7 : "I want to cure myself."

164 14 3
                                    


“I want to cure myself..”

****

Halos magkalahating oras na naghihintay ang magkakaibigan sa harapan ng kwarto ni Narumi. Hinihintay kasi nila ang tumatayong guardian nito para ipaalam ng Doctor ang kalagayan.

Maya maya may dalawang lalake ang dumadating. Patakbo ito patungo sa direksyon nila. At napatayo si Grae nang mamukhaan si Edward ang isa sa mga ito.

Sir Edward!” sigaw ni Grae at nagulat din ang nga kaibigan niya. “Ha? Si Sir Edward nga?” sabi naman ni James na nakatingin din.

“Where is Narumi?” agad na tanong ng isa pang lalake na medyo maliit kumpara kay Edward, nakapusod ang kalahati ng buhok nito at medyo mahaba ang bangs sa harapan. He is quite of fashionable. Dahil siguro sa suot nito na gray chino pants, blue slim-fit long sleeve na Oxford at nakapatong naman ang isa itim na V-neck lapel woolen trench coat. May suot din itong black cross earrings mula sa kaliwang tainga lang at isang pares ng itim na leather shoes.

Nakatulala ang tatlong binata sa pagsulpot ni Dylan. Its like they saw a celebrity.

“Nasa loob po si Narumi, he's okay now but kakausapin daw po kayo ng Doktor.” singit agad ni Aileen dahil hindi nagsasalita ang mga kasama niya. Tumango agad si Dylan at sabay sila ni Edward na pumasok sa loob.

Naupong muli si Grae. “Wow, is that some relative of Narumi?” tanong agad ni Brent sa dalawa. Napailing si Grae. “I'm not sure. Isa sa dalawang iyon ang tinatawag niyang Kuya.”

“Come to think of it, kaboses ni Sir Edward yon nakausap natin kanina sa phone ni Narumi.” nagkatinginan silang apat sa saad ni Aileen.

Pagpasok ng magkapareha sa loob ng kwarto ay naroon na ang Doctor na nag-asikaso kay Narumi. Walang malay pa din ang binata. Kinausap ng Doctor si Dylan. Habang si Edward ay tinawag ang magkakaibigan sa labas ng silid. Pinapasok niya ang mga ito para makita ang kaibigan nila.

“Kami po ang tumatayong guardians ni Narumi, Doc. We're very aware of his condition.” narinig nila Grae kay Dylan.

“So walang parents si Narumi, only guardians?” bulong ni Brent sa katabi niyang si James. Tumango lang ito base sa narinig nila.

Sinilip ni Grae ang walang malay na binata sa higaan nito. Nakasaksak sa kanan palad niya ang isang dextrose. Nanlaki ang mga mata niya nang mapansin ang mga palad nito. Ito ang unang beses na makita niyang walang suot na gwantes. Mukhang tinanggal ang mga ito pagkakuha sa kaniya ng ambulansiya.
Napakaraming galos at sugat ang mga palad nito. Ang iba ay tuyo at mukhang naghihilom pero halos lahat ay sariwa pa, mapapansin iyon sa kulay ng mga sugat.

Is this the reason why he is wearing gloves?

Kung iisipin at makikita ito ng isang taong hindi siya kilala. They will feel disgust. Is Narumi trying to prevent it from happening? Kaya siya nagsusuot ng gwantes?

“What are those?” tanong ni James na nakatayo sa likuran niya. “Is this some kind of allergies? Ano sa tingin mo?” tanong ng kaibigan niya sa kaniya. Tumango si Grae. Iyon din ang suspetsa niya. Siguro dahil allergic din sa madumi si Narumi.

“I know all of you are curious.” nagulat ang magkakaibigan sa sinabi ni Edward.

“We are his acting guardians for the time being. Ako at si Dylan.” sabi niya at itinuro ang isa pang lalake na kausap ng Doktor. “Narumi was an orphan back when we found out na may binatang nakatira sa Golden Tree Foundation. He's a scholar since he was a kid at doon na siya nakatira. Well, before I changed profession to teacher I was the CEO of the Golden Tree.” namangha ang magkakaibigan sa narinig. Dati palang CEO ang Professor nila. “And then when I was about to resigned, namasiyal ako sa Foundation and that were I saw this kid. Wala daw nag ampon because there's no good about him.” parang nakaramdam ng inis si Grae sa narinig. “So we decided na kunin nalang siya at pag-aralin sa UST.” pagtapos niyang magsalita ay lumingon siya sa binatang nakahiga.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now