12 : "Let's do it!.."

168 9 0
                                    

“Let's do it!..”

****

Rumi! Rumi!

Nagulat ang batang si Narumi sa narinig. Lumingon siya sa pinanggagalingan ng tinig. Pero wala siyang ibang nakikita kundi dilim na parang nagpapasikip ng paligid niya. Balisa siyang nagtatakbo sa dulo non pero parang hindi natatapos ang daan iyon. Hingal na hingal siyang tumigil.

Rumi! Rumi!

Lumingon siyang muli pero hindi niya malaman kung saan nagmumula ang pamilyar na tinig na iyon. Naiiyak na ang bata dahil litong lito na siya. Gusto niyang makita ang taong tumatawag sa kaniya.

Rumi..” nanlaki ang mga mata niya nang madama mula sa ulo niya ang paghaplos ng buhok nito habang ulit-ulit itong binabanggit ang palayaw niya na ito lamang taong ito ang nakakaalam.

Bumuhos na ang mga luha ng batang si Narumi at sinapo ito ng mga palad niya. Nanlambot siya mula sa kinatatayuan at napaluhod.

Aah!” napasigaw si Narumi pagkadilat ng mga mata niya. Narinig niya ang pagtilaok ng manok at pag busina ng isang bike na tumigil sa harapan ng bahay nila para maghatid ng dyaryo. Pawisan siya sa buong katawan. Parang totoo ang panaginip niya na nagtatakbo din siya.

“Its him again..” aniya sa sarili at hinaplos ang buhok niya. Ugali kasi ng taong iyon na haplusin ang ulo niya habang tinatawag siya sa palayaw na iyon. Matagal na itong hindi nagparamdam sa panaginip niya kaya't laking gulat niya nang magpakita ito ngayon. Napakatagal na ang panahon para alalahanin pa. Pero hindi niya maitanggi sa sarili that he misses that person.

Narumi? Gising ka na ba? Sabay daw kayo ni Edward na papasok!”  narinig niyang sigaw ni Dylan mula sa ibaba. Bumangon na siya at nagsimulang ayusin ang kama. Napalingon siya sa notebook na nasa ibabaw ng study table niya. He should start conquering his fears if he wants an improvement.

****

Nakatayo si Grae sa harapan ng gate at hinihintay si Narumi. Halos kadarating lang niya, at halos wala pang kalahating oras siyang nakatambay doon. Lunes kaya't suot nila ang puting uniporme. Ilan estudyante na din ang dumaan at binati siya. Pahuni huni pa siya habang nakapamewang at nakasukbit sa kaliwang balikat ang bagpack niya. Nagulat siya nang makita si Brent na papalagpas na ng guard house.

Lugmok ang mukha nito. It means it didn't get enough sleep or still thinking about what happened last Saturday. Kumaway siya dito bago pa man makalagpas ng gate ang kaibigan. Pagkakita sa kaniya ay lumapit naman si Brent.

“Hinihintay mo si Narumi?” tanong niya agad dito.

“Oo, ikaw ba? Papasok kana? Samahan mo muna ako dito.” pakiusap ni Grae. Sandaling natahimik si Brent pero pumayag naman siya. Naalala din kasi niyang may pakay siya kay Narumi. Dalawa na sila ngayon nakatambay sa may gilid ng gate.

“Um.. Oo nga pala. Yon tungkol.. non sabado. Ah. Wala naman mali kay Oliver diba? I mean.. okay naman siya.” nagdadalawang isip si Grae sa pagsasalita. Hindi kasi niya alam papaano ioopen up kay Brent ang opinyon niya tungkol dito.

“Wag kana mag-alala. Kakayanin ko to.” sagot lang ni Brent. Huminga ng malalim si Grae. “Baliw, I was trying to say that..” natigilan siya sa pagsasalita nang sabay silang matulala ni Brent sa binatang natanaw nila mula sa guard house.

Its Oliver .. with a girl?

Dahan dahan lumingon si Grae sa binatang katabi niya na titig na titig sa babaeng kasama ni Oliver. Suspetsa nila ay kaklase nito pero kung yumapos ang dalaga sa braso ni Oliver ay hindi ito basta basta kaklase lang. There is something else. Napakamot si Grae sa ulo niya. Sinusundan pa din kasi ni Brent ng tingin ang binata hanggang makalagpas ito ng gate.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now