24 : "I found you, at last!"

118 7 0
                                    


“I found you, at last!”

****

Matamlay na naglalakad si Narumi patungo sa gusali kung saan sila magkaklase. Napakabigat ng pakiramdam niya lalo ng mga mata niya. Gusto sana niyang lumiban muna sa pagpasok kaya lang hindi pupwede at may exams sila. Maaga din siyang umalis, iniisip kasi niya kung papasok din ng maaga si James. Gusto niyang bumawi sa tulong na ginawa nito kahapon. Malaking bagay na sinamahan siya nito sa mga oras na kailangan niya ng makikinig.

Narumi!” nagulat siya nang marinig si Aileen na sumisigaw. Pagkalapit nito sa kaniya ay agad nitong hinawi ang buhok papunta sa harapan.

“Review na tayo. Wala pa si James e, sabi niya may dadaanan daw siya. Baka ma-late siya.” sabi nito sa kaniya at inaya siya sa malapit na cafeteria. Naalala niya ang mga huling sinabi nito kagabi. Something about, going to find.

Hinila ni Aileen ang isang upuan. “Ano gusto mo, kape or iced tea?” lumingon si Narumi sa malaking menu sa harapan ng kahera. He just thought of iced tea dahil mainit ang panahon. Pagkaalis sandali ni Aileen ay tumanaw siya sa labas ng bintana ng cafeteria.

He haven't seen Grae for awhile. Kadalasan ay maaga itong pumapasok at nagkikita-kita sila. Siguro nga lahat ay unti unti nang magbabago dahil sa mga pinagsasabi niya kagabi.

“Narumi?” nabigla siya nang ibaba ni Aileen ang tray na may nakapatong na dalawang iced tea.

***

Naghihintay si James sa may lounge ng Golden Tree Foundation. Biglaan ang pagdalaw niya dito kaya't hindi inaasahan ng Supervisor ang pagdating niya. Isa pa hindi rin niya akalain na dadalhin siya ng mga paa niya sa lugar na ito. Matapos ang naging pag-uusap nila ni Narumi kagabi. Para siyang nagkaroon ng lakas ng loob na gumawa ng hakbang upang hanapin ang taong matagal na niyang hindi nakikita.

Natatakot siyang harapin ito dahil pakiramdam niya hindi niya natupad ang ipinangako dito.

Pumasok ang isang babaeng suot ay puting uniporme at palda. Nasa mid-50's na ang edad niya. At pagkakita niya kay James ay gumuhit ang malaking ngiti sa labi niya. “Its been a decade, James. How are you!” natutuwa nitong tanong sa kaniya at mabilis siya nitong hinila para yakapin.

“Oo nga po. Sister Antonette. Hindi ko na po matandaan kung anong edad ko kayo huling nakita.” sagot niya dito.

Binaba ng madre ang hawak niyang gamit at inayang maupo ang binata. “So, anong nagdala sayo dito? Siguradong may pakay ka dito. Tama?” nakangiti ito sa kaniya. Nahihiya na magsalita si James.

Noon ay madalas siya dito noon buhay pa ang Mama niya. Sasama siya para mamigay ng mga donasyon para sa ampunan. Minsan ay makikihalubilo siya sa mga bata at makikipaglaro. Pero simula noon opisyal na maghiwalay ang mga magulang niya, ay hindi na siya muling dumalaw dito.

“I am looking for a kid. Pero siguro po, kasing edad ko na siya ngayon.” nagulat ang madre.

“Edi binata na iyon o dalaga? Baka inampon na iyon? Hinahanap mo?” dahan dahan tumango si James.

“You remembered his name?” umiling naman ito.

“Hindi na po e. Pero, natatandaan ko po yon itsura niya.” kinuha ng madre sa hawak niyang folder ang ilan mga litrato ng mga batang tumira noon sa Foundation. Isa isa niya iyon inilatag sa kaharap na mesa.

“Do you recognize his face?” tinignan ni James ang mga pictures. Pumikit siya sandali at inalala ang mukha nito.

“Mahaba ang bangs ng batang ito, medyo brown ang buhok. May mga sugat sa katawan at sa mga kamay. Iyakin siya. At tumatawa kapag nakakakita ng mga cute na bagay.” natatawa niyang sinabi.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now