2 : "Do I look funny?"

356 15 5
                                    

"Do I look funny?"

****

Nabitawan niya ang tinidor at maingay itong bumagsak sa sahig. Madali siyang yumuko at pinulot iyon. Nakakahiya ang reaksyon niya, he was blown away. Pagkapulot niya ay bumalik siya sa pagkakaupo. Naghanap siya ng tissue at pinunasan ang nahulog na tinidor para muling gamitin.

"You're disgusting." sabi ni Narumi habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Napangiwi siya sa narinig. Lately, he was attracting and now he turned out to be annoying.

"Ha? Bakit? Anong ginawa ko?" nagtataka siya at bahagya siyang lumapit sa binata. Umiwas agad si Narumi at lumipat sa katapat nilang upuan. He also moved his tray with him.

"That fork was contaminated. Tapos gagamitin mo uli?" nag iinarte nitong sabi sa kaniya. Nalilito na siya. Tingin niya hindi ito marumi dahil pinunasan niya. Kaya anong problema ng taong to?

"Clean that thing. Bago ka lumapit. You also need to fix your breath. Kumain ka ba ng bawang nitong umaga? It really stinks." sabi pa ni Narumi and he slowly lift his hand, hawak niya ang isang spray bottle. Inisprayan niya ng alcohol ang tinidor ni Grae.

"Make sure your clean bago mo ako kausapin about sa thesis. I don't want to get contaminated with your germs." tuloy niya at binuhat ang tray. Saka iniwan ang walang kamalay malay na binata.

WHAT WAS THAT?

Padabog na bumalik si Grae sa mesa nina James. Ibinagsak niya ang tray at naglikha ng ingay. Nagulat ang dalawa na nag uusap.

"Ano ba yan Grae!" galit na sigaw ni James. Hindi umiimik si Grae. Nakakibit balikat siya.

"Ayoko na. Suko na ako.. Hindi ko siya kayang pakisamahan!" singhal niya. Nagtataka ang binata sa sinabi ng kaibigan. Is he referring to Narumi?

"What happened?" kalmado niyang tanong.

"He just said my breath stinks!" Hindi maiwasan matawa ni James sa narinig. Pinigilan niyang huwag matawa pero sumasakit lang ang tiyan niya. Tumalikod siya at tinakpan ang bibig.

Alas-siete ang tapos ng huling klase ni Grae. Mag isa nalang siyang uuwi dahil sabay sina Aileen at James habang si Brent ay hanggang alas-singko lang ang pasok. Palihim siyang humihinga sa palad trying to check if his breath really stinks. Bumili pa tuloy siya ng maliit na bote ng gargle at ilan beses nagmumog. Iyon ang unang beses na mapahiya siya in his entire life.

"Kainis talaga." pasinghal niyang bulong sa hangin at sinipa ang lata na nadaanan niya sa paglalakad. Then he got surprised seeing a familiar person.

Its Narumi!

Papauwi na din ito at naghihintay ng masasakyan. Nagtago siya sa may gate at sinisilip mula sa kinatatayuan niya ang susunod na hakbang na gagawin ng binata.

"Anong meron sayo, Narumi? Bakit ayaw mo sa madumi?" tanong niya sa sarili. Hindi pa din niya matanggap na mabaho ang hininga niya. Napansin niyang hindi ito gumagalaw sa kinatatayuan. Hindi ba siya sasakay ng bus? Hindi ba siya maglalakad?Pinagtuunan pa niya ito ng atensyon hanggang sa mapansin niyang naglabas ito ng panyo.

Huminto ang isang mini bus sa harapan niya at doon ay sumakay siya. Nakita niya na humawak ito sa pinto pero gamit ay panyo. Does he really hate germs that much? Naka gloves na siya at ayaw pa din niyang humawak sa mga foreign objects. Pinanood niya ito hanggang makasakay. Hindi ito naupo at tumayo lang. Nakahawak siya sa bakal using a plain handkerchief.

Napabuntong hininga si Grae. The guy is really something else. Kung gusto niyang makahalubilo sa taong ito, he need to do the consequences.

Naglakad pauwi si Grae. Dala niya sa kanan balikat ang bagpack habang nasa kaliwang kamay niya ang isang plastic ng lutong pagkain. For sure, wala nanaman siyang kasamang kakain. Nightshift ang kapatid niyang si Grace kaya umaga na ito uuwi.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now