Chapter 19

43.4K 887 2
                                    

This morning I'll make sure to shed no tears for Gio. Kahit ngayon lang... I want to see my friends kaya agad kong tinawagan si Aidan para pumunta sila dito.

Ilang oras na paghihintay ay narinig ko na ang isang busina ng sasakyan kaya tumakbo na ako para salubungin ang dumating sa pag-aakala na si Aidan na iyon only to find out na hindi pala.

"Good morning Ms. Salazar.." isang lalaki na nakaformal attire ang sumalubong sa akin.

"Good morning..ano pong kailangan nila?" Napansin kong napadaan si ate beybi na kasambahay namin at napatingin sa akin.

"Ahm..pasensya na Nica, e kasi ang gwapo ni kuya at mukhang wala naman syang gagawing masana kasi tignan mo oh nakakurbata pa at tska ang ganda ng sasak--" ang daldal talaga nya. Hindi ko naman sya hinihingan ng explanation. Ano pa nga bang magagawa ko e naandito na sa loob itong kung sino man ito. Nginitian ko na lamang si ate beybi hudyat na ok lang.

"I'm sorry to intrude you, but my boss wants to give this to you.."napataas ako ng kilay sa lalaking ito. Doon ko lamang napansin na may pin ito na ang nakalagay ay SC. Mukhang alam ko na kung sino ang boss nya. Dalawang araw din ang lumipas na hindi ito nagparamdam. Ni ha ni ho, wala. Naisip ko tuloy kung nagkita na ba sila ng Mira nya.

Pagkaabot ng isang kulay itim na box ay agad ng sumibat ang lalaki. Bakit hindi siya ang personal na nagbigay nito? Napasinghap ako nang mabuksan ko ang laman ng box. Ito yung anklet na ginawa ko para sa kanya noong nasa isla kami. Ibinabalik na nya? Naalala ko na sa sobrang boredom ay nagpabili ako sa kanya ng mga beads para may magawa naman ako.

"Sanreal!! Gaano ba naman kasi tayo katagal dito?! Tignan mo nga ang negra negra ko na!" Inis na sigaw ko rito. We're here for 6 effin' weeks! Argh! Di ba nya nakikita na bored na bored na ako?

"Kung hindi ka sana labas ng labas hindi ka sana magiging negra. Besides masyadong overstated ang sinasabi mong negra. You've become tan that's it! "

Tinirikan ko lang ng mata ang lolo mo. Kapag talaga nagsusungit ako sa kanya, asahan nyo may ganting pagsusungit rin yan. Napansin ko bigla ang seashell anklet na nakalagay sa paa nya. Nakaisip tuloy ako ng bright idea.

"Gio! Pwede ba akong humingi ng pabor?" I said to him with matching pacute.

"What?" Bored na sagot nito.

"Can you send someone to bring me some beads and some materials na panggawa ng accessories? Tutal may chopper ka naman diba?! Please! Please! Pleaasee" Nagulat ako ng bigla itong dumukwang at nakawan ako ng halik.

"You look cute with that face..favor granted my queen.." sobrang pula na siguro na mukha ko. Ang hilig talaga nyang magpakilig.

Nang dumating yung mga pinadala kong beads na di ko alam kung saan na nanggaling dahil wala naman akong nakitang dumating ay inumpisahan ko na agad ang paggawa. I want to give him something that will remind him of me, as Anica not as Mira. Nakagawa ako anklet para sa kanya na color blue at green. Ibinigay ko sa kanya iyon na malugod naman nyang tinanggap. I saw him wore it pero sa tagal naming magkasama ay di ko na napansin kung natanggal na ba nya iyon.

Now, this is the proof na unti-unti na nya akong gustong alisin sa sistema nya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Pero ang alam ko ay naiinis ako sa kanya. After I surrender him myself, ganito ang napala ko.

"Nica..." napalingon ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko.

"Aidan!!" I hug him really really tight. Namiss ko ang sugar ko.

"Thank God! You're back! Pinag-alala mo kami. Where the hell have you been?" Tinignan kong mabuti si Aidan. Something's wrong with him. Parang malungkot? Hindi rin nya kasabay ai Darri. I'm expecting na sabay silang pupunta rito para magpaliwanag at magkwento ng mga nangyari sa kanila pero aaminin ko medyo nadisappoint ako.

