23

269 20 1
                                    


TWENTY-THREE




Mabilis ang naging pagtayo ni Harvin. Dumiretso ito sa bagong dating na babae... a-ang tunay na ina ng mga anak niya at walang sali-salitang hinila niya ito palabas.

Nakakabinging katahimikan ang naiwan sa loob. Walang umimik ni ang pagtunog ng mga kutsara ay hindi na naririnig.

Napalunok ako. Bumuntong-hininga pagkatapos ay hinarap ng may ngiti sa labi ang mga bisita namin.

"Kumain muna tayo. May pagu-usapan lang siguro sila." turan ko, "Hissey, Helsey finish your food mga anak, Harson."

Ngumiti naman sa akin ang mga kaibigan ko at mga kapatid. Si Nanay ay bahagya pang inabot ang kamay ko at marahang hinaplos ito. Ang mga bata ay nagsimula na din ulit kumain, ngunit makikinita pa din na hindi pa nakakabawi ang mga ito mula sa pagkagulat dahil sa biglaang pagdating ng Mommy nila. Ang mga kaibigan naman ni Harvin ay mariing nakatitig sa akin, nginitian ko naman ang mga ito dahil halata ang paga-alala sa ekspresyon nila.

Nang matapos kaming kumain ay binasag ni Jackiee ang katahimikan, nagsimula kaming mag-usap na parang walang nangyari. Ramdam ko na sinusubukan nilang paga-anin ang loob ko lalo na't ilang minuto na ang nakakalipas ay hindi pa din ulit pumapasok si Harvin.

At... mga magiisang oras na nang makatanggap ako ng text message mula sakaniya.

Harvin: I'm sorry for the trouble, wife. I just need to go outside, I think I need some fresh air. Send also my apology to Nanay.

Nakagat ko ang labi at nagtipa.

Vanessa: Sige. Ingat ka. Nandito lang ako, Harvin.

Nang maipadala ang mensahe ko kay Harvin ay nagpakawala ako ng buntong-hininga pagkatapos ay inangat ko muli ang ulo ko at binigyan ng ngiti ang mga bisita namin, muli akong bumalik sa pakikipagkuwentuhan sakanila. Binabagabag man ang kalooban dahil kay Harvin ay sinubukan kong magtiwala sakanya at hayaan muna siya.

•••

Lumipas ang isang buwan matapos ang pag-balita namin sa mga kaibigan at pamilya namin sa pagbubuntis ko at isang buwan na din ang nakalilipas nang nangyari ang... ang biglaang pagbisita ng tunay na ina ng mga bata.

Normal naman ang naging takbo ng mga araw namin. Nakararamdam lang ako ng pagbabago sa akin dahil sa pagbubuntis. Ang mga bata ay mukhang nakalimutan na din ang pagdating ng ina nila dahil matapos nu'n ay hindi na ito nagpakita pa.

At si Harvin... gaya pa din naman ng dati ang pakikitungo niya sa akin pero... tila bumalik ito sa madalas na pagiging tahimik, lagi ding seryoso halos at parang may malalim na iniisip.

"Good morning, Husband." bati ko dito nang saktong paggising ko ay ang pagtayo niya sa higaan.

"Morning." malalim at paos ang boses na bati niya pagbalik. Nginitian lamang ako nito at nagtuloy-tuloy na sa banyo.

Nakagat ko ang labi at hindi ko mapigilang mapabuntong-hininga.

Wala namang nakaka-iyak ngunit ramdam ko ang nagbabadyang luha na tila gustong kumawala mula sa mga mata ko. S-Siguro... dala ng pagbubuntis.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit na kailangan ko sa paga-ayos ng sarili sa umaga pagkatapos ay kaagad na din akong lumabas ng kuwarto.

Sa common bathroom na ako nag-ayos ng sarili pagkatapos ay pinuntahan ko na si Harson at Hissey para gisingin dahil may pasok sila ngayon.

Si Harson ay naabutan kong gising na. Nakatulala lang ito ngunit kaagad ng tumayo nang makita ako.

Pagpunta ko kay Hissey ay mahimbing pa ang tulog nito. Marahan akong sumampa sa kama niya at ginising siya.

hire as their momOù les histoires vivent. Découvrez maintenant