10 : "I like you.."

178 10 0
                                    


“I like you..”

****

Sabay sabay na nagtungo sina Edward, Grae at Narumi pabalik sa eskwelahan. May klase ang mga binata ng alas-tres ng hapon hanggang alas-singko kapag araw ng Biyernes. Habang si Edward ay may subject sa Engineering course ng alas-tres.

“Narumi, wag mong kalimutan na isama sila mamaya sa bahay. They are invited to a small dinner with Dylan. Puntahan niyo ako sa office ko sa may Engineering ha.” bilin ni Edward sa dalawa bago sila maghiwa hiwalay.

Nagtungo sina Narumi pabalik sa gusali kung saan sila magkaklase. Nasa hagdan palang sila ay natanaw ng dalawa ang mag nobyo.

“Kamusta ang counselling niya?” asked agad ni Aileen paglapit niya kina Narumi. Naglalakad naman sa likuran nito si James.

“It went fine. I just need to follow the list.” sabi ni Narumi at ipinakita kay Aileen ang ginawa niyang listahan.

“CBT pala ang ginamit non Psychiatrist?”tanong agad ni James nang makita ang nasa notebook. Tumango agad si Grae.

“Oo, its the best way to get rid of Narumi's OCD. Kailangan nalang unti untiin yan gawin. And we need to help him until he reach for the last number. ” sumang-ayon si Aileen.

“So the first is holding doorknobs? Hmm. Kayang kaya ni Narumi yan.”

“Yup, pero hayaan muna natin magpahinga si Narumi for today.” suhestyon ni Grae. Inilabas niya ang libro nila. “Let's prepare our thesis first. ” nanlaki ang mga mata ni Aileen. She almost forgot na may meeting silang dalawa ng partner niya. Nagmadali siyang ilabas ang notebook niya at nilapitan ang kaklase na nakaupo sa bandang unahan. Natawa nalang si James sa ginawa ng nobya.

“I guess we need to get busy.”

****

Naglalakad si Brent palabas ng library. Nakasukbit sa balikat niya ang bagpack habang hinahanap sa bulsa nito ang cellphone niya. Kanina pa kasi ito nagbavibrate at hindi naman niya magawang silipin ang nagtext.

“Sino kaya ito?” nakita niya ang pangalan ni Grae sa lockscreen. Nabasa agad niya ang message nito. He was invited to a dinner together with Narumi's guardians. He felt excited. Makikita kasi niyang muli ang napaka attractive na Kuya ni Narumi. Plus mukhang masarap ang mga pagkain.

Naglakad na siya pababa ng hagdan habang pahuni huni na parang ibon. Tapos na kasi ang tambak na term paper niya at nakaluwag na siya sa thesis report nila. Makakatulog na siya ng maaga.

“Brent.” nagulat siya at tila nanigas sa kinatatayuan. He knew that voice. Gusto na niyang umusad pero pumipigil ang sarili niyang katawan.

“Are you avoiding me?” parang papalapit ng papalapit ang tinig na iyon. Dahan dahan siyang lumingon and he almost got off his balance nang mapansin niyang nakatayo na sa likuran niya ang matangkad na binata na si Oliver.

“Bakit ka nandito?” tanong niya agad dito.

“May klase kami sa 3rd floor. Tapos nakita kita sa library. You've been avoiding me.” seryoso ang tono ni Oliver. Kinakabahan tuloy si Brent. Ganito kasi magsalita ang kaibigan kapag naiinis. His voice remained sullen and deep.

“H-Hindi k-kita iniiwasan. Busy lang ako. Tulad mo, pareho tayong graduating.” sabi niya sabay pinilit na ngumiti. Mas maganda pa ngumiti ang aso sa kaniya.

“You're being weird since I told you na gusto kita. Did I say something bad?” namula si Brent. Ayan nanaman si Oliver sa pagiging straightforward niya. Hindi niya alam kailan pepreno.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now