6 : "I owe you one.."

171 17 3
                                    


“I owe you one..”

****

GRAE!

Lumingon ang binata nang marinig ang tinig ni Aileen.  Kumakaway ito sa kaniya. May usapan silang magkikita-kita ng alas-tres ng hapon. Tuwing weekends ang bonding nilang magkakaibigan, kasama sina James at Brent.

“Akala ko hindi ka hahabol.” sabi ni Aileen pagkalapit sa kaniya ng kaibigan.

“Ako pa ba? Saka may kasama ako.” sabi niya na hingal na hingal. Nagkatinginan ang tatlo at laking gulat nila nang makita sa likod nito si Narumi.

“Kasama mo si Narumi? Seryoso?” bulong ni Aileen kay Grae. Tumango ang binata. “Oo, don't worry.. he's okay to get along with.” paliwanag niya. Aileen sighed. Hindi talaga pumapalya itong kaibigan nila. Lahat kaya niyang pakisamahan at kaibiganin. Even the weirdest student they've known ay napaamo niya.

“Huwag kang mahihiya sa amin, Narumi. Pasensya kana sa pangungulit ni Grae.” nakatawang sinabi ni Brent. Umiling si Narumi.

“It's fine. I can get used to it.” sagot niya. Tinapik ni Brent sa balikat si Grae. Nagkayayaan silang kumain bago mag ikot ikot sa loob ng mall.

Naglalakad sila patungo sa isang fast food. Nasa likod nila si Narumi na hawak ang phone niya. Nagtext siya sa bahay nila na malalate siyang umuwi. Nakatanggap agad siya ng reply.

You're with some friends? That's good to hear. Nasaan kayo?  - Kuya

Nasa mall kami, isinama nila ako. - Narumi

Ha? Nasa mall kayo. Did you tell them about your condition? - Kuya

Sandaling tumigil sa pagtetext si Narumi. Naalala nga niya na may kakaiba siyang takot sa paligid na madaming tao. It might trigger anytime. At nawala sa isip niya ang bagay na ito dahil sa kagustuhan niyang samahan si Grae.  Pinili nalang niyang huwag magreply sa last text ng Kuya niya. Itinago na niya sa bag ang phone at humabol kina Grae na nauna sa paglalakad.

He doesn't want them to find out. He don't want to be a burden to his new friends.

“Ano order mo Narumi?” asked ni Aileen na kasama niyang pumila sa cashier. Nakatingin pa din siya sa mga menu na halos tanaw niya mula sa kinatatayuan. He doesn't usually eat in fast foods. Huli siyang kumain dito was two years ago. Gustong gusto niyang kumain ng burger noon pero wala siyang maaya kaya he tried to bought it alone. He succeeded but apparently he got scared to buy again. Madalas kasing madaming tao sa fast food. At hindi niya kayang iwasan, laging may bumabangga sa kaniya.

“Um.. Cheeseburger.” sabi lang niya at itinuro ang Set B sa menu.

“Sige same na tayo ng order.” ngumiti si Aileen at siya na ang kumausap sa kahera para sa order nila. Nakatingin naman sa kanila ang tatlong binata na nakaupo na sa napili nilang pwesto.

“Akalain mong nahila mo si Narumi na sumama. Iba ka talaga.” aniya Brent na nakatingin din kina Aileen at Narumi. Grae just smirks.

“Ako pa ba? Saka kung makikilala niyo si Narumi. Mabait naman siya, minsan lang talaga pilosopo.”

“Parang ikaw lang.” sagot agad ni James. Inayos nila ang pwesto ng uupuan. Magkatabi sina Aileen at James habang magkatapat ng upuan sina Narumi at Grae habang katabi ni Grae mula sa kaliwa si Brent. Bago dumating ang mga order nila ay naglabas agad ng wet tissue si Grae. Pinunasan niya ang uupuan ni Narumi ganundin ang mesa nila. Nagspray pa siya ng alcohol. Pinagmamasdan naman siya ng kaibigan si Brent at ginawa na din sa kabilang mesa nila.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon