I shrugged my shoulder to tell him it was just a guess.

At parang bombang sumabog sa pandinig ko ang sunod na sinabi nito.

"She's not sick or anything like that.." Matamang nakatingin sa akin si Miguel as if looking for a reaction but I managed to blank my face kahit na sa loob loob ko ay halos madistort ang mukha ko sa nalaman. Could it be...pero hindi naman siguro magsisinungaling sa akin si ate right?

"Ang dinig ko noon..she left pregnant. That's it. I don't really know why she has to leave..unless she's afraid to get caught with a dark secret." Kasabay noon ay ang pagtayo ni Miguel at pag-alis nito. Why do I feel like Miguel knows something more?

****

"Morning.." Miguel said.

"Si Kline?"

"With Rebecca." Rebecca? Hindi ba iyon yung babaeng naghahabol sa kanya noon? Iyon lang naman ang Rebecca na kilala ko. Hindi ko na rin ito inusisa dahil alam ko na ang isasagot ng lalaking ito. As usual "not interested" kailan kaya hahanap ng iba ito? It' s been 4 years nang mabyudo na ito. Anyways..I have some other concern

"Do you ever have an idea kung nasaan siya?" Naunahan ako nitong magsalita.

"Did he contact you?" Alam kong si Gio ang tinatanong nito kaya umiling ako.

"That jerk left without saying a word?" Napaawang ang aking labi. I can't say anything.. He left without a word? Dahil natakot ito sa mga tinanong ko kahapon? Iyon lang naman ang nakikita kong rason lalo na't pursigido naman itong sumunod sa akin dito.

"Anica.." pagtawag pansin sa akin ni Miguel.

"I don't care." I answered.

--------------------------------------

Thank you readers! :) Please do comment and vote po :)

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now