Chapter 49

46.5K 837 16
                                    

Sinulong namin ni Gio ang ulan para makapasok sa loob ng isang puting gusali. Never in my entire life have I imagined that I could get inside of this building.

A mental hospital to be precise.

Gio gave me a hint kung sino ang pupuntahan namin dito. Sino pa nga ba ang pinsan kong baliw?

Habang tinatahak namin ang daan sa loob ay may kausap si Gio na isang nurse. Mukhang hindi na bago sa kanila ang makita si Gio dito then I remember, the first day we met again, when dad introduced me as the new CEO, he was late. He said he visited someone.

Siguro dito siya nagpunta? Or sa puntod ni Kazer?

Naramdaman ko na lang na ginagap nito ang kamay ko. Wala na rin yung nurse na kausap niya. Alam kong nanlalamig ang mga kamay ko dahil honestly kinakabahan ako. I don't know what will I expect.

Sa dami ng nangyari sa amin ni Ate Mira, I am still on the stage of trying to understand her. I once thought na sobrang mahal lang talaga nito si Gio kaya siya nagkaganoon. But hearing Gio's side, nagkaroon ng pagbabago sa pananaw ko lalo nang malaman kong namatay si Kazer. I don't think love could ever be that destructive na kahit sariling anak ay nagawang saktan. I don't think that's love.

Kung ganoon lang din ang definition ng love, then it's better  not to love anyway. Love with cruelty isn't love. It's a sign of selfishness. To love and to be love with cruelty is an act of selfishness.

"Ready?" Saka lang ako nabalik mula sa malalim na pag-iisip nang magtanong si Gio. I nod. If this I'm not ready, then when is the right time? I think today it is. Para tuluyan ko ng maibaon ang galit at pait na nararamdaman ko hanggang ngayon.

When Gio opened the room's door I gasped. Everything around the room is white but only one catches my attention. The woman who's sitting in a bed while staring outside the window.

Hindi nito alintana kung mayroong ibang tao sa loob ng kwarto. Nakatulala lang siya sa labas ng bintana. Her hand is steadied on her lap. Her feet are swaying under the bed. Hindi ito gaya ng ibang pasyente na marungis o' magulo ang buhok. She's actually neat pero di na gaya nang una ko siyang makita noon. Proud and sophisticated.

Mas lalo atang dumoble ang kaba ko nang lapitan ito ni Gio at tawagin. Mukhang sanay si Gio sa ginagawa niya pero ako..aaminin ko natatakot ako. Biglang sumagi sa isip ko kung paano niya ako itinulak noon sa hagdan, kami ni Kazer.

Kumunot ang noo no Gio nang titigan niya ako. Hindi parin siya pinapansin ni Ate Mira.

"Anica are you alright?" Tanong nito sa akin habang papalapit pero ganoon nalang ang takot ko nang tuluyan na kaming lingunin ni Ate Mira. Kinikabutan ako sa kkase ng tinging ipinupukol niya sa akin.

"O-okay lang ako. La-lalabas lang ako saglit." Akmang tatalikod na ako nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Anica." Nilingon ko si Ate Mira. Nakatayo na ito sa likuran ni Gio. Lumapit sa akin si Gio para alalayan ako.

"Mira..we are here to visit you." Said Gio.

"Anica." Sambit ni Ate Mira habang naglalakad palapit sa akin. Hindi ko napigilang lalong sumiksik kay Gio.

"Anica..s-sorry." Sabi nito.

"Sorry..sorry..gusto kitang makausap. Patawarin mo ako."paulit-ulit na sambit nito. Agad lumambot ang ekspresyon ko at kumawala ako sa bisig ni Gio.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa kay Ate Mira. She may look normal but her eyes are full of despair. She looks sincere.

"Ate Mira.." natigilan ito sa pag-iyak nang tawagin ko ito. Ngumiti ako inabot ko ang kamay ko para makalapit siya.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now