15 : "You have real friends now."

123 7 0
                                    

“You have real friends now.”

****

Naupo si Narumi sa napili niyang pwesto habang ang iba niyang kaklase ay namili na ng mauupuan. Magsisimula na ang klase nila kay Joven. Lumingon siya sa reserbang upuan sa tabi niya. Grae didn't come to class. Dahil siguro iyon sa nangyari kanina. Tanging sina James at Aileen lang ang umattend ng klase. Gusto man niyang magtanong tungkol sa binata pero nauunahan siya ng inis at takot. Inilabas niya ang notebook at libro. Hindi niya napigilan ang mga luha kanina habang pinagmamasdan ang galit na si Grae. Natatakot tuloy siya na baka may alam na ito tungkol sa nakaraan niya. Hindi pa man din siya handa na buksan ito.

“Okay ka lang ba?” nag-aalala na bulong ni Aileen sa binata. Lumingon sa kaniya si Narumi na tila luluha nanaman.

“Grae is mad again, right? Hindi siya pumasok.” sabi niya at pinigilan ang mga mata sa pagmugto. Humawak sa pisngi niya si Aileen at nakatingin sa guro na nagtuturo.

“Grae is very sensitive to the people he cares, that's all. Kaya hindi namin siya masisisi. Pero mali yon ginawa niya, alam niya iyon..” she paused at binuksan ang notebook niya. Tumingin siyang muli kay Narumi. “He cares for you too much. Kaya ganun ka niya ipagtanggol kanina.”

“But, I'm fine.” katwiran ni Narumi. Umiling ang dalaga. “No, Grae knows when you are hiding something.” nagulat ang binata sa narinig. Napahawak siya sa dibdib.

“Tell it to us, Narumi. Kung talagang nagtitiwala kana. So we can understand you. ” bahagyang yumuko ang binata.

“I will.” aniya at ngumiti si Aileen.

****

Tumigil sa paglalakad si Grae nang makarating siya sa school clinic. Hawak niya ang kamao na lalo pang kumirot nang sumuntok siya sa puno. Kumatok siya sandali sa may pinto at sinilip kung naroon ang nurse.

“Grae? What are you doing here?” natigilan siya nang makita si Edward na patungo din sa clinic. May hawak itong bote ng tubig. “Wala ka bang klase?” tanong nito sa kaniya.

“Um.. Ipapatingin ko lang to sugat ko.” sagot niya at ipinakita ang kamay na nangingitim na. Nanlaki ang mga mata ni Edward at agad nilapitan ang estudyante.

“Napaaway ka ba? Wala ang nurse diyan. Let me take you the faculty. Pwede gamutin ni Jaime yan.” sabi ni Edward at hinila sa kanan braso ang binata. Hindi na nakatanggi pa si Grae at sumunod nalang.

Nagtungo sila sa gusali ng College of Engineering, kasalukuyan lunch break kaya iilan lang ang mga guro na nasa loob ng faculty including Edward at ang Professor sa Chemical Engineering na si Jaime.

“Pakitingin naman itong kamay ng estudyante ko. Wala kasi si Sharon ngayon. Mamaya pa ang balik niya around three.” aniya Edward at ipinalahad kay Grae ang kamao niya sa lalakeng Professor. Sinuot ni Jaime ang salamin niya at tinignan mabuti ang magang kamay ni Grae.

“Hindi ako mukhang Nurse pero I'm a registered one.” biro niya at natulala naman ang binata. Hindi kasi niya aakalain na Nurse ang guro na ito. Tinanggal ni Jaime ang benda na nakabalot sa kamay niya.

“Its swelling bad. Wait kukuha lang ako ng yelo sa ice dispenser.” sabi niya at tumayo. Naiwan ang dalawa na pinagmamasdan ang kamay ni Grae.

“Ano bang nangyari diyan ha? Mukhang napuruhan ka.” saad ni Edward at inalok ng maiinom ang binata.

“Um.. Sinuntok ko yon kaibigan ni Narumi, si Luke.” napabuga sa iniinom si Edward. Nagulat naman si Grae na agad umiwas na mabasa siya. Napatakip sa bibig niya ang guro at hinablot agad ang panyo sa bulsa niya. Naubo pa siya habang naghahabol ng hininga.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now