11 : "Let's just stop this nonsense."

167 8 0
                                    


“Let's just stop this nonsense.”

****

Nagulat si Dylan nang makita ang mga estudyante sa sala. Hinubad ni Edward ang suot niyang coat at binaba ang dalang bag sa sofa. Inalok niyang maupo ang mga bata.

“Oh? Is this Oliver? Kasama din pala.” nagtatakang tanong ni Dylan.

“Oo, I saw him with them kaya naisip ko na iinvite na din siya. Mas marami, mas masaya.”

Magkakatabi sa upuan sina Aileen, James, Grae, Brent at Oliver. Habang si Narumi ay nagtungo sa kwarto niya para magpalit ng damit. Nasa kusina si Dylan at inihahanda na ang mga iniluto niyang potahe. Nanatiling walang imik sina Brent at Oliver. Hindi sila nagpapansinan man lang. Its still awkward. Lalo at kapag nagsalita si Brent, ay paniguradong magtatanong na sina Grae.

Pagbalik ni Narumi ay niyaya na niya ang mga kaibigan sa hapag-kainan. Doon ay nakahain ang ilan potahe tulad ng menudo, sinigang, inihaw na isda, sisig at bicol express na paborito ni Narumi. May desserts din tulad ng buko salad at cake slices. Nalula si Aileen sa dami ng pagkaim, mukhang masisira ang diet niya ngayon araw.

Nagsiupuan na sila. Tumabi si Oliver kay Brent habang siya naman ay tumabi kina Narumi at Grae. Katapat naman nila sina Aileen, James at ang magkapareha na sina Edward at Dylan.

“Kain na kayo. Don't be shy, okay.” nakangiti si Dylan at inabot sa kanila ang bandehado ng kanin. Si Edward naman ay nagsimula ng kumain.

“I never thought this day would come, na magdadala ng mga kaibigan dito si Narumi.” aniya Dylan at tumingin kina Grae. Nahihiya naman sumang-ayon ang mga binata. They're still attracted to Dylan's beautiful face at hindi sila makasagot ng maayos.

“And, its a surprised I saw you again, Oliver.” nagulat si Brent sa sinabi ni Dylan. Nagtataka tuloy siya at malapit siya dito samantalang hindi naman friendly na tao si Oliver. He choose his friends.

“I saw Brent with them so I came here.” matipid na paliwanag ng binata.

“Ah, siya pala si Brent iyon tinutukoy mo?” gulat na tanong ni Dylan at lumipat ang tingin kay Brent na nakayuko.

“Opo, the man I..” bago siya matapos sa sasabihin ay sinadyang ihulog ni Brent ang kutsara niya.

“Sorry po. Pupulutin ko nalang.” aniya ng binata at mabilis na yumuko para hanapin sa ibaba ang inihulog ng kubyertos. Huminga siya ng malalim. He wants Oliver to stop. Hindi na maganda kung mas marami ang nakakaalam. How could he possibly tell it to someone he barely known?

Bumalik sa pagkain si Brent na tila nasira na ang mood dahil sa kawalang preno ni Oliver sa pagsasalita. Pinalitan naman ni Dylan ang kutsarang nahulog niya. Pinagmamasdan niya ang dalawa. Tila may kakaiba sa ikinikilos nina Brent at Oliver. Ayaw naman niyang makealam at magtanong pero nararamdaman niyang may alitan ang mag kaibigan. Dahan dahan siniko ni Dylan si Edward at sumenyas na tignan ang dalawang binatilyo na kaharap nila.

They were thinking the same idea.

Pagkatapos kumain ay nagtipon-tipon sila sa sala para magkwentuhan. Narumi helped preparing the desserts and wine para pagsaluhan. Habang si Brent ay nanatiling nakatayo sa may terrace at nagdahilan na may kausap siya sa telepono. Hindi kasi niya magawang humalubilo doon lalo at kasama si Oliver. Kailangan niyang umiwas dahil hindi magiging maganda kung lalalalim pa ang nararamdaman ng kaibihan sa kaniya.

Panakaw siyang sumulyap kina Grae na masayang nagkukwentuhan. He saw Oliver socializing with his friends. He just want to see his bestfriend interacting normally with others. Kung may isa kasing tao na mas nakakakilala at nakakaalam sa pinagdaanan ng kaibigan ay siya iyon. That's why he keep on saying to himself na hindi siya ang magiging dahilan na bumalik sa dati kinagisnan ang binata. Hindi ngayon o bukas.

Touch Of Heart - BoysLove √Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon