16 : "Memories I will never forget."

135 7 0
                                    


“Memories I will never forget.”

****

Tulala sina Grae at Narumi habang hinihintay ang magnobyo sa unang klase nila ngayon Biyernes. Nag-iisip pa din kasi sila kung paano sila makakahanap ng ka-date sa darating na Sabado.

“Diba, madami kana man friends na babae? Grae. Bakit hindi nalang isa don ang isama mo?” biglang tanong ni Narumi. Bumuntong hininga si Grae.

“Hindi ako usually nakikipag-date or nagyayaya makipagdate kung kani-kanino.” sagot lang niya. “Eh ikaw, paano ka maghahanap?” namula si Narumi sa tanong sa kaniya. Nahihiya siyang aminin na never pa siya nakaranas makipag-date. Hindi rin naman siya habulin ng babae o madaling makakuha ng attraction sa opposite sex.

“I haven't been to any dates kaya wala akong ideya.” nakayuko siya habang nagsasalita at magkadikit ang dalawa niyang palad.

Nakatingin doon si Grae. “Oh, kinakabahan kana naman. Wag ka mag-alala. Maghahanap tayo ng kapartner mo.” nakangiti ang binata sa kaniya. Tumango siya kahit sa totoo lang gusto niyang tumanggi. Hindi naman talaga niya habol ang maghanap ng kapareha sa group date na iyon. But the fact that Grae is with him, makes him alot comfortable.

Dumating sina Aileen at James na nagkukwentuhan, habang kasunod sa likuran nila si Brent. Pagkakita ni Grae sa kanila ay tumayo siya at sinalubong ang mga kaibigan. 

Wala pa kaming kadate ni Narumi. Pano na yan! Gusto ko pa naman pumunta ng Enchanted!” naririnig niya si Grae na nagmamaktol at nagmamakaawa kay Brent na huwag na silang magdala ng kasama. Hindi niya maiwasan matawa.

Ikaw pa Grae! Kilala kita, you can date anyone you want! Si Narumi, magegets ko pa.” galit na sinabi ni Brent. Niyakap siya sa likod ni Grae at pinipilit sa gusto niya.

Layuan mo nga ako Grae! Bakit ba ayaw mo maghanap!” bumitaw sa katawan ni Brent ang kaibigan at napaupo sa isang bakanteng upuan.

Bigla naman nagtaas ng kamay si Aileen thinking an idea. Lumingon sa kaniya ang mga binatilyo.

“What if they don't have to look for partners? Pwede naman sina Narumi at Grae nalang ang magkasama?” namutla si Narumi sa narinig. Napaisip naman si James at sumang-ayon. Tutal ayaw nila maghanap ng babae na isasama.

“Oo nga no? Para naman hindi lang kami ni Oliver ang parehong lalake sa date na yon.. Nakakahiya kaya.” patong naman ni Brent.

Hindi makapagsalita si Narumi. Hindi niya alam kung sasang-ayon ba siya o tatanggi. Iba na kasi ang pakiramdam niya kay Grae at lalong hindi pa niya nararanasan makipagdate once in his life.

Tama! Practice date natin to para sayo Narumi tutal sabi mo, hindi ka pa nakakapagdate. Pagpraktisan mo ako.” excited na sinabi ni Grae. Siniko siya ni James.

“Parang sinabi mo na din na lalake ang gustong i-date ni Narumi. Sira ulo ka din mag-isip no.” nagtawanan sila. Nanatili naman walang imik ang binata. He couldn't avoid being nervous.

Matapos ang klase nila sa Psychopathology, nagpaiwan sina Narumi at Grae sa classroom para pag-usapan ang thesis nila.  Habang si James ay nasa library sa kabilang gusali at si Aileen ay kameeting din ang thesis partner niya na si Leo.

“Dito sa statement mo, you've realized na you have a mysophobia right after your dad died?” ulit na tanong ni Grae sa binata. Tumango lang si Narumi.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon