Chapter 18

41.8K 888 11
                                    

Balde-balde na atang luha ang nailabas ko. Mukhang malaki na ang naicontribute ko sa inang karagatan. Gosh! I'm just trying to lighten things up. Babalik na ako sa amin. What matters the most is that, makikita ko na ulit si Daddy, si Aidan and my bestfriend Darri.. Ito naman ang gusto ko diba?

"The heck Anica!!!!!" Kamuntik na akong madulas nang marinig ko ang sigaw nito. Buti na lamang ay nakakapit ako ng kaunti sa may nakausling bato sa tapat ko. "Kanina pa kita hinahanap! Why did you get this far??! Hindi ka man lang nagpaalam!!" See the changes Nix, parang kahapon lang ang sweet sweet nya. Now look, he even shouted at you. Dere-deretso lamang akong bumaba at naglakad. Ayoko salubungin ang init ng ulo nya sa akin. Besides, kailangan umuwi parin ako ng nakangiti bukas. Tomorrow, I can go back to my own life! Buhay bilang si Anica Denise Salazar at hindi ng kung sino man yang Mira na yan na kamukha ko!!!

"Fuck!.." natigilan ako ng hablutin nito ang braso ko. Mahigpit ang hawak nito kaya medyo napangiwi ako. " I am talking to you!! Answer me Anica!!" This is what I wanted, him , calling me by my real name. Pero hindi ganito kadrastic. Parang walang emosyon. Walang halong pagmamahal. Di gaya pag Mira ang tinatawag nya sa akin. I felt the pang of pain in me.

Huminga ako ng malalim at iniangat ang dalawa kong kamay, as a sign of surrender."Ok..ok.. chilax! Highblood naman nito. I just wanted some fresh air. Hinahanap kasi kita kanina. You said you have something to attend over the phone. I....I thought it was business kaya hindi na ako nag-abalang magpaalam. " I am trying to look at his eyes. Looking for what I've seen these past few months. I almost cry, nang hindi ko makita ang hinahanap ko. Malamig akong tinititigan nito.

I guess this is it?

"We need to pack.. iuuwi na kita.." nauna na itong maglakad sa akin. Why Gio? Hindi man lang ba ako nagkalugar sa puso mo? Nalaman mo lang na babalik siya...iiwan mo nalang ako?

Habang nasa byahe ay malalim ang iniisip ko. I am thinking what to do first when I get home. I'm excited to see my friends. And maybe...or..sigurado itong katabi ko ay excited makita ang babaeng yun. Hindi ko man personal na kilala si Mira pero nakakaramdam na ako ng inis sa kanya. She left Gio with no words tapos ay babalik-balik. Come to think of it, para lang pala akong nagfill-up ng vacancy sa puso ni Sanreal.

"Anica...hey..wake up..." nagising ako sa paghaplos na nararamdaman ko sa aking pisngi. Nagmagmulat ako ng mata at nagulat ako sa distansya namin ni Gio. " You're here... I'm bringing you...back.." napaiwas agad ako ng mukha dahil sa sinabi nya. He's saying those words na para bang nagsasauli lang ng isang hiniram na bagay. Damn him!

I saw daddy waiting for me in our front door kaya dere-deretso akong pumunta sa kanya at sinalubong sya ng mahigpit na yakap. Hindi ko na napigilang maiyak. Halo-halong emosyon na ang nararamdaman ko. "D-Dad!! I miss you.."

"I miss you too anak..It's ok.. everything's gonna be ok.." hindi ko maintindihan ang sinasabi ni daddy pero napatango nalamang ako.

"I should keep going Mr. Salazar.....Anica.." napakalas ako nang yakap kay daddy. He's saying goodbye as if...as if..he's meaning it. Nakita ko ang pagtango ni dad sa kanya. Hindi ko tinantanan ng titig si Gio. Hinihintay ko na may sabihin pa syang iba. Some words that may take this pain in me. Pero hindi siya nagsalita. Tinignan laman ako nito pabalik saka tumalikod at sumakay ng sasakyan.

I walk slowly palapit sa sasakyan nya kahit naririnig ko ng umaandar na ang engine nito hudyat na paalis na. Please open the window Gio... piping-hiling ko. I want him to tell me na hindi ito ang huli naming pagkikita. Na nothing will change. I want him to ease this pain I'm feeling right now. But ang epic lang. Walang ganoon na nangyari. Nakalayo na ang sasakyan lulan si Gio. A sob escape from me. I can't help it. Akala ko ba uuwi ako ng nakangiti.. I wasn't expecting this. Madami akong naging akala.. I felt my dad's hand on my shoulder.

His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)Where stories live. Discover now