19 :"Conceal your pain."

131 8 0
                                    

“Conceal your pain.”

****

Three weeks ang lumipas simula noon nag amusement park ang magkakabarkada. At dahil papasok na ang Midterms ay abala ang mga estudyante sa pagrereview at pagpapasa ng mga requirements na hinihingi ng kani kanilang guro. Nasa kalagitnaan ng pagrereview si Narumi nang mapansin niya si James na tila wala sa sarili at naupo sa tabi niya.

“Goodmorning.” bati ni Narumi sa kaibigan. Hindi ito umimik at basta nagbukas ng libro. Nagtaka ang binata sa inaasal nito. James usually greet back kahit na sobrang busy siya. Ito ang unang beses na hindi siya nito nilingon man lang.

“Si Aileen?” tanong na muli ni Narumi. Umiling si James. This time he responded. Napaisip tuloy siya at bakit hindi magkasama ang dalawa.

“She's with her friends again.” parang may inis niyang sinabi. Nanatiling tahimik si Narumi at pinagmasdan ang mukha ng katabing binata.

“Where is Grae?” naisipan ni James na itanong.

“He is with Student Council. Baka hindi siya makasabay sa atin ngayon.” huminga ng malalim si James. Nakaramdam siya ng curiosity. Ayaw kaya ni James na sumasama si Aileen sa mga kaibigan nito.
Hindi na nagtanong pa si Narumi at itinuon sa pagbabasa ang mga mata.

Nagklase sila matapos na dumating ni Aileen. Isang oras din ang subject ni Mr. Ferrer sa Neurology. At hindi nakapasok si Grae dahil sa meeting sa Student Council. Nagdesisyon ang tatlo na sunduin ang kaibigan para isabay sa lunch.

“Kayo nalang muna, sasabay ako kina Reiko.” nagmamadaling paalam sa kanila ni Aileen. Walang naisagot si Narumi kundi pagtango nalang habang ang katabi naman niyang binata ay wala din imik.

Hoy! Hindi ba kayo kakaen?” nagulat ang dalawa nang tawagin sila ni Brent. May hawak na itong tray habang kasunod niya si Oliver na kumuha ng mauupuan nila. Hindi nagdalawang isip sina Narumi na sumabay nalang kina Brent na kumain tutal at mukhang hindi na nila mahihintay pa si Grae.

“Kayo lang? James! Si Aileen? Wala?” sunod sunod na tanong ni Brent. Walang sagot ang binata. Tumayo nalang siya ay bumili ng makakain. Lumipat ang tingin ni Brent sa katabing kaibigan na si Narumi.

“About nanaman kay Aileen?” tumango ito.

“Ayaw magsalita ni James. Hindi ko alam kung bakit.” malungkot na sinambit ni Narumi. Bumuntong hininga si Brent. Inayos niya ang mga biniling pagkain at tinanggal ang dalawang tray. Ibinalik iyon ni Oliver sa kabilang mesa.

“Ganyan na talaga ang relasyon nila dati pa. Patay sindi. Wala naman problema kay James e. Si Aileen lang kasi.” aniya Brent at binuksan ang burger na binili. Inalok niya si Narumi bago sinimulan kagatin.

“So you mean si Aileen?” tumango lang si Brent.

“Kaibigan namin silang pareho. Kaya lang may kaniya kaniya silang problema na sila ang makakaayos. Like Aileen, hindi na mawala sa kaniya yon ugali niyang ganyan. She leaves James behind, because of friends. At pagkatapos isang araw may iba na siyang gusto.” nagulat si Narumi sa narinig.

“Ha?”

“I know its complicated. But oo. Something fetish ata ni Aileen ang ma fall sa mga lalakeng may magandang mukha, pogi, gwapo. Ganyan.” itinuro niya ang mukha ni Narumi. “Diba non first time mong tinanggal yon mask mo. Parang kumikinang kinang ang mga mata niya. She's always like that. Ito naman si James, wala lang.” he shrugged at galit na binuksan ang tumbler niya.

“So okay lang kay James na magkagusto siya sa iba?”

“Hindi sa ganun. Siyempre ayaw niya kaya nga tignan mo. Hindi nanaman natin siya makausap ng maayos. Ang problema kasi, paulit ulit nalang. Siyempre nakakapagod iyon.” paliwanag niya. Nakaramdam ng lungkot si Narumi para sa kaibigan. Hindi niya alam na may ganoon pinagdadaanan si James. At alam din niya kung gaano kahalaga ang dalaga para sa kaniya. Iyon lang, may iba pa siyang gusto.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon