Chapter 10

47.9K 976 2
                                    

Name

Anica POV

Nakatulala lamang ako at nakatingin sa kisame dito sa kwartong inilaan ni Gio sa para akin. That jerk! Hindi nga talaga ako pinauwi. One week na akong nasa puder nya and worst kinuha nya ang cellphone ko kaya di man lang ako makahingi ng saklolo. Kahit dito sa loob ng bahay ay putol ang mga linya ng telepono. Bantay-sarado din ako ng mga alipores niya.

Hanggang kailan ba niya ako balak alipinin! Scratch that, di niya pala ako inaalipin. Ang totoo nyan buhay prinsesa ako dito. May nagdadala ng pagkain at mga damit sa akin. Mukang gusto nga rin nila akong bihisan dahil utos daw yun ng amo nila!

Sawang-sawa na rin ako ng kaka-Mira niya! I even suggested him na ipatingin niya ako sa doctor for him to make sure kung may amnesia ako o' wala. At ang walangya! he did'nt even consider my suggestion.

Natigil ako sa pagsakal sa Gio na yun sa isip ko nang may kumatok. "ahm.. Ma'am Mira" I rolled my eyes. Heto na naman po tayo. And yes! They call me Mira as well. Sino ba namang di maiinis kung tinatawag ka sa pangalang hindi naman ikaw!

"Didn't I tell you to just leave me alone?" I really don't want to sound rude lalo na sa kanila dahil alam kong ginagawa lang nila ang trabaho nila pero I can't help it! How many times should I remind them to never call me Mira! Argh. Tingin ko isa to sa mga paraan ng Gio na yun para ipaalala "kuno" sa akin kung sino ako.

"Pero ma'am..k-kasi di p-pa po kayo nag-agahan. Baka p-pagalitan kami ni s-sir" stutter mode na naman tong si ate. Mukang natatakot na sa akin o sa maaring gawin ni Gio sa kanila kanya pag di nila ako napakain. I sigh. "Just leave it there." Yun lamang ang sinabi ko at nahiga muli.

"Are you starving yourself to death?!" Nagulat ako nang makarinig ng malakas at baritonong boses ng lalaki. Kahit di ko ito lingunin, I know it's him.

"I'm not hungry " I said, not even interested to face him. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod ako sa kanya. Nakarinig ako ng yabag at papalapit ito sa kama. Naramdaman ko na lamang na lumundo ang hinihigaan ko at may kamay na humahaplos sa aking braso.

"Stop being stubborn sweetheart. You know it will do nothing. Hindi magbabago ang desisyon ko. You're coming with me after kong matapos ang mga dapat kong gawin." He keeps on telling me this. Saan ba talaga nya ako balak dalhin? Ilalayo nya ako?

"I want to ho home! I want to see dad! Maybe he's already looking for me. Please Gio.." baka madaan ko sa pakiusap.

"No." Agarang sagot nito. Konti pa Nica!'

"Look! Marami nang nag-aalala sa kin. Si dad! Ako nalang ang kasama nun! I'm sure na sobrang nag-alala na yun. Please Gio. And my bestfriend! Hindi pa kami maayos and for sure naghhysterical na yun. And si Aidan--" naputol ang sasabihin ko nang mula sa haplos ay naging mahigpit ba hawak sa braso ang pumalit. Doon na ako tuluyang napalingon sa kanya at kita ko kung gaano siya halos mag-alab sa galit. Sa loob ng isang linggo ay ngayon ko lang siya nakitang ganito.

"Don't you dare mention his name infront of me!" Si Aidan? Pero bakit?

"Pero b-bkit?" Tanong ko.

"Isn't it obvious sweetheart? " muli na naman humaplos ang kamay nito. Mukang mas relax na ito kesa kanina. Hinahaplos ng kamay nito ang aking pisngi papunta sa aking mga labi. "Your mine sweetheart. Mine alone." Mataman itong nakatingin sa akin. Tagos sa kaluluwa ang bawat titig nito.

"I'm telling you Anica....You'll never know what I'm capable of doing. Try me.. let's see kung saan pupulutin ang mga sinasabi mong nag-aalala sayo. Lalo na ang Almeral na iyon. " he said. Iniwan na ako nitong di makapaniwala! Is he threatening me? Kaya nya bang gawin iyon? He's really that hard to predict. Pero ang mas ikinagulat ko ay iyong pagtawag nya sa akin sa tunay kong pangalan.

"Anica"

Hindi ko maintindihan ngunit parang may humaplos na saya sa puso ko nang marinig na sinabi nito ang pangalan ko. Nababaliw na ata ako.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now