20 : "Now I understand.."

123 7 0
                                    


“Now I understand..”

****

“Maaga nga pala pasok mo ngayon? Diba?” tanong ni Dylan nang makita si Narumi na nagsusuot ng sapatos niya.  Nagulat siya nang makita ang suot nitong gwantes.

“Buti kasya pa sayo yan? Diba yan yon unang pares mo ng gwantes?” tumigil sa ginagawa ang binata. Nakatingin siya sa mga kamay. Nang maalala niya ang tungkol dito, agad niya itong nilabhan at isinuot. Ilan taon din itong nakatago sa mga gamit niya.

“Opo. Non binigay kasi sa akin ito. Malalaki pa siya sa kamay ko.  Ngayon perfect fit na po.” natutuwa niyang sinabi. Inabot ni Dylan ang tumbler niya bago siya magpaalam umalis. Magcocommute lang si Narumi papasok dahil maagang umalis si Edward para magtungo sa isang convention sa Batangas.

Nagtatakbo si Narumi palabas ng gate. Kailangan niyang mahabol ang bus na diretso ng eskwelahan. Dumadaan ito sa subdivision sa pagitan ng alas-otso at alas-nuebe. Mas madali kung dito siya sasakay kaysa maghihintay pa siya ng public bus na malayo ang ruta.
Pagkaupo niya saktong nareceive niya ang text ni Grae.

Bilisan mo pumasok! Si James! Kinokopronta si Aileen! - Grae

Nanlaki ang mga mata ni Narumi sa narinig. Mabilis na pumintig ang dibdib niya. Kinabahan siya at kasabay ay nakaramdam ng takot. Kahapon lang ay nag-iisip si James. Ganun siya kabilis na magdesisyon? Bakit?

Parang gusto na niyang paliparin ang sasakyan patungong eskwelahan. Gusto niya sanang pigilan pa si James at kausapin pa si Aileen. Baka sakaling mapigilan niya ang dalawa sa paghihiwalay. Lalo at alam niyang mahalaga ang dalaga para sa kaibigan niya. Bugso lamang ng damdamin ang nararamdaman niya. Napahampas si Narumi sa sandalan ng kasunod na upuan. Gusto niyang magalit at mainis.

“James..” naisambit niya.

***

Dalawang oras bago ang klase nina Grae sa Thesis nila sa professor na si Joven. Nakaipon ang mga Psychology students sa paligid ng campus. Ang iba ay nasa mga library at nagrereview. Habang ang karamihan nasa labas ng eskwelahan.

Nagtatakbo si Narumi at nakita sina Grae na kinocomfort si Aileen. Katabi nito si Brent na nakatayo at tila malayo ang iniisip. Hingal na hingal siyang tumigil.

Narumi!” tawag sa kaniya ni Grae nang makita siya nito. Dahan dahan siyang lumapit kay Aileen na tila hindi na nagsasalita. Nakita niya ang mga namumugto nitong mga mata. Hindi tuloy niya maiwasan maawa.

Huminga ng malalim si Brent. “James just snapped. Hindi na namin siya napigilan kanina.” lumingon sa kaniya si Narumi.

“Oo. Good thing, you didn't saw him. Matatakot ka lang kay James. Sobrang galit niya kanina.” paliwanag ni Grae.

“Nasaan siya?” nag-aalala si Narumi. Nagkatinginan ang dalawang binata.

“Nagwalked out nalang siya kanina. Wala naman siyang ginawang masama kay Aileen. Hindi naman nananakit yon. Kaya lang..” tumigil si Grae. “He was so mad that we can't stop him. ”

“Kasalanan ko naman talaga.” nagulat si Narumi nang magsimula nang lumuha si Aileen. Hinagod naman ni Brent ang likuran ng dalaga. “I couldn't stop myself from falling to others. Alam ko din naman hindi iyon dapat na dahilan e. I should understand James well. Siya nalang itong laging umuunawa sa akin.” aniya habang salo salo ng mga palad ang mga luha.

“Tahan na. Kahit gusto namin pigilan si James. We couldn't. Kilala mo naman yon. Once he said it, hindi niya binabawi. ” tumango lang si Aileen. At pinunasan ang mga luha. Inabutan siya ni Brent ng bottled water.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now