25 : "Rely on me as you could."

124 7 0
                                    

“Rely on me as you could.”

****

Nakatulala si Narumi habang naghahain ng hapunan si Dylan. Inilapag nito ang dalawang plato para sa kanilang dalawa. Kanina pa niya binabalikan ng tingin ang binata. Nakatingin lang ito sa mesa at hindi man lang gumagalaw. Nag-alala na siya kung bakit ito ganito kumilos. Dahan dahan siyang umupo. Magtatanong na sana siya nang bigla naman magsalita si Narumi.

“Kuya Dylan, can I ask a question?” nagulat siya.

“A-Ano yon?” nagtataka niyang tanong.

Nararamdaman niyang kinakabahan ang binata. Panay kasi ito sa pagsaklob ng dalawa niyang kamay. Isa pa, parang hindi siya mapakali sa pwesto niya.

“I am confused right now. I like Grae, pero something is saying na dapat ko bigyan ng atensyon si James.”

Biglang nahulog ang hawak na kutsara ni Dylan. Nagulat ang binata at agad itong pinulot. “Pasensya na po Kuya, ikaw lang ang naiisip ko na pagtanungan.” nag-aalalang sinabi ni Narumi.

Bumuntong hininga si Dylan. Hindi niya akalain na tungkol ito sa lovelife ng binata. Akala niya simpleng problema lang sa barkada.

“Ano ba ang sinasabi ng puso mo? If James is worth of your attention, then maybe why don't you give him a chance? Wala naman sigurong mawawala diba?” dahan dahan tumugon ang binata.

“What about Grae?” lumapit ng bahagya si Dylan sa kaniya. “Give him time. If he truly is your friend then he will stay.” sabi pa niya at pinalitan ang nahulog na kubyertos. Binuksan ni Dylan ang nakatakip nilang ulam. Hinainan niya si Narumi.

“Kumain ka ng madami. Tanggalin mo muna sa isipan mo yan mga ganyan bagay. It will affect your health.” sumunod si Narumi at nagsimulang sumubo. Palihim na ngumingiti si Dylan habang pinagmamasdan ito.

“So two guys are after him.” aniya sa sarili at nakaisip ng ideya.

***

Nakatingin lang sa kisame si Grae habang iniisip ang ginawa ni James kay Narumi. Bigla niya itong niyakap ng walang alinlangan. And Narumi didn't hesitate. Nagtataka siya sa isinigaw nito kanina. Rumi?

So they know each other before. Pero sa itsura kanina ni James ay parang ngayon lang niya narealize na it was Narumi. Pero hindi niya maialis sa isipan na nakakaramdam siya ng inis nang magkita ang dalawa.

“Why does it have to be Narumi?” aniya sa sarili habang gulong gulo na ang isipan. Halos magpaikot ikot siya sa higaan. Hinila hila niya ang buhok sa ulo at pinaghahampas ng unan ang sarili niya. Sabay nahulog siya sa higaan.

Grae! Ano ba yan kalokohan mo nanaman!” narinig niyang sigaw ni Grace nang marinig ang kalabog mula sa kwarto niya. Hinawakan niya ang balakang na bumagsak sa sahig.

“Narumi..” nagbago ang mukha niya nang minsan maalala nanaman ang mga ipinagtapat nito sa kaniya. Hindi niya alam sa sarili kung bakit hindi niya matanggap ang kasarian ng kaibigan. Pero sina Brent at Oliver ay okay naman sa kaniya. Bakit si Narumi, kailangan niyang pagdudahan?

Inihampas niya ang dalawang kamay sa malambot na kama. Humaba ang nguso niya at sabay kumunot noo. Iniisip niya kung may nararamdaman si James kay Narumi, for sure didiskartehan niya ito. Papayag kaya siya?

Natatakot siya sa posibleng sagot na, oo. Pero mas natatakot siyang alamin kung pareho lang sina Narumi at James ng nararamdaman para sa isa't isa.

Ala-una ang klase nila kapag araw ng Sabado. At dahil don, required na magkita kita ang barkada sa harapan ng Plaza de Benidez. Matamlay at wala sa nilalakaran niya si Grae. Gusto sana niyang lumiban ngayon at magdahilan. Pero mas umiigting ang damdamin niyang pumasok para makabawi kay Narumi. Wala pa siya sa mismong parke ay tanaw na tanaw na niya si Oliver. Kasama nito si Brent habang kakwentuhan si James. Nanlaki ang mga mata niya. Hindi pa siya prepared. Pero ano ba ang dapat niyang paghandaan?

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now