4: "I wanna make him smile.."

240 15 2
                                    



“I wanna make him smile..”

****

Isang araw bago magtungo sina Grae at Narumi sa mental facility kung saan nakaadmit ang nanay ni Grae. Nakatayo ang binata sa gilid ng entrance gate ng unibersidad. Halos mag iisang oras na siya doon at tila lutang ang pag-iisip niya. Balak sana niyang hintayin si Narumi pero ayaw umusad ng mga paa niya para maglakad.

“Grae?” nagulat siya nang makita si Narumi na kakalagpas lang sa guard house. Isinuot niya sa leeg ang ID matapos iyon hanapin ng gwardya. “May hinihintay ka?” tumango lang ang binata at sumunod sa paglalakad niya. Nagtataka tuloy siya kung nasaan ang makulit at pilosopong Grae na alam niya.

“May isang oras pa bago ang klase kay Sir Jake diba?” tanong nito sa kaniya. Tumango lang si Narumi. Sabay silang nagtungo sa library kung saan sila nagmemeeting. May dalawang estudyante mula sa kabilang kurso ang kasabay nilang pumasok doon. Ibinaba ni Narumi ang gamit niya sa mesa at muling kinuha ang mga libro na binabasa niya. May nagawa na siyang set of questionnaires para sa pasyente. Approval nalang ni Grae, ang kailangan niya. Pero mukhang wala ito sa mood ngayon.

Napapakamot siya sa ulo niya habang pinagmamasdan itong tahimik lang sa isang tabi. Hindi siya sanay sa kilos na ito ng binata. Gusto niya magtanong pero ni makipag-usap nga ay hindi niya alam papaano sisimulan. Nanatiling nagmamasid ang mga mata niya dito. Yet he is spaced out the whole time, he didn't forget to disinfect. Nakakatuwa lang para sa kaniya. He is willing to adjust so how about him?

“Um..” huminga siya ng malalim. “Is something bothering you?” tumingin sa kaniya si Grae nang marinig iyon. Nakaramdam agad siya ng hiya at yumuko. Now Grae is staring at him.

“Well, nag-iisip kasi ako ng dadalhin kay Mama bukas.” nagulat siya at sumilip sa pagitan ng mga libro. Napansin niya ang cellphone nito na nakapatong sa mesa. Nakita niya ang isang picture ng mag-ina, may hawak na bulaklak ang isang batang lalake na masaya ang mukha. He thought it was Grae and his mother.

“Bulaklak kaya?” naisip ni Narumi.

“Bulaklak.” at saka may naalala si Grae. Mahilig ang nanay niyang magtanim ng mga bulaklak noon matino pa ang pag-iisip nito. Kadalasan ay kapag isinasama siya sa palengke ay siya pa ang namimili ng bulaklak na bibilhin nila at magkasama nila itong ililipat sa mga flower vase. Ngumiti siya.

Narumi just sighed with relief. Finally, he saw its smile. Mukhang bumabalik na sa mood niya si Grae. So he can help in little ways, and that makes his heart pounds.

Pagkatapos nilang magreview tungkol sa thesis nila ay sabay na silang pumasok sa susunod na klase.

Huy Grae!” nagulat ang dalawa nang makita si Aileen na tumatakbo papalapit sa kanila. Kadarating lang nito dahil medyo basa ang buhok ng dalaga. Pagkalapit niya kay Grae ay yumakap siya dito na parang matagal silang hindi nagkita.

“Bakit ang aga mo? May ka date ka no?” natawa si Grae sa tanong sa kaniya.

“Baliw, nagmeeting kami ni..” pagturo niya kay Narumi ay wala na ito sa kinatatayuan niya. Nagtaka ang dalawa.

“Kasama mo si Narumi?” asked Aileen at tumugon agad ang binata. Pero mukhang naglaho na parang bula nanaman si Narumi. “Ang weird niya ah.”

Nakahinga ng maluwag si Narumi pagpasok niya sa comfort room ng mga lalake. Mabilis siyang naghubad ng gloves niya at naghugas ng kamay.

Ah!” nabigla siya sa paghawak ng tubig. Malamig ito. Pakiramdam niya kumakalma siya pag nakakahawak ng tubig. Napatingin siya sa mga kamay na puno ng sugat. Ang iba ay naghihilom pero karamihan ay sariwa pa. Hindi niya alam paano iiwasan ito. Natatakot naman siyang magpatingin.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon