27 : "Love is the only reason, It changed."

122 8 1
                                    

“Love is the only reason It changed.”

***

Nakatulala si Narumi habang nagsasalita si Dylan at tila hindi naririnig ang sinasabi nito. Ni hindi nga niya ginagalaw ang pagkain at kahit isang subo ay hindi pa niya nagagawa. Parang sariwa pa din kasi sa kaniyang isipan ang nangyari noon isang gabi. Grae just confessed, that's the headline. Naguguluhan tuloy siya papaano haharapin ang mga kaibigan matapos iyon gawin ng binata. For all he knows, ay okay na sila ni James. He will move forward to forget his feelings for Grae. And then..

“Hindi ka ba nagugutom? Narumi? Kanina ka pa tulala, are you sick?” nag-aalala si Dylan at sabay hinaplos ang noo ng binata. Umiling si Narumi at kinuha ang dalawang kubyertos.

“Okay po ako Kuya Dylan. Medyo stressed lang po sa thesis.” pagdadahilan na lamang niya. Stressed siya sa mga gawain sa school, pero mas nadagdagan ito sa ginawa ng kaibigan.

Hindi inaalis ni Dylan ang mga mata sa binata. Kahit hindi ito magsabi ng diretso sa kaniya ay ramdam niya ang pagkalito ng isipan nito. Kung hindi magsasabi si Narumi sa kaniya ay hihintayin niyang ito ang magkusa. Bago ito sa pakiramdam ng binata, pero natutuwa siya dahil ngayon ay nagkakaroon na ng pagbabago ito. Pagbabago na dapat lamang ay madama ng binata sa ganitong edad.

“Aalis na po ako.” paalam ni Narumi matapos isilid sa bag niya ang pinabaon pagkain ni Dylan. Gusto sana niyang sabayan ito sa pagpasok pero natatakot siyang mas lalong mahalata nito ang pagiging magulo ng isipan niya. Abala na si Dylan sa Mendrez Fashion, habang si Edward ay full time schedule din sa pagtuturo kaya nahihiya siyang magtanong sa dalawa. Kung may makakaunawa man sa kaniya ngayon ay siguradong sina Brent iyon. Kaya napagdesisyunan niyang ilihim nalang ito.

***

Naglalakad si Grae na tila wala sa sarili matapos ang ginawa niya kagabi. Napapakunot noo siya habang iniinda ang pananakit ng ulo. Hindi siya nakatulog at wala siyang ibang iniisip kundi ang ginawa niya sa kaibigan si James. Wala naman talaga siyang intensyon manakit. Pero dahil sa nakita niya, galit lang ang naramdaman niya. Nakalimutan niyang may mahalaga siyang sasabihin kay Narumi.

“Ang tanga mo talaga, Grae.” bulong niya sa sarili habang hinihimas ang buhok niya. Wala siyang mukhang maiiharap kahit kanino sa kanila.

“Hoy Grae! Saan ka nagpunta kagabi!” nagulat siya nang makita si Brent. Agad niyang inilihis ang mukha para hindi mapansin ng kaibigan ang pangangalumata niya.

“Um. Nag-inom lang.. mag-isa.” nanlaki ang mga mata ni Brent sa narinig. Tinapik niya agad ang balikat ng kaibigan.

“Nag-inom ka e, inaya ka namin kagabi sabi mo uuwi kana! Ang daya mo! Ikaw lang ang wala.” galit na sigaw ni Brent. Huminga ng malalim si Grae at hinarap ang binata.

“Brent, ano mararamdaman mo kapag nainlove ka?”

Nanahimik ito bigla sa tanong sa kaniya. “Sira ka ba? Hindi ba't ikaw itong habulin ng babae sa atin? Ako tatanungin mo?”

“Eh kasi, about Naru..” natigilan siya sa pagsasalita nang makita si Narumi na pababa ng hagdan. Nakayuko ito habang naglalakad at tila may hinahanap din sa paligid niya. Nagflashback sa isipan ni Grae ang ginawa niya at nakita niya.

Nagseselos nga kaya siya? Si James nga kaya ang gusto ni Narumi?

“Narumi? Kadarating mo lang?” biglang tanong ni Brent dito. Hindi nakaimik si Grae. Nanatili siyang tahimik habang papalapit ito sa kanila.

“Oo. Kayo ba?” nakayuko pa din siya habang nagtatanong. Parang hindi rin ito makatingin ng diretso kay Grae. Hinila ni Brent si Narumi.

“Si Grae nakipag inuman sa iba kahapon. Hindi man lang sumama sa atin.” pagsusumbong ng kaibigan. Hindi maiwasan maalala muli ni Narumi ang mukha ni Grae kahapon. Kung paano ito nagtapat sa kaniya. Kung ano man itong nararamdaman niya, ay hindi kahihiyan. Nakakainis man aminin, pero natutuwa siya sa biglang pagbabago ni Grae.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon