9 : "I wanna feel the warmth of his hands."

158 9 1
                                    

“I wanna feel the warmth of his hands.”

****

Inabot ni Dylan ang isang calling card kay Narumi bago ito umalis ng bahay. Nakabihis na ang binata ng damit na suggest niya dahil alam ni Dylan na aalis ito.

“Dito mo tawagan si Anthony, sa number na yan. I already told him na may schedule ka ng counselling sa kaniya so he is expecting you today.” paliwanag ni Dylan. Tumatango tango lang ang binata.

“Hahabol daw si Kuya Edward mo sa inyo. May meeting lang siya this morning.” tumugon ulit ito. Hindi maiwasan matuwa ni Dylan, the little kid he used to take care was already becoming a man he is. Sa halos limang taon nilang kasama ito ay sa wakas natututo na siyang magdesisyon para sa ikakaayos ng sarili niya. And the first step is getting a counselling for his treatment.

“Kasama ko po si Grae tapos hahabol din sina Brent.” paalam ng binata. Tumango agad si Dylan. Inabot niya dito ang trench coat na itim.

“Ingat kayo.”

Pumara ng taxi si Narumi paglabas niya ng bahay nila. Nagpahatid siya sa Parañaque kung saan doon ang office at center ng Psychiatrist na kakilala ni Dylan.  Habang si Grae naman ay nakaalis na din at doon nalang sila magkikita. Hindi maiwasan kabahan ni Narumi habang nakasakay na siya. Ilan oras nalang ay haharap na siya sa isang bagay na kinakatakutan niya.

“I can do this.” bulong niya sa sarili. Naalala niya kung paano siya hinawakan ni Brent. He wants to feel it again. The warmth of comforting hands. Nakasuot siya ng hindi pangkaraniwang mga kulay ng gloves. It was colored black to compliment his attire for the day. Ipinatahi ito ni Dylan para sa kaniya last birthday niya. Kaya ito ang isinuot niya, plus the cloth makes his hands move easily. Malambot kasi ito at hindi nagdadahilan ng pananakit ng mga sugat niya.

Bumyahe ang taxi ng halos isa't kalahating oras. Nakarating siya sa Parañaque almost eight. Pagbaba niya ay sakto nakita niya si Grae na umiinom ng kape sa tapat ng isang tindahan. Pagkakita sa kaniya, kumaway agad ito.

“Did you sleep well?” asked Grae. Tumango si Narumi. Kinailangan niyang makatulog ng maayos bago ang araw ng counselling niya.

“Let's go.” yaya niya kay Grae. Inubos na niya ang kape bago sila magtungo sa opisina ng Psychiatrist.

Pagpasok nila sa pasilidad ay sinalubong sila ng isang babaeng nakasuot ng casual clothes. Nauna itong lumapit kay Narumi. Narinig ni Grae ang sinabi nito.

“Wait in the lounge, at tatawagin nalang kita Mr. Fujiwara.” sabi nito at sumunod ang dalawang binata. Mukhang bahay ang loob ng pasilidad. May sala, kusina at may second floor din. Sa labas ay mukha din itong normal na bahay lang. Pero isa pala itong counselling center. Sabi ni Dylan ay kaya ganito ang itsura ay para manatiling kalmado ang mga pasyente ni Dr. Anthony.

“Are you nervous?” asked Grae nang makita nanaman ang mga kamay ni Narumi na magkalapat sa isa't isa.

“Yeah. Its been years since I came here. Hindi ko na alam kung parehong process pa din ang gagawin.” sabi niya sa sarili.

“Iba talaga siguro ang pakiramdam na ikaw yong nasa counselling at kung ako yon mag kacounselling sayo. ” sabi niya at nilingon siya ni Narumi.

“Kapag nagsimula na yon therapy mo, promise ko sayo tutulungan ka namin gumaling. Para saan ba't nag-aaral kami ng Psychology.” nakangiti niyang sinabi. “Saka dahil sayo, I had a new goal.” he paused and look at Narumi's eyes.

“My goal is ..  to hold you.” nanlaki ang mga mata ni Narumi at namula ang mga pisngi niya. He couldn't reply. He is still speechless.

Touch Of Heart - BoysLove √Where stories live. Discover now