21 : "As long as I'm breathing.."

121 8 1
                                    


“As long as I'm breathing..”

****

Tumatakbo ang umiiyak na si Narumi matapos siyang kutsain ng mga kasamahan bata. Gusto lang naman sana niyang makakuha ng laruan sa mga nagdonate ngayon umaga. Pero hindi siya pinahintulutan dahil madudumihan niya ang mga bagong gamit. Isa pa, hindi rin siya pinapayagan humarap sa mga bisita. Ayaw kasi ipakita ang mga nasa kamay niya at nasa iba pang bahagi ng katawan niya. Iisipin may sakit ang mga bata dito sa Foundation at magkakaroon lang ng mas maraming dahilan para hindi maampon ang mga bata dito.

Hoy!” nagulat si Narumi sa sumigaw sa kaniya. Binilisan niya ang takbo para makapagtago. Pero nagulat siya nang maramdaman ang kamay ng isa pang bata. Nawalan siya ng balanse at bumagsak sa sahig.

Aray.” nanginginig pa siya at dahan dahan hinawakan ang balakang niya. Kinuha ng isang bata ang kamay niya at itinayo siya.

Wag mo akong hahawakan!” sigaw ni Narumi at tinabig ang kamay ng batang lalake.Itinago niya ang dalawang palad sa loob ng damit.

Narinig niya itong tumatawa. “You don't have to hide it. Hindi naman ako tulad ng mga yon.” sabi nito at pinahid ang mga naipon luha sa gilid ng mga mata ni Narumi. Pinilit niyang hawakan ito sa braso at tinulungan makatayo. Napansin na niya agad ang mga sugat sa buong katawan nito. Pati sa mga kamay kung saan mas malala.

Kanina pa kita hinahabol, ito o! Gusto mo to diba?” sabi nito at inabot ang isang kahon na may laman teddy bear. “Kanina pa kasi kumikinang yan mga mata mo diyan e. Tapos napansin ko ayaw ka nilang pakuhanin.”

Pinipigilan umiyak ng batang Narumi habang tinatanggap ang laruan. Inangat niya ang paningin sa batang halos kahabulan lang niya ng edad. Maamo ang mukha nito at tila walang dinadalang problema sa mga ngiti nito at pagtawa.

Magpagupit ka kaya, akala ko kanina batang babae ka.” biro nito at hinawi ang mga sumasayad na bangs ni Narumi sa mga mata niya.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now