5 : "We can be friends.."

176 11 1
                                    


“We can be friends..”

****

Huminto sa paglalakad si Narumi nang marating niya ang meeting place nilang dalawa ni Grae. Nakasuot siya ng flesh na polo at nakadoble ng coat na bigay pa sa kaniya ni Dylan. Nagsuot lang siya ng plain sneakers at dala ang isang leather sling bag. Alas-otso ng umaga ang pinag usapan nila pero pasilip silip na ang araw. Pinagmamasdan niya ang mga kamay niyang balot ng gwantes. Mas makapal ang mga suot niya ngayon kumpara sa school. He is aware in his surroundings kaya mas nag-iingat siyang humawak ng mga foreign objects. At wala naman hugasan ng kamay sa lahat ng lugar na dadaanan nila.

Nakasuklay din ang medyo mahaba haba niyang buhok pa kaliwa. Sumasayad na din kasi ito halos sa may kilay niya. Hinawi niya ang mga hibla mula sa kanan bahagi ng buhok niya.Hindi niya alam kung tama ang suot niya, dahil si Dylan ang nagpresinta na ayusan siya. Kung siya lang din naman ang tatanungin, plain na pants at tshirt lang ang susuotin niya.

Bumuntong hininga siya. Its almost eight at titirik na ang araw.

Narumi! Narumi! Sorry I was late.” nagulat siya nang makitang patakbo si Grae habang papalapit sa kaniya. His thesis partner was just wearing a plain black long sleeves and fitted denim pants, but still attractive.

“Sorry, na-late ako. Si Ate kasi nagpapaluto pa ng pagkain.” sabi niya habang hingal na hingal. Kinuha niya sa bulsa ang isang panyo at pinunasan ang mga pawis niya. Then he just thought that Narumi was staring at him. Tumalikod siya. “Sorry, you dont have to look at me. Hehe.. Nakakadiri itsura ko.” nakatawa niyang sinabi.

Umiling si Narumi. “No, you look fine.” sagot niya at natigilan si Grae. Palihim siyang nangiti at mabilis na inayos ang gumulong buhok dahil sa pagtakbo niya.

“Let's go. Bibili pa tayo ng bulaklak.” yaya ng binata.

Sumakay sila ng bus patungong Mandaluyong. Tumagal din ng halos isang oras ang byahe nila. Pagbaba nila ng Vergara, bumili naman ng mga bulaklak si Grae sa nadaanan nilang flower shop bago sumakay ng taxi patungong Alumbres Mental Facility.

“Tingin mo, magugustuhan ni Mama to?” asked Grae habang pinagmamasdan ang bouquet sa harapan niya. Nakatingin lang si Narumi sa kaniya.

“Oo naman, after all. You bought it for her.” nakangiti siya mula sa likod ng face mask na suot niya.

“Pero alam mo, natatakot ako and at the same time, natutuwa.Si Mama ang dahilan bakit Psychology ang kurso ko. I want to know how to cure her kahit parang imposible.” nakaramdam ng lungkot si Narumi. Its the same reason why he took it. He want to cure himself. Pero kung pagkukumparahin sila ni Grae, talo siya. Dahil wala siyang lakas ng loob.

“Ah, bakit ba ako nagiging emosyonal? Nga pala, after this. Sama ka sa amin nina Aileen.” tumawa si Grae at napakamot sa ulo niya. Narumi couldn't leave the idea that this kind of person know how to get emotional and lively at the same time.

“Saan pupunta?” tanong niya. Biglang huminto ang taxi. Nagulat ang dalawang binatilyo.

“Nandito na po tayo mga Sir.” sabi ng driver at tumanaw sa bintana ng taxi si Grae. He saw the sign of Alumbres Mental Facility. Lalo tuloy siyang kinabahan sa pag-iisip na sa wakas makikita na niya ang nanay niya.

Pumasok ang dalawa sa loob ng pasilidad. Sinalubong sila ng tumatayong Head ng Alumbres. Binati sila nito at inaya sa lounge habang hinihintay ang pasyente at nurse na makakausap nila. Tahimik na naupo si Grae habang palingon lingon sa paligid. Para pa din first time niyang makarating sa ganito kahit na nagtotour na sila sa mga ganitong lugar last semester. Iba pa din ang pakiramdam sa nagtotour lang.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now