Chapter 6

54.8K 1K 2
                                    

Bestfriend

Anica POV

Di pa ko nakakamove on kay mamang pogi ay nahatak na ko nitong si Darri. She seems in a hurry. Aasarin ko sana through walking slower pero dahil sa medyo hibang ako e gusto ko pa talaga humabol sa klase, so I dismissed the idea.

Akala ko kaya kami nagmamadali ay dahil gusto nya pang humabol kami ng class pero nagulat ako nang dito kami dumeretso sa park. "Teka Riel, di ba dapat humabol ako sa klase?" Alam kong OA na, dahil more than 30 mins late na ako at isang oras lang klase ko pero tinry ko na rin magsabi sa kanya baka makalusot. Hehe. Napahilamos na lamang ito ng mukha at sumagot ng hinihingal " Dyan ka lang! Wag na wag na wag kang aalis dyan Nix! Kundi kamumuhian kita forever!" Ganern?! Makamuhi agad to! Tinawag ko siya pero walang lingon na itong umalis.

Kahit alam kong binbiro lang nya ako sa "muhi" part ay pinili ko nalang din mag-antay. Malay ko ba kung nahipan ng hangin yon at seryoso pala sya.

"Gosh! Asan na ba yung si Darri?" Bulong ko sa sarili ko.

Nagulat na lang ako nang may lumapit sa aking classmate ata namin sa isang subject. Hindi ko maalala. "Anica! Para sayo!" Sabay abot ng rose. Wow! Pero bakit?

Di lang doon natapos iyon dahil may mga sumunod pang nagbigay sa akin ng roses. Pamilyar ang mga nagbigay sa akin. Medyo teary eyed na ko dahil mukang alam ko na kung sino ang may pakana nito. Siguro ay kinuntsaba pa nito si Darri. 'Darri'. Bigla nalang akong nalungkot . Pero iwinaksi ko na ang nasa isip ko.

Naluluha na ako habang may naghihintay ng susunod na mangyayari. Ghad! Aidan, di pa ba tapos?

Napalingon ako sa likuran at nakita ko na lalapit sana si Darri nang lapitan ito ni Aidan. Kinuha nito ang rose na hawak ni Darri at may sinabi pero hindi ko marinig dahil sa distansya ko sa kanila. Mas lalo akong nalungkot nang mapansin ko ang naiiyak na mukha ng bestfriend ko. I know the moment she turns her back ay umiiyak ito. Nasa kanya lamang ang atensyon ko at hindi ko man lang napansin ang paglapit ni Aidan.

"--- That is what the 8 roses means" Hindi ko narinig ang lahat ng sinabi ni Aidan. Dahil nakatutok ang atensyon ko kay Darri na ngayon ay naglalakad na palayo. Alam kong umiiyak siya. Dahil sa akin umiiyak ang bestfriend ko!

-------------------------------------

Short UD :)

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt