29: The true feelings..

86 5 0
                                    

Isang linggo na ang nakakalipas mula noon magpang-abot sina Grae at James. Nagkaroon ng maayos na pagkakaunawaan ang dalawa. Natutuwa si Narumi dahil bumalik ang dalawa sa kaswal nilang samahan bilang magkaibigan. Pero lagi naman siyang binabagabag ng isipan tungkol naman sa nararamdaman niya. Malaking kwestyon pa din sa kaniya, kung sino ang mas matimbang.. si Grae ba o si James.

"Nag-iisip kana naman, Narumi.."  bati sa kaniya ni Dylan dahil ilan minuto na siyang tulala. Nagiging gawain niya na ito at kadalasan na siyang nahuhuli ni Dylan. "Wala ka bang gagawin? Plano na lumabas kasama ang mga kaibigan mo?" sunod pa nito.

Araw ngayon ng Linggo, wala siyang natatandaan na usapan ng barkada na aalis ngayon. Bukod kasi sa family day ay wala naman talaga siyang natatandaan plano. Siguro ay buong araw nalang siyang magpapahinga.

"Um, gagawin ko nalang po siguro yon pending na term paper ko." sabi pa niya bago iangat ang plato. Hindi pa niya nauubos ang pagkain pero he feels full, thinking of many things. Madaming gumugulo sa kaniya. He needs peace for a little while.

Pagtayo niya mula sa kinauupuan ay dinala niya ang plato sa kusina para hugasan. Buong araw din nasa bahay si Dylan dahil walang pasok ang Mendrez Fashion. Habang si Edward naman maagang lumabas para magjogging. Its almost nine in the morning pero ang sikat ng araw sa labas ay parang alas-dose na. Ayaw niyang pumirme sana sa bahay kaso wala siyang alam na pupuntahan na sana ay makakapag-isa siya.

Pagkatapos niyang hugasan ang pinag kainan. He decided to check his phone. Baka sakaling may mag-yaya sa kaniyang lumabas. Pero ni isa kina Brent ay walang nagtetext. Its because it's Sunday. Malungkot siyang pumanik ng hagdan. Pero nabawi ito nang bumukas ang pinto mula sa sala. He heard Edward's voice but it was talking to someone.

Nanlaki ang mga mata niya when he saw Grae outside the door. Pinagbubuksan ito ng Kuya niya ng pinto at inaayang pumasok sa loob. He rushed towards the stairs. Nagtago siya sa may pinto ng kwarto niya upang hindi siya agad makita ng dalawa.

“Pasensiya na po kayo Sir Edward. Kung biglaan yon pagpunta ko.” naririnig ni Narumi sa kaklase.

“Okay lang yon, I think Narumi woke up na. Gusto mo ba tawagin ko siya, aalis ba kayo?” nahihiya ngunit tumango lang si Grae. Sa totoo lang hindi niya alam bakit dito siya dinala ng mga paa niya. He decided to go out and find a place he could stay for awhile tutal wala naman ang kapatid niya sa bahay. Ayaw rin naman niyang magstay mag isa doon at para naman siyang mababaliw. Balak sana niyang yayain si Narumi na lumabas at mamasiyal. He doesn't want to think of it as a date. Gusto lang talaga niyang magrelax at huwag muna sana ipressure si Narumi sa mga ganitong bagay.

Nagtungo si Edward sa silid ni Narumi. Pero bago pa man siya kumatok ay siya naman nagbukas nito.

“Grae is here. Lalabas ata kayo?” nakangiti ang kaniyang Kuya habang nagsasalita.

“I heard nga po, sinabi po ba niya kung saan kami pupunta?” aniya Narumi habang hindi pa siya nakakalabas ng silid.

“Hindi e. Maybe just ask him nalang and magprepare kana.” utos sa kaniya nito. Hindi tumanggi si Narumi, bagkus ay sinara muli niya ang pinto ng silid para makaligo at magbihis.

Edward was smiling habang pababa ng hagdan. He really wants them to go out. Naiisip kasi niyang ito ang daan para mas makapag-usap ang dalawa. Pareho sina Grae at Narumi na nalilito sa mga bagay na ngayon lang nila nararanasan. At mahihirapan sila kung patuloy silang iiwas dito.

“Grae, nandito ka pala?” gulat na tanong ni Dylan. Abala kasi siya sa paglilinis ng dirty kitchen nila sa likod bahay. Ito kasi ang kadalasan ginagawa niya every weekends, ang mag general cleaning.

Napahawak ito sa batok bago magsalita. “Opo, sorry po sa biglaan pagpunta. Tatawagan ko po sana si Narumi, kaso baka di po siya agad makasagot e.” pagdadahilan niya. Pinunasan ni Dylan ang mga kamay bago kumuha ng isang baso at pitsel ng grape juice. Ipinatong niya ito sa kaharap na center table.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now