"I'm ok Ai..nagkaroon lang ako ng sudden vacation. I'm sorry hindi ako nakapagpaalam.." he nodded at me. Ngumiti ako sa kanya para hindi na nsya magtanong ng kung anu-ano pa kung saan mang lupalop ako nanggaling. Alam ko namang hindi convincing ang sinabi ko.

Nang makarating si Darri ay sobrang natuwa talaga ako. Pero ramdam ko yung ackward na atmosphere sa pagitan nila ni Aidan. I don't know what happened pero I know na may mali. Kaya naman nang magpaalam si Aidan na uuwi na ay agad kong kinausap si Darri.

"What happened Darri?" Seryosong tanong ko rito na sya namang ikinagulat nya. Mukhang kinabahan ata.

"Nothing."maikling sagot nito.

"Anong nothing e halos ako lang ang nagsalita kanina? I can sense something between you and Aidan. So...?" Napansin ko na ang pangingilid ng luha nito. Oh-ow! I didn't mean to make her cry. Aaminin ko medyo naiinis na rin ako sa kanilang dalawa. Dahil ang tagal na ng nasayang na panahon. Nagkandaleche-leche na nga sarili kong lovelife para lang bigyan sila ng pagkakataon pero ano tong nangyayari?

Nagulat ako sa pagluhod ni Darri sa harap ko at sa pag-outburst nito. Hawak-hawak nito ang dalawang kamay ko "I-I'm s-sorry Nix....I'm sorry.." hindi parin ako sumasagot. Nakatingin lamang ako sa kanya. "Hindi ko intensyong ahasin ka...I'm sorry!! "umiiyak pa rin sya. Pinatayo ko na ito dahil ako ang nangangawit sa kanya..

"Besty ano ba yang sinasabi mo? Ahasin? What do you mean?" tanong ko rito.

"Aidan and I-I had an affair nung mawala ka... I'm s-sorry Nix..mahal na ni Ai believe me..I'm sorry!! Wag kang mag-alala, paalis na rin ako.. hindi na ako manggugulo.." nanlaki ang mata ko hindi dahil sa sinabi nya about sa kanila ni Aidan dahil alam ko naman iyon, nagulat ako sa sinabi nya na aalis sya. Is she out of her mind?!

"Darri!! Anong aalis?! Come on! Alam ko kung anong meron kayo ni Aidan.. you don't have to go!" Halos pasigaw kong sabi dito. "Look..if your worrying na galit ako, hell I'm not! Matagal ko na ngang gustong hiwalayan si Aidan para sayo dahil in the first place I don't love him. I only love him as a friend. Gusto ko lang naman malaman kung sino sa inyo ang unang aamin!! Hindi kung sino ang unang susuko. Gosh, Dariel!!Gusto ko na talaga kayong pag-umpuging dalawa!" Napansin ko ang pagtahimik nito. I wipe her tears. My bestfriend deserves to be happy. Ilang taon rin siyang umiyak. I know, I am someone to blame with pero kung hindi ko gagawin iyon, maaring sa iba naman mapunta si Aidan. I know Ai is just afraid to let go of his good relationship to Dari as a friend pero there could be something more.

Umiling si Dari "I'm done with him Nix..i-ikaw ang mahal nya..he ended up everything between us bago ka makabalik..and, I'm leaving..my scholarship at Stanford was granted..siguro..panahon na rin para unti-unti ko ng lusawin yung nararamdaman ko para sa kanya." Naawa ako sa kaibigan ko. Somehow naiitindihan ko ang gusto nyang iparating. Lalo pang ngayon na may pinagdadaanan rin ako.

I tried my best para mareach nila ang isa't isa. I talked to Aidan as well at alam ko hindi nasayang ang effort ko sa pagddrama sa kanya. Inamin kong hindi ko sya minahal more than friends and he accepted it, kasi naman, hindi nga ako ang mahal nya. I know he made his choice. Alam kong sinundan nya si Darri. Sana naman this time, they could hold on and open their hearts so they would see what their eyes have failed to see for years.... Now, what about me?...

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now