Chapter 22

44.1K 877 5
                                    

Lumilipad ang isip ko habang kumakain. Dad keeps on interrogating Miracel. Hindi ko parin siya magawang tawaging "Mira" kahit ipinipilit na nya sa akin na iyon ang itawag ko sa kanya . Paano ko gagawin iyon kung ang pangalang iyon ang dahilan kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon.

"Baby..ayos ka lang ba?" Nag-angat ako ng tingin. Napansin kong nakatingin na pala sila pareho sa akin.

"You're not touching your food..masama ba pakiramdam mo? Tanong ni daddy.

"No dad..I'm perfectly fine.. " I smiled.

"So..Mira.."my dad started..ugh! I almost rolled my eyes, ang sakit kasi sa tenga ng pangalan na iyan. "What made you decide na bumalik dito sa bansa? I heard from your mom na it's been five years nang umalis ka..that was before your supposedly marriage.." napatigil ako sa paghiwa ng steak na parang ayaw atang magpakain!

No! I'm not interested to listen.Hindi ako makikinig..Ngayon pang buo na ang loob kong kausapin si Gio?! Pero dahil sa pasaway ako ay hinintay ko parin ang isasagot niya kahit pa may namumuong kaba sa dibdib ko. Besides..hindi pa ako nakasisiguro na siya nga si Mira ni Gio. Sino bang niloko ko? You even heard her talking to Gio over the phone!! Napaka-coincident naman ata! To see is to believe pa ba ang peg??? Natigil ako sa pagsaway sa sarili nang marinig kong magsalita na si Miracel.

"I have something to reconcile. I guess..ito na rin po siguro ang tamang panahon para maayos ang dapat matagal ng inayos..I've wasted so many years tito.." halos di ako makahinga sa sinabi niya. So...sinubukan mo palang magbilang ng years??! Pagkatapos mong iwan, babalikan mo!?

Napansin kong napatango si dad. Walang idea sa kung sino ang posibleng pinag-uusapan nila. "I guess your right! Limang taon rin iyon. I never heard the truth from Agnes kung bakit ka biglang umalis,knowing you're pregnant with Kazer.." napalingon ulit sila sa akin nang matabig ko ang baso sa gilid ko.

"Cous! Oh my God, wag mo ng pulutin yan.." napahinto ako sa akmang pagpulot ko sa basag na baso nang tabigin ni Miracel ang kamay ko. Bigla akong napatayo..

"Goodness! Anica! Are you alright? Anak.." lumapit sa akin si dad at iminuwestra kay sa mga kasambahay ang nabasag na baso.

Oh God! May anak siya? May anak sila.. Hindi na ako nakasagot sa tanong ni dad at dere-deretso nang pumanhik sa kwarto. Unti-unti naring lumalabo ang aking paningin dahil sa mga luha.

Shit Nica!! What are you gonna do?!

Since my bestfriend is out of the country, naisip kong iisang tao lang naman ang ppwede kong kausapin. Masyado lang akong maiistress knowing nasa bahay lang namin si...si.. argh! Nevermind. Kaya ito,naisipan ko munang lumabas. Nag-aya akong magmall at dito nga kami sa isang sikat na coffee shop napadpad.

"You're what!??!" Halos mapatakip naman ako ng tenga sa lalaking ito. Ngayon lang naman kasi nalaman ni Aidan ang tungkol sa pagbubuntis ko. Yes.It's my ex. Aidan Almeral.

"F*ck! Kailan pa yan Nix? Baka naman tayo palang buntis ka na?! Did you cheat on me?!" Aba teka! Parang ang sarap kaltukan ng isang ito ah! Una, nakiki-Nix sya e ai besty lang tumatawag sa akin nun. At ano daw?! Ako nagcheat?! Aba..sumabatan ko kaya ito!

"Aba! Hoy! Almeral! Sino ba sa atin ang nagcheat ha?! Gusto mo sumabatan tayo? Tsaka nakita mo ba tong tyan ko? Ang liit, para sabihing matagal na kong buntis."

"You can't blame me...Parang kailan lang nawawala ka, then ngayon buntis ka na..you never failed to surprise us."

Napansin siguro nito ang pagsimangot ko. "Now,I'm curious..who's this mysterious guy?Do we happen to know the jerk?"

Guess I'm left with no choice. Kailangan kong ikwento sa kanya ang lahat. He's my friend after all, noted that he's my ex as well. Alam kong abala syang tapusin ang mga dapat nyang tapusin sa kompanya nila para masundan na nya si Darri sa Cali pero heto't binigyan nya parin ako ng oras.

"So...you mean to say..Sanreal kidnapped you because he believed that you are this certain Mira.." tumango ako habang nag-aantay sa susunod nyang sasabihin.

"And..nang bumalik itong Mira na to, he..brought you back..and lately, you happened to discover that there could be a mere possibility na yung Miracel na pinsan mo ay si Mira na inagawan mo ng identity.." tinaasan ko ito ng kilay dahil sa sinabi niyang inagawan ko ng identity si Mira. Totoo iyon! Pero hindi na nya kailangang isampal sa akin ang katotohan.

"F*ck that asshole!!"nagulat ako sa pagdabog ni Aidan. Napayuko na lamang ako dahil doon.

"Nica.. for f*ck sake! Bakit ngayon mo lang to sinabi sa akin? I doubt it kung nasabi mo na to kay Riel..she will be mad at you for this! Gagong Sanreal yun.. Can't believe you've fallen for that jerk! Wag lang syang magpapakita sa akin." Nakikita ko ang panggigil ni Aidan. Halos napatingin na ang ibang customers sa kanya. I know Darri will get really mad at me..

I sighed and reach for his hands na nakakuyom parin sa ibabaw ng mesa. "I'm sorry Ai kung hindi ko man ito nasabi agad..Please don't tell Darri..may problema pa kayong dalawa, a-ayoko kasing makadagdag pa sa alalahanin nyo. I want you guys to be back together.." Aidan hold my hands.

"Look Nica.. mahalaga ka sakin. Kaya hindi kita pwedeng pabayaan dahil alam kong si Riel ang una kong makakalaban pag pinabayaan kita. I'm just here no matter what.. kung gusto mong ipabugbog ko yung sira-ulong yun ay gagawin ko for you.."

"T-Thank you Ai..Thank you.."

"So..what's your plan? Ngayong nasa bahay nyo pala ang totoong Mira.. tell me..will you still fight?" Nangilid ang aking luha sa tanong nya. Everytime na may magtatanong sa akin ng tungkol sa plano ko ay nakakaramdam na ako ng awa sa sarili ko. Paano ako lalaban kung ang taong pinaglalaban ko ay hindi ata gumagawa ng paraan para lumapit sa akin. Paano ako lalaban kung ang taong pinaglalaban ko ay may anak na..

Tumayo si Aidan at lumapit sa akin para yakapin ako.Mukhang nakita nya sa mga mata ko na parang hindi ko alam ang isasagot.. Napakalas kami sa pagyakap nang may tumawag sa akin na pamilyar na boses.

"Anica.."

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now