26 : "Confusion, insecurity, jealousy."

201 10 6
                                    


“Confusion, insecurity, jealousy.”

****

Naglalakad ng tila wala sa sarili si Grae papasok ng unibersidad. Wala siyang sapat na tulog at hindi siya nakakain ng maayos nitong almusal. Nag iisip pa din siya tungkol sa nalaman niya sa kapatid. Gusto niyang komprontahin si Narumi. Gusto niyang tanungin kung bakit niya iyon ginagawa.  Hindi ba siya napapagod? Huminga siya ng malalim habang nakatuon sa nilalakaran ang mga mata niya. Hindi na nga niya napansin na papalapit sa kaniya si Brent.

“Hoy! Tulala ka nanaman!” sigaw nito sa kaniya. Tumigil siya sa paghakbang at hinarap ang kaibigan. Nakangisi ito at hinila siya sa braso.

“Walang klase ang Psychology kaya gumala nalang tayo!” nagulat siya sa isinigaw nito. Nakalimutan niyang may seminar ang mga Dean ngayon araw kaya kalahati ng mga kurso sa buong unibersidad ay walang klase. Hindi na sana siya pumasok, pero dahil gusto niyang makita si Narumi ah nakalimutan niyang lumiban.

“Saan tayo pupunta?” walang gana niyang tanong dito.

“Sa bar ng Tito ni James. Mag iinom tayo!” pilyong sagot ng binata. Bumuntong hininga siya.

“Inuman? Uuwi nalang ako. Kayo nalang!” pagtanggi niya at saka tinalikuran ang kaibigan. Kumulubot agad ang noo ni Brent sa inaasal nito.

“Hoy! Kakaiba kana this past few days, ha! You've been avoiding us! Including Narumi!” tumigil siya at tila nakaramdam ng guilt. Yes, he is avoiding Narumi. Hindi niya iyon maitatanggi, pero naguguluhan siya kung bakit sa kabila ng pag-iwas niya ay ang kagustuhan niyang makita ang binata.

“He is with James, diba? So bakit pa ako sasama sa kanila?”  papilosopo niyang sagot kay Brent.

“Grae, do you like Narumi?” nanlaki ang mga mata ni Grae sa tanong nito. Namula ang buong mukha niya at hindi alam kung papaano sasagutin ito.

“How come you thought of that conclusion? I don't like.. ” he paused and just realized what he is about to say.

Naalala niya ang tungkol sa pag uusap nila sa biglang pag amin sa kaniya ni Narumi that he likes men. Hindi ba talaga niya matanggap na lalake ang gusto ng kaibigan niya o ang rason na baka si James ang dahilan kung bakit niya iyon sinabi. Alin man doon ay ikinagagalit niya.

“Hoy, Grae. Kung ayaw mo kay Narumi, sabihin mo. Hindi iyon iniiwasan mo siya. You are his first friend. Mahalaga ka sa kaniya, sana ikaw din.” inis na sinabi ni Brent. Bago siya nauna sa paglalakad ay binatukan pa niya ang kaibigan.

Walang imik si Grae habang sinusundan ang papaalis na si Brent. Sinipa niya ang batong nakahambalang sa dadaanan niya. Nanggigigil siya sa sarili at sa mga sari saring ideya na tumatakbo sa isipan niya.

Ang pag-amin ba talaga ni Narumi ang problema o siya mismo?

Nagtungo siya sa library para doon magkaroon ng sandaling kapayapaan ang isipan. Pati si Brent, ay galit na sa kaniya. Hindi tuloy niya maintindihan ang sarili bakit habang tumatagal ay lalo bumibigat sa kalooban niya ang pag-iwas. Simula noon mixed dating ay kakaiba na siya kumilos.

“Grae? Diba wala kayong pasok?”  nagulat ang binata sa pagbati sa kaniya ng Professor na si Edward. May mga dala itong libro sa bisig at mukhang patungo din sa library.

“Tulungan ko na kayo Sir!” aniya at kinuha ang limang libro na patong patong sa bisig ng guro. Binuksan nila ang pinto at lumapit sa tumatayong Librarian para isauli ang mga ito.

“Hindi mo ata kasama sina Brent? This is unusual.” sabi ni Edward habang hinihintay na macheck ang mga librong ibinalik niya. Nahihiyang sumagot si Grae. Hindi niya alam ang dapat na idadahilan. For sure, napansin na din ni Edward na palagi siyang wala sa barkada. Or nakapag open na sa kaniya si Narumi.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now