Chapter 7

48.6K 955 1
                                    

Feelings

Anica POV

"Nica..." that' s my cue to face Aidan. Gusto kong maging masaya! Gosh! Pero seeing my bestfriend crying because of me, hindi ko alam kung paano ako magiging masaya.

Hindi ako manhid para di mapansin na noon pa man ay may gusto na ito kay Aidan. Una nyang naging kaibigan si Ai at sa gandang lalaki at bait ba naman ni Ai ay hindi imposibleng mahulog ang loob ni Darri sa kanya. Ang hindi ko nga lang maintindihan, why didn't she fight for her feelings?

Palagi niyang ikinukwento sa akin si Aidan na para bang inilalakad nito ang lalaki sa akin. Hindi namam din ako matapobre para hindi pansinin si Aidan sa dami ng efforts nito. Kaya naman nahulog na rin ang loob ko dito. Hanggang sa ito! 4th yr anniversary namin.

"Are you ok?" Nakikita ko ang concern nito sa akin pero parang nakikita ko rin ang lungkot sa mga mata nito. Lungkot? Bakit? Did he see Darri crying? Kung bakit kasi si Darri ang pinag-abot nya ng rose. Argh! Minsan manhid talaga tong lalaking to. Napansin ko rin lumayo ang loob ng isa't isa magmula nung maging kami ni Aidan.

"I'm fine. "Sinubukan kong sumagot ng may ngiti kahit mabigat ang nararamdaman ko. "Thank you for this sugar. You never failed to surprise me!" Naluluha pa rin ako. Hindi ko alam kung tears of joy o' sympathy!

"Anything for you sugar." Sabi nito at kinintalan ako ng mababaw na halik. God anong gagawin ko. I can feel Darri's pain. For four years hindi ako bulag para di makita ang sakit sa mga mata niya. Is she doing this for me?

Isang linggo na ang nakalipas magmula ng anniversary namin ni Ai. We had fine dining after the surprise sa garden. Matapos nun ay inasahan ko ng hindi uuwi si Darri sa mansyon. Alam kong iiwasan ako nun. Pero hindi ko inakala na tatagal ng isang linggo! I know how painful it is. Kaya di ko siya sinubukang puntahan sa apartment.

Napansin rin ni Aidan na hindi ko madalas kasama ai Darri kaya ito na ang nagpresenta na kausapin si Darri. Mas mabuti siguro iyon. Hindi ko rin alam kung paano pakikiharapan si besty. I miss her! Pero I know, kahit di niya sinasagot ang tawag ko ay di iyon galit sakin. I hope she'll learn to fight for whatever she feels. Same as Aidan. I just hope.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang