8 : "What is this feeling?"

166 11 4
                                    



“What is this feeling?”

****

Nilapag ni Narumi ang tray niya ng pagkain sa mesa kung saan nakaupo sina Grae at Brent. Sila ang kasama niyang kumain liban sa magnobyo kapag Lunes.

“Vegetarian ka, Narumi?” curious na tanong ni  Brent nang silipin niya ang mga pagkain binili ng binata. Nakaupo siya katapat na upuan ni Grae sa kabilang bahagi ng mesa.

“Um, hindi naman. Madalang talaga ako kumain ng karne.” sagot agad ni Narumi. Dumating naman si Grae na bumili ng pagkain niya.

“Oo nga pala, matanong ko lang. Sabi mo gusto mo na magpagamot? Hindi ka ba nagpakonsulta sa Psychiatrist?” bungad agad ni Grae. Tinanggalan niya ng balot ang burger na binili niya.

Umiling si Narumi. “The last time I've been there was a kid. Tapos hindi na ako bumalik. Pero may nirerefer si Kuya Dylan.” nagulat si Grae nang banggitin niya ang isa pang umampon kay Narumi.

“Celebrity ba yon? Bakit mukhang artista yon?” natawa si Brent sa tanong ni Grae.

“He's a fashion designer.” napabuga sa kinakain si Brent. Agad siyang inabutan ni Grae ng maiinom.

Wow, mukhang mayaman pala siya.” namangha ang dalawang binata..

“Well, pareho sila ni Kuya Edward, dating CEO naman siya. Tapos ayon nagtuturo nalang. Mababait silang tao.” paliwanag ni Narumi. “Pwede tayo magpaschedule sa kakilala ni Kuya Dylan.”

Tumango si Grae. “Sige, kausapin mo na yon Kuya mo kung kailan mo gustong pumunta. Sasamahan kita.” ngiting sinabi niya. Nahihiyang ngumiti si Narumi. He doesn't feel distant now. Dahil siguro natututo na siyang magtiwala ngayon.

“Ano yon?” tanong ni Brent nang makarinig sila ng ringtone. It was Grae's phone. Kinuha niya iyon sa bulsa niya at sinagot ang tawag. Lumayo muna siya sa dalawa na kumakain.

“Nako, for sure isa nanaman sa mga manliligaw niyang inaaya siyang lumabas.” pailing iling na sinabi ni Brent habang pinagmamasdan nila si Grae.

“May manliligaw siya? Siya ang nililigawan ng babae?” tanong ni Narumi. Tumango tango si Brent.

“Oo, lakas ng sex appeal eh. Siya naman tong may ayaw sa mga ganiyan. Baka hindi pa nakakamove on sa ex niya.” nagulat si Narumi. Hindi pa niya alam iyon tungkol kay Grae, pero sa bagay hindi pa ito nagkukwento ng tungkol sa sarili niya. Ang alam lang niya ay tungkol sa Mama niya. Pero ni isa ang gusto o ayaw nito ay hindi pa niya alam.

Natahimik siya sandali. Napaisip siya. Grae is a kind and caring person, obviously madami talaga ang magkakagusto sa kaniya. Lalo at sikat siya sa campus, everyone knows him. Pero bakit ganito, why is feeling irritated?

“Oh? Hindi mo na ginalaw yan pagkain mo?” nagulat siya at nakatayo na si Grae sa harapan niya. Nakaturo ito sa pagkain hindi na niya nagalaw. Mukhang tapos na ito sa kausap sa phone.

“Kumain kana para di ka gutumin, 3 hours klase natin kay Mam Jessica.” paalala nito at bumalik sa kinauupuan. Grae is really a caring person, walang babae ang hindi magkakagusto sa kaniya.

So why I am feeling agitated?

Sabay sabay silang nagtungo sa susunod na klase. Kasama pa din nila si Brent dahil ang susunod na subject nito ay sa tabi lang ng classroom nila Grae.

“Hi Grae.” napalingon si Narumi sa babaeng bumati sa binata. Hindi niya maiwasan mahiya dahil dati lang ay ayaw niya kasama ang binata at ngayon sabay silang papasok. Everyone might thought its weird.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now