Chapter 5

62.4K 1.1K 6
                                    

Not an option

Gio POV

Nahanap ko nga siya! I know she's Mira. Pero what is she playing now? She seems to not remember me? May nangyari bang masama sa kanya noon? Naaksidente o' nagkasakit para magkaamnesia?

Gosh! Napahilamos na lamang ako sa aking mga kamay. I miss her. I really do. It was my fault kung bakit nawala siya noon sa akin. I pushed her to leave and now I think she's just totally mad at me kaya she's choosing to act having an amnesia.

May mga nagbago na sa kanya. For 5 years ba namang di ko siya nakita. She seems to look younger. Hindi nagkakalayo ang edad namin ni Mira. I'm 25 now and she should have been 23. Her hair is longer at umabot na sa bewang unlike before na maikli na umabot hanggang balikat lang. At mas lalo syang pumuti. All in all, mas lalo syang gumanda. She still has the sweetest voice I'd ever heard. Kahit naiinis o nagagalit na ito ay masarap parin pakinggan ang boses nya.

"Sir,  Mr. Murane wants to talk to you." Si Steve! Hindi ko na sya inantay kanina dahil sobrang nasasabik na ko kay Mira kaya inalam ko ang mga simpleng detalye ni Anica Denise Salazar through facebook. That's right pero hindi ko facebook account, I asked my secretary to use hers. Wala akong facebook account.

Doon ko nga nalaman kung saaan ito kasalukuyang nag-aaral. At sakto namang pagdating ko ay parating pa lang sya. Kaya hindi na ako nakatiis at kinausap ko na siya. Iyon nga lang hindi naging maganda ang pag-uusap namin. Dahil sa pagpipilit nito na hindi siya si Mira.

"A certain Anica Denise Salazar huh.."-Steve

"So where is it?" Tanong ko dito. Mukang mang-aasar nanaman.

"At first I thought na after long years ay may ibang babae na nakaagaw ng atensyon mo. Pero noong nakita ko ang mga photos ng pinapahanap mo mukhang gusto mong siguruhin kung sya si Mira, bullseye?" Indeed. He got it right. Hindi ko naman idedeny pa.

"Bullseye. " maikling sagot ko habang pinapasadahan ng tingin ang mga inpormasyong nakalap nito.

According to this She's Anica Denise Salazar. 17 years old? Yes she looks younger than I thought. Could it be? I sighed, sooner or later ay malalaman ko rin. She's the daughter of S&Q Enterprise CEO and Chairman Gregory Alden Salazar. So that what made her surname Salazar.At kung hindi ako nagkakamali ,isa kami sa mga investors ng S&Q. Fate is in me! Mapapadali ang paglapit ko muli sa kanya.

Marami akong gustong malaman at gusto kong ako ang personal na makaalam non. Hindi rin nakatakas sa paningin ko ang nakasaad na may boyfriend ito, isang nangngangalang Aidan Luis Almeral--how is he related to Almeral Group of Companies?  Nagtagis ang aking bagang at automatic na kumuyom ang aking mga palad. She's mine.

"You're probably way too interested with that girl. Pero isn't it too much to assume na siya si Mira? " I know. Pero I have to make things clear. Base sa mga impormasyon ay mukang wala talaga itong sabit o' bahid ng invalidity. Pero I know how smart Mira could be. This time I'll find everything out on my own. Wala naman sigurong mawawala sakin.

"She's smarter than you would ever imagine. We'll never know kung anu-anong paraan ang ginawa niya para makalayo." And damn I'll do everything to find and get her. Ganoon ko siya kamahal. If I need to kneel down then I would!

"Just be prepared boss. She's a Salazar. " not a threat. Sa katunayan advantage iyon. I've met Mr. Salazar many times at alam ko kung paano siya paiikutin. Salazar or Almeral! Fck! They won't dare get on my way.

"Thank you for this Steve. I'll ask my secretary to hand you the check." Pasasalamat ko dito.

"No need. Napakababaw na trabaho nyan. Pero boss, you've got to prepare on what might happen kapag ipinagpatuloy mo yan. I can see many possibilities if you push that. Anyway, I'll be one call away if you ever need help." Mahabang litanya nito. Alam kong napakarami ngang possibilties ang pwedeng mangyari and worst  someone might get broken.

"Thank you. But don't worry, I have my plan". I'll lay my last card on this. I've failed many times. Giving up is not an option. Never.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now