28: "Things that worth a risk.."

235 9 2
                                    


“Things that worth a risk..”

***

Lumabas ng silid si Narumi para sabayan sa hapagkainan sina Edward at Dylan. Hindi siya nagpasundo dito, at sabay silang umuwi ni James, habang si Grae ay naiwan para sa meeting with Student Government.  Naalala pa niya ang awkward na pag-uusap ng dalawa. Ayaw naman talaga niya ng kompetensiya. He just wants to make up for the both of them. Kung pagkakaibigan ang pag-uusapan, wala siyang pinipili. But how about love?

“Goodeve, Kuya Dylan..” bati niya dito pero nagtaka siya ng wala sa hapagkainan ang Kuya niya. Sa halip si Edward ang nandito at naghahanda ng mga plato nila. Kadalasan kasi si Dylan ang gumagawa non. Kaya't nanibago siya na hindi maabutan sa hapag ang binata.

“Si Kuya po?” tanong niya at dahan dahan hinila ang isang upuan.

“Madaming gawain si Dylan kaya hindi muna siya makakasabay. Alam mo naman next week na ang upcoming fashion show niya sa Dubai kaya medyo nagrarush na ang Kuya mo.” paliwanag naman ni Edward matapos ilapag ang ulam na niluto niya.

Naalala ni Narumi ang fashion show ni Dylan sa Dubai sa susunod na linggo. Alam niya kung gaano ito kaabala kapag may ganoon event pero never itong bumabaling sa pangako na lagi silang sabay sabay kumain. Ayaw naman niyang mag-isip ng kakaiba, siguro ay talagang busy si Dylan.

Bumuntong hininga si Edward habang nakatingin sa nag-iisip na si Narumi. Hindi talaga siya magaling sa paglilihim. Gusto tuloy niyang bawiin ang sinabi. Gusto niyang sabihin na nagkatampuhan sila ni Dylan kaya't hindi ito sumabay kumain.

“Kain na, Narumi.” pagyaya niya sa binata.

***

Alas-siete ng umaga ang unang major subject ng mga graduating Psychology students. Napilitan tuloy na pumasok si Grae ng mas maaga dahil isinabay siya ng kapatid na si Grace. Inaantok pa siya habang naglalakad sa hallway at takip ang dalawang tainga ng headset niya. Dahan dahan siyang pumipikit at dumidilat. Mas nakakaantok pa dahil malamig ang simoy ng hangin dala ng mga punong kahoy na nakapaligid sa gusali. Kakaunti palang din ang mga estudyante na pumapasok. Ito ang pinaka nakakatamad na araw ng klase.

Tumutugtog sa headset niya ang kantang “Love Is That Matters” na orihinal na version ni Eric Carmen. Pagbigkas ng lyrics na “Keeping us together, love is all we need.” ay saktong nakita niya si Narumi na kasalubong na niya. Naglalakad din ito na parang wala sa sarili.

Tila nasa isang teleserye si Grae habang nakatitig siya sa kaklase. Bumabagal ang oras pero bumibilis ang kaba sa dibdib niya. He haven't felt this before. Sa mga babaeng nagustuhan niya, at sa ex niya na si Athena. Akala niya sa mga telenobela lang, nararamdaman ang slow motion. Pero ngayon alam na niya ang feelings para sa kaibigan, mas nagiging malinaw sa kaniya, that Narumi is what he needs.

“Grae?” nanlaki ang mga mata niya at mabilis hinila ang headset sa kaliwang tainga niya. Nasa harapan na pala niya si Narumi at heto para pa siyang nasa ere.

“Narumi! Ang aga mo. He.He.” kunwaring nagulat siya at tumawa. Nagtaka si Narumi sa ikinikilos niya.

“Oo naman? Seven ang klase natin. Ikaw ba? Kanina ka pa, nasaan sina Brent?” sunod sunod na tanong nito. Kumulot agad ang noo ni Grae. Sina Brent agad ang hinahanap nito.

“Baka mamaya pa yon si Brent. Hayaan mo yon, may Oliver na yon.” nakatawang sagot niya dito.

“Ayos ka lang, Grae. Ang lalim ng mata mo.” bati ni Narumi at akmang hahawakan ang pisngi ng binata. Mabilis iyon pinigilan ni Grae. The grip was too strong, hindi agad mabawi ni Narumi ang kamay niya. Tumitig ng taimtim si Grae sa kaniya.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now