14 : "You don't know anything about him."

129 8 0
                                    

“You don't know anything about him.”

****

Naunang lumakad si Grae na tila gigil at naiinis pa din sa nangyari kanina sa coffeeshop. He felt embarrassed sa inugali niya. Talagang napuno na siya sa lalakeng iyon. He doesn't like him.

“Huy, Grae. Ano yon kanina? Nakakahiya sa kaibigan ni Narumi.” habol sa kaniya ni James.

Nagkibit balikat siya. “Siya itong nagsimula. Nagtanong pa siya ng ganon? Anong gusto niyang palabasin?” bumuntong hininga si James. Minsan talaga ay hindi makontrol ang init ng ulo ng kaibigan. Lumingon si James sa kabilang gusali. Nagpresinta kasi sina Aileen at Narumi na samahan si Luke sa susunod na klase nito tutal at may isang oras pa silang vacant. Napilitan siyang samahan nalang si Grae para pakalmahin sana ito. But he is out of control.

“Alam mo daig mo pa ang boyfriend ni Narumi kung magreact ka. Kaya ka hiniwalayan ni..” tumigil siya nang padaplis na lumabas sa bibig niya ang pangalan ayaw marinig ni Grae. Agad niyang itinikom ang bibig. Hinihintay niyang magsalita ang kaibigan.

“I know what you mean James. Masiyado sigurong nakakasakal itong ginagawa ko.” aniya sa seryosong tinig. Umiling iling si James. Hindi niya sinasadyang mabanggit pa iyon. Hahawakan sana niya sa balikat ito pero umiwas si Grae at nagtuloy sa paglalakad.

“Let's get to next class.” sabi lamang nito at hindi na siya tinignan. Inilabas ni James ang cellphone niya, nagtext siya agad kay Aileen na balikan na sila bago pa muling pumutok nanaman si Grae sa galit.

Pababa na ng hagdan sina Narumi matapos nilang ihatid si Luke sa susunod na klase nito. Nabasa na agad ni Aileen ang message sa kaniya ng nobyo. At sabay tumingin siya kay Narumi na tila pinagmamasdan ang mga kamay.

“Are you okay?” asked ni Aileen sa kaibigan. Lumingon ito sa kaniya.

“Grae is acting strange. Parang ayaw niya kay Luke.” nag-aalala niyang sinabi. Pansin ng dalaga na tila apektado si Narumi sa inugali ni Grae kanina. Hindi rin naman niya maitanggi na minsan nakakainis ang ugali ng kaibigan nila but his hunches are always right.

“Alam mo, madalas may topak si Grae. Mamaya okay na siya.” sabi nalang niya para hindi na mag-isip pa si Narumi. Tumango nalang ang binata. Nagtungo na sila sa huling klase ngayon araw.

Hindi nila napansin na naglalakad si Brent kasunod lamang nila. Nakasilip kasi siya sa syllabus na hawak niya at tinitignan ang susunod na lesson nila sa subject na papasukin niya. Nakabulsa sa bagpack niya ang tumbler na ibinigay ni Oliver sa kaniya. Nangako ito na sabay silang uuwi mamaya at hindi siya pwedeng tumakas dito.

“Parang gulo itong pinasok ko.” aniya sa sarili at huminga ng malalim. Nakalimutan na niyang replayan pa si Narumi sa imbitasyon nito sa bagong bukas na coffeeshop. Masiyadong maraming nangyari ngayon araw. For sure everyone will get shock.

****

Alas-singko natapos ang huling klase ng mga fourth year students. Nagtatakbo kaagad si Brent patungo sa kabilang gusali para mahabol ang mga kaibigan. Doon palang sa labas ay natanaw na niya sina Grae na naglalakad. Natigilan siya nang mapansin may kasama si Narumi na hindi pamilyar na mukha. Habang nakasimangot naman ang isa pang binatilyo.

Dahan dahan siyang lumapit sa magbabarkada. Pagkakita sa kaniya ni Narumi ay natuwa ito at ipinakilala ang kaibigan nagngangalang Luke.

“Wow, may friend pala si Narumi sa foundation. Nice to meet you.” sabi niya at nagshake hands silang dalawa. Lumingon si Brent kina James na pailing iling mula sa likuran. Tahimik kasi si Grae at hindi nakikigulo. Badtrip nanaman siguro ito.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now