1 : "What do you want me to do!"

893 25 11
                                    

"What do you want me to do!"

****

HOY GRAE!

Nagulat ang bente dos anyos na binatilyo na nakayuko sa desk niya. Nakaidlip siya at hindi napansin na dumating na ang kaibigan niya na si Brent. Papungas pungas pa siya ng mga mata at naghikab.

"Napakaaga mo maghikab! Wala pa nga yon first subject natin." inis na sinabi nito sa kaniya. Ibinagsak ni Brent ang bagpack niya at sabay inilabas ang isang papel. Its his Certification of Registration.

"Pasilip nga." ani Grae at matamlay na isinandal ang ulo sa balikat ni Brent. Tinignan niya ang kung may mga subjects na magkaklase sila.

"Hala. Biological Science lang tayo magkaklase." sabi niya na ikinagulat. Hinawi ni Brent ang mukha niya at itiklop ang papel.

"Sira ka. Malamang forth year na tayo. At alam mo ba ibigsabihin non. Hindi kita kaklase sa lahat ng subjects." natutuwang sagot ni Brent. Humaba ang nguso ni Grae. Parang ayaw talaga siya kasama ng kaibigan niya samantalang since first year ay sila ang magkasanggang dikit.

"Kilala mo ba mga kasama mo sa mga major subjects mo. Tatlo lang yon ah tapos yon Thesis." nanlaki ang mga mata ni Grae sa narinig. Hindi pa kasi siya nakakapaghanda sa Thesis nila. Kahit sinabi na sa last semester na mahirap ang subject na iyon.

"Kaklase ko kaya sina Aileen o si James?" nagtatanong siya sa hangin.

"Siguro kasi same kayo ng major diba? Psychology?" tumango si Grae. Psychology ang kinuha niyang kurso, Major in Psychopathology. Habang si Brent ay kumuha ng Neurological Science.

"Sana naman kahit isa sa kanila maging Thesis Partner ko." bumuntong hininga ang binata at isinalampak muli ang mukha sa mesa.

"Palaasa ka kasi. Mag-aral ka kaya mabuti!" tapik sa kaniya ng kaibigan si Brent. Hindi siya pinansin ni Grae at sa halip ay natuon ang atensyon nila sa pagtahimik bigla ng mga kaklaseng nagkukwentuhan sa bandang unahan ng silid.

Umangat ang ulo ni Grae at nakita ang binatang papasok ng pinto. May hawak siyang sling bag sa kanan balikat at nakafacemask na puti. May suot siyang isang pares ng gloves na gawa sa tela na may parehong kulay.
Tahimik itong naupo sa may dulo ng kabilang bahagi ng kwarto.

"Kaklase ko siya?" tanong ni Grae sa sarili habang hindi inaalis ang tingin sa binata.

"I guess so. Hindi ba pareho kayo ng major? Saka matalino daw yan. Laging top sa Dean's Lister." nagulat siya. Naalala niya ang lalakeng iyon. Minsan na niya itong nakita noon unang araw nila bilang first year. He saw him introducing himself in front of the class. The first time he saw, it felt something strange.

"Sana lang talaga si Aileen man lang o si James makasama ko." pakiusap niya sa sarili. Umiling iling si Brent. Isinarado niya ang bagpack at tumayo.

"Papasok na ako sa klase ko ah. Mamaya nalang vacant time." paalam nito at hindi na pinansin pa ang nakasimangot na si Grae. Lumabas siya ng silid at tamang pagpasok naman ng mag nobyo na sina Aileen. Bumati sila kay Brent na palabas ng kwarto at agad tumabi sa dalawang bakanteng upuan sa gilid ni Grae. Lumingon agad si James sa estudyanteng ilan dipa lang sa kanila ang layo.

"Si Narumi ba yon? Kaklase na natin siya?" excited na tanong niya. Tumanaw mula sa balikat niya si Aileen at namangha nang makita ang binata.

Pinalo niya sa likod ang nobyo. "Oo nga, akalain mo yon. Eh sana makapartner ko siya sa Thesis." sabik na sinabi ni Aileen.

"Bakit niyo ba siya gusto makasama? Diba nga antisocial yan." sarkastikong sagot ni Grae. Tumahimik agad si Aileen. Totoo naman kasi ang sinabi ni Grae, walang kaibigan si Narumi eversince. He's just a lonesome wallflower.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now