17 : "I am inlove.."

144 8 0
                                    

“I am inlove..”

****

Nakatingin lang si Narumi sa abot tanaw na ferris wheel ng Enchanted Kingdom sa bintana ng kotse ni Edward. Palabas na sila ng expressway at nag-exit sila sa Sta. Rosa Laguna. Hindi niya inaalis ang paningin sa mga banner at tarpoline ng nasabing amusement park.

“Its your first time right? Mag enjoy ka okay.” sabi ni Edward habang hinihintay nilang umusad ang traffic. Its almost ten in the afternoon. Saktong alas-dose magbubukas na official ang parke. Nasa byahe na din sina Grae at nasa loob na din ng expressway.

“Salamat Kuya, inihatid mo ako. Pasensya na po kung magpapasundo rin ako mamaya.” sabi ni Narumi.

“Okay lang. Mamaya pagsundo ko, dadalhin ko yon Montero so I could pick all of you. Mahirap bumyahe sa gabi kung hahayaan kong magcommute pa ang mga kaibigan mo.” aniya Edward at umikot ng kurbada paglabas niya ng tollgate. Sabado kaya't traffic sa pagpasok ng Laguna, isa pa may iilan din ang papuntang Enchanted Kingdom habang ang iba ay dito sa Sta Rosa dumadaan patungong Cavite. 

Pagkalagpas nila sa trapiko ay dumaan saglit ang dalawa para kumain sa isang branch ng Mcdonalds. Nagpark na sandali si Edward habang si Narumi ay umorder ng kakainin nila. Nasa kahera na siya ng muli makatanggap ng message kay Grae.

Were almost here in Laguna. Pag nag exit na yon bus, itetext kita. - Grae

Pagkaba niya ay saka naman binigay ang inorder niyang dalawang chicken burger at dalawang kape. Nakakuha na ng lamesa si Edward na malapit lang sa pinto ng exit. Pagkalapag niya ng tray ay sinimulan na din nilang kumain.

“You look handsome in that outfit.” nakatawang sinabi ni Edward habang nakatingin kay Narumi na katapat lang niya. Si Dylan kasi ang nagpresinta na mamili ng susuutin ng binata. He won't let go of Narumi unless he pick the clothes he chose.

“Mapilit si Kuya Dylan. But I think I'm okay with it. He really knows what it suits me.” biro niya at lalong natawa si Edward.

“Sasakyan mo ba lahat ng rides?”

Tumigil si Narumi sa pagkain. “Um. Sa extreme rides pass muna ako. Pero susubukan ko yon Rio Grande saka Flying Fiesta. I heard to Brent that its his favorite rides.”

“Eh how about Grae? Ano daw gusto niyang sakyan?”

“He likes extreme rides. Pero mukhang di ako makakasama. Baka magpassed out ako in the middle of the ride e.”

“I guess so. Just stay away from crowd okay. Sa bagay hindi naman matao ang ganitong buwan sa EK. May mga kasabay kayong tourists pero hindi ganoon kadami. Unlike October to February.” paalala nito sa binata. Pagkatapos nilang kumain ay dumiretso na sila sa amusement park.

Alas-dose y media nang makapila sila sa entrance booth para ipaverify ang ticket niya. Sa loob nalang niya hihintayin sina Grae na padating na rin. Kumaway lang si Edward sa kaniya na nakatayo sa labas ng entrance.

He decided to take a seat in one of the benches around the carousel. Ipinatong niya sa ulo niya ang hoodie ng suot na shirt. Hindi masiyadong tirik ang araw kahit sa ganitong oras ng pananghalian. Nag-aagaw dilim ang mga ulap. Pero hindi nagbabadya ng ulan. Its a perfect weather in an open park.

He checked his bagpack again. Kung kumpleto ang gamit niya including his medicines. May dala din siyang extrang damit in case mabasa siya sa mga sasakyan mamaya.

Narumi!” sigaw ng isang pamilyar na tinig. He saw Aileen na patakbo sa pwesto niya. Nakasundress itong carnation pink at nakasandals. Habang naglalakad sa likuran niya si James na naka cap na itim at leather jacket. Nag-uusap naman habang nakatingin sa isang mapa sina Brent at Oliver. They are already planning the first ride they gonna see. At si Grae ay tila nagmamasid sa paligid na parang matagal na hindi nakarating sa parke na ito.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now