18 : "The moment I look into you.."

142 7 0
                                    

“The moment I look into you..”

****

Basang basa na nagsitakbuhan ang magkakaibigan paglabas nila ng Rio Grande. Hindi naman tumigil sa tawanan sina James, Grae, Brent at Oliver nang pagdiskitahan ang nag iisang dalaga sa grupo na pinuntirya nilang basain kanina sa rides.

Mga loko-loko kayo! Sinadya niyo ikutin yon salbabida doon sa falls kaya ako nabasa eh!” pag-aalboroto ni Aileen habang ipinupunas sa mukha ang jacket ng nobyo. Wala naman imik si Narumi na basang basa din dahil halos katabi lang niya si Aileen sa upuan.

“Narumi?” Grae just realized Narumi was also soaked. His clothes are totally ruined. Pero hindi talaga siya dito nakatingin. The moment he looked into the guy's face just made his heart flutters. Dahan dahan hinawakan ni Grae ang kwelyo ng suot niya. Sumisikip ang paghinga niya ganundin ang pagkabog sa dibdib niya.

“Ayos ka lang Grae? Magpapalit lang ako.” aniya ni Narumi at ngumiti. Muli ay parang naihipan ng hangin si Grae at natulala mula sa kinatatayuan niya. Hindi na niya namalayan na nakaalis na ang binata kasama si Aileen. Dumiretso sila sa pinakamalapit na restroom.

Hoy, tulala!” sabi ni Brent at tinapik sa pisngi si Grae. Napailing iling siya at napansin niyang sina James at Oliver nalang ang kasama niya.

Magpapalit ka baO dito kana magpapatuyo!” sigaw sa kaniya ni Brent. Tumango lang siya na wala sa sarili at hinila si James sa kabilang restroom sa gilid ng Rio Grande.

Pinagpag ni James ang suot niyang tshirt na nabasa sa rides na sinakyan nila. Habang si Brent ay nagpalit ng shorts at longsleeves. Si Oliver naman ay nagpunas lang ng ulo at mukha dahil hindi siya ganoon nabasa. Habang si Grae ay nagtanggal ng medyas niya. Hinubad niya ang jacket at isinilid sa bag. Tshirt nalang ang suot niya at ang fitted pants.

Nakatingin siya sa salamin habang hinahawi ang buhok niya. Paulit ulit sa isipan niya ang mukha ni Narumi habang nakangiti ito. Kumurap kurap siya at baka sakaling malimutan niya but still it won't leave his mind.  Bakit kaya? Why does he feel different?

Lets go! May sasakyan pa kami ni Aileen!” sigaw ni James sa mga kaibigan papalabas ng rest room. Alas-siete na ng gabi at tila mas lumiwanag ang buong parke dahil sa mga street lights at mga nakapalibot na LED lights sa mga rides. Napakamakulay ng parke pag sumapit ang dilim. Its only getting livelier than expected.

Nagtatakbo ang magnobyo papuntang Fortabello para sumakay pa ng mga rides na gusto nila. Habang sina Oliver at Brent ay nagtungo ng Food Court para kumain. Nagtungo naman sina Grae at Narumi papuntang Victoria Park para silipin ang mailaw na Grand Carousel.

Hawak lang ni Narumi ang litrato nila na kinuhanan sa Rio Grande at Ghostbusters Adventure. Its his first time getting a group picture with a new set of friends. Kaya natutuwa siya. He really enjoyed being with them. Kung bibigyan pa siya ng pagkakataon ay gusto niya ulit pumasyal sa ibang lugar kasama sila.

“Do you think.. um.” lumingon siya kay Grae na tila hindi makapagsalita ng diretso. Itinago niya ang mga pictures sa loob ng bag. Inayos niya ang leather gloves na suot niya.

“Bakit Grae?” tumigil sila sa paglalakad. Nasa gitna na sila ng Grand Carousel.

“Um.. Do you want to ride in the Ferris Wheel?” nagulat siya sa tanong nito. Paglingon niya sa gitnang bahagi ng parke ay tanaw na tanaw niya ang mataas na Wheel of Fate na tila umiilaw sa dilim. Umiikot na ito at may mga sakay.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